APAT NA MAAGANG SINTOMAS NG OVARIAN CANCER NA DAPAT MALAMAN NG BAWAT KABABAIHAN

SPONSORED LINKS
Sa kasalukuyan, ang kanser ay siyang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng tao sa halos lahat ng
bansa sa buong mundo. Sa katotohanan, dahilan ito ng halos 30 porsiyentong pagkasawi ng tao sa
Canada lamang, na mas marami pa kapag itoy ihalintulad sa ibang mga sakit.



Sa pagtantya ng Canadian and American Cancer Societies, nagkaroon ng halos 2,800 na bagong kaso
at 1,750 na pagkamatay sa Canada, at 22,280 na bagong kaso at 14,240 na pagkamatay sa United
States lamang.

Ang ovarian cancer ay sumisibol kapag ang cells sa ovaries ay nagbuo ng tumor na naging
“malignant”. Karaniwan itong tinatawag na “the silent killer” dahil halos wala itong ipinapakitang sintomas at mahirap din itong tuklasin gamit ang screening.

Habang karaniwan ito sa post-menopausal na mga kababaihan, kamakailan lamang ay naaapektuhan na rin nito pati mga mas batang babae na nasa edad na 30 at 40. Ayon sa kasalukayang pananaliksik,
ang maagahang pagtuklas sa kanser ay maaaring makadagdag sa posibilidad mong mabuhay o makabawi sa sakit na ito, kaya ang regular na check-up ay kailangan.

Sa kasamaang palad, sa ngayon ay wala pa ring maaasahang pagsusuri para sa sakit na ito. CA125 na
pagsusuri sa dugo ay maaaring magbigay ng “false negatives” o maling resulta habang ang smear
tests ay hindi kayang hanaping ang mga malignant cells. At merong pang karagdagan problema,
karamihan ng mga sintomas ay kadalasang ini-uugnay sa maling sakit tulad ng irritable bowel
syndrome. Dahil dito, ang tumor ay natutuklasan lamang kapag itoy nasa stage 3 na at huli na ang
lahat.

Apat na sintomas na maaaring palatandaan ng ovarian cancer:

1. Patuloy na pamamaga

Ang walang lubay at madalas na pamamaga na lumampas na ng halos tatlong lingo ay karaniwang
pahiwatig ng cancerous tumor growth.


2. Pananakit ng tiyan at bewang

Bagama’t ang menstrual cramps o pananakit habang merong regla ay normal, ang patuloy na pananakit na tumagal ng tatlong linggo ay posibleng sintomas ng ovarian cancer. Pre-menopausal na mga babae ay dapat mag-ingat dahil ang sintomas na ito ay karaniwang napagkakamalang normal na pananakit lamang habang merong regla.

3. Hirap sa pagkain/madaliang pagkabusog

Ang kawalang gana sa pagkain na biglaan lamang pero tumagal ng halos tatlong linggo ay maaaring
palatandaan ng ilang mga sakit katulad ng isyu sa tiyan, bituka at bowels. Gayon pa man, ito din
ay posibleng sintomas ng kanser kaya siguradohing kumonsulta sa doktor.

4. Palaging ihi-ihi

Kung sakaling palagi kang pumupunta ng banyo para umihi na wala namang pagbabago sa dami ng iyon iniinom, malaki ang posibilidad na nasa maagang yugto ka ng ovarian cancer. Ang isa pang sintomas ng ovarian kanser ay ang palaging pag-ihi at kawalan ng kakayanang pigilan ito.

Karamihan ng sintomas na ito ay malamang mapagkamalan na iba ang sanhi tulad ng sakit sa
gastrointestinal tract. Kaya kapag ito’y iyong naranasan ng bigla lamang, napaka-importanteng
pagmasdan mo ang kanilang pananatili at kadalasan. Kapag hindi humina ang sintomas pagkatapos ng ilang linggo, kumonsulta agad sa iyong doktor.

Tandaan ng maigi na pagmasdan lagi ang iyong kalusugan at alamin mo ang mga sintomas para sa
kaagahang pagkatuklas ng anumang sakit at para mapanitili ang iyong maginhawang pamumuhay.
SPONSORED LINKS

0 comments