MAAGANG MGA SINTOMAS NG KANSER SA BAGA NA HINDI DAPAT ISAWALANG-BAHALA NG MGA BABAE

SPONSORED LINKS
Ang kanser sa baga ay pangalawa sa mga karaniwang uri ng kanser para sa babae at lalake. Ang
sintomas at palantandaan ay magkaiba para babae at lalake, at dahil dito ay dapat mong matutunan
kung papano ito mapansin ng maaga.



KANSER NG BAGA SA MGA BABAE

Ang uri ng kanser na ito para sa mga babae ay tinatawag na adenocarcinoma at kumakalat ito sa
panlabas na suson ng baga. At dahil ito ay nasa loob mas mahirap mapansin ang mga sintomas
hanggang sa oras na lumaki na ang tumor sa baga. Ang kauna-unahang mga sintomas ay pananakit ng likod at balikat, maigsing hininga pagdating sa mga pisikal na gawain.

Ito ang mga iba pang mga sintomas na kailangan mong pagmasdan:

Pagdami ng uhog at pagbago ng kulay nito;
Pag-ubo ng dugo;
Patuloy na pag-ubo;
Pag-ubo ng plema kasama ang dugo;
Magaspang na tunog kapag humihinga;

Ang adenocarcinoma ay hindi madaling mapansin at maaari itong mabilis na kumalat sa ibang parte
ng iyong katawan. Kadalasan ay huli na kapag ito ay natuklasan sa isang tao, at kumalat na ito sa
buto, sa atay, sa lymph nodes at adrenal glands na pwedeng magsanhi ng sintomas tulad ng
pagkawala ng muscle mass, pananakit ng ulo, pagkapagod, pagkawala ng gana sa pagkain, biglaang
pagbaba ng timbang, pamumuo ng dugo, pamamaga ng mukha, pananakit ng buto at kasukasuan,
pagkabali ng buto at kawalan ng memorya.

KANSER NG BAGA SA MGA LALAKE

Ang kanser na ito sa mga lalake ay tinatawag na squamos cell carcinoma. Ang uri ng kanser na ito
ay nabubuo sa gitnang parte ng baga malapit sa bronchus at maaaring magsanhi ng sagabal sa
paghinga. Ito ay magtutungo sa sintomas katulad ng pagsumingasing, talamak na pag-ubo and
paulit-ulit na impeksyon sa baga katulad ng pneumonia at bronchitis.

Ang mga palatandaan ng sakit na ito sa lalake ay mas madaling mapansin pero karaniwang
isinasawalang-bahala ng mga naninigarilyo. Ang maagahang pagpuna sa mga sintomas ng kanser sa
baga ay napakahalaga para madagdagan ang pag-asa mong mabuhay. Huwag mong pagkamalan na simple lamang ito dahil ang kanser sa baga ay nakakamatay na sakit.

SPONSORED LINKS

0 comments