10 MOST COMMON HABITS NA NAKAKASIRA SA MGA KIDNEYS

SPONSORED LINKS
Ang kidney ay isa sa pinaka-importante na bahagi ng ating katawan. Nililinis nito ang toxins sa dugo at tinutulungan ang katawan para salain ang mga dumi sa pamamagitan ng pag-ihi. Tinatanggal din nito ang sobrang tubig sa katawan o iniimbak ito kung kinakailangan. Kinokontrol nito ang antas ng phosphate, calcium at iba pang mga minerals sa katawan.



Nakakatulong din ito sa pagpapanitili ng wastong blood pressure, at sa produksyon ng red blood cells na nagdadala ng mga nutrients at oxygen sa buong katwan.

Ang madalas na sintomas ng problema sa kidneys ay: pagbago ng dami at kulay ng ihi, pagsusuka, pagkahilo, hirap sa paghinga, anemia, pagkapagod, mabahong hininga, palaging nilalamig, biglang pananakit sa katawan at pangangati ng balat.

Magpasuri agad sa doktor kapag may mga sintomas ka na ganito. Marami ang dahilan ng pagkasira ng kidney at isa dito ay ang mga naka-ugalian na natin na gawin na nakakasira pala dito.

ANG KIDNEY AY MAAARING MASIRA NG MGA SUMUSUNOD NA 10 COMMON HABITS:

1. PAGPIGIL SA IHI

Dahil masyadong natatagalan ang ihi sa bladder ay dumadami ang bacteria dito at magiging sanhi ng kidney o urinary tract infection, urinary incontinence at renal failure.

2. KAKULANGAN SA PAGINOM NG TUBIG

Kapag hindi wasto ang dami ng tubig na iniinom mo ay maaaring bumuo ang dugo mo at mababawasan ang daloy ng dugo sa kidneys. Hihina ang kakayahan ng kidneys na tanggalin ang toxins sa katawan at magdudulot ito ng maraming uri ng sakit.

Ang pinapayong dami ng tubig na dapat inumin araw-araw ay 10-12 baso ng tubig. Tiyakin mo lang na huwag kang iinom ng sobra-sobra dahil nakakasama din ito.

3. HIGH INTAKE NG ASIN


Ang madalas na pagkonsumo ng sobrang asin ay sobrang masama para sa kidneys. Maaaring mapuwersa ang kidney mo ng sobra at masira ang mabuting pagtakbo nito dahil sa sobrang sodium sa katawan. Magdudulot ito ng water retention na maaaring maging dahilan ng pagtaas ng blood pressure o pagkakaroon ng sakit sa bato.

Kapag mas marami na ito sa 5 grams ay makakasira na ito sa kidney at sa kalusugan. Ang isang kutsarita na asin ay halos 6 grams.

4. PALAGING PAGGAMIT NG ANALGESICS

Maraming tao ang gumagamit ng analgesics o over-the-counter painkillers para mabawasan ang pamamaga at lagnat at mawala ang sakit sa katawan. Pero nakakasama ito sa kidneys at iba pang organs sa katawan. Ayon sa isang pananaliksik, ang over-the-counter analgesics ay binabawasan ang daloy ng dugo sa kidney para masira ito. Ang madalas at matagal na paggamit nito ay nagreresulta sa acute kidney injury o interrupt nephritis na isang chronic kidney disease.

Ang mga tao na may mahina na kidney ay dapat magkunsulta sa doktor bago gumamit ng mga painkiller. Ang analgesics ay dapat gamitin sa maikling panahon lamang at sa maliit na dosis kahit normal pa ang kidneys mo.

5. HIGH PROTEIN DIET

Ang sobrang pagkain ng protein-based foods tulad ng red meat ay maaaring magdulot ng kidney disease. Ang nitrogenous waste sa katawan ay gawa ng protein digestion at tinatanggal ito ng kidney natin. Ang mataas na intake ng protect ay tinataasan ang glomerular pressure at hyper filtration na nagreresulta naman sa pagtaas ng metabolic load ng kidneys na maaaring maging dahilan ng mga problema sa kidneys.


6. SOBRANG PAG-INOM NG ALAK

Ang alak ay isang toxin na nakakapagdulot ng malaking stress sa atay at bato.

Ang sobrang paginom ng alak ay nagiging dahilan ng akumulasyon ng uric acid sa renal tubes at ito ay pwedeng magdulot ng tubular obstruction na magpapatuloy sa kidney failure. Ito rin ay nagdudulot ng dehydration at nagiging sagabal sa magandang pagtakbo ng mga kidneys. Uminom lamang ng tamang dami – 1 drink para sa mga babae at mga matanda at 2 drinks sa mga lalake.

7. PANINIGARILYO


Hindi lamang ito masama para sa kidneys kung hindi sa buong katawan din. Ang paninigarilyo ay nakakapataas ng heart rate at blood pressure. Binabawasan din nito ang daloy ng dugo sa blood vessel sa kidney. Mas pinapalala nito ang sakit sa kidneys at pinapabilis ang pagkasira nito.

8. SOBRANG CAFFEINE


Kapag nasobrahan ka sa caffeine ay tataas ang blood pressure mo na sobra naman na dagdag trabaho para kidneys. Sa mahabang panahon ay maaari itong masira ang kidneys. Ang caffeine ay dinadagdagan ang antas ng calcium sa ihi.

Uminom lamang ng wastong dami. 3 cups ng tea, 1-2 cups ng kape sa isang araw ay tama lang. Iwasan din ang sobrang paggamit ng ibang sources ng caffeine tulad ng energy drinks, cocoa, soft drinks, chocolate at ilang mga medikasyon.

9. HINDI PAGPANSIN SA PANGKARANIWAN NA MGA IMPEKSYON

Ang hindi pagpansin sa ubo, sipon, flu, tonsillitis, pharyngitis at iba pang mga impeksyon ay maaaring magdulot ng seryosong sakit sa kidneys. Kapag hindi mo ito nagawan ng lunas ng maaga ay ang mga viruses at bacteria dito ang magiging dahilan ng pagkasira ng kidneys.

10. KAKULANGAN SA TULOG

Ang 6-8 oras na tagal ng tulog araw-araw ay importante sa isang tao. Ang katawan ay dumadaan sa regeneration phase kapag natutulog ka at kapag hindi wasto ang tagal nito ay maaaring makaapekto sa mga importanteng organs sa loob ng katawan katulad ng kidneys.

Ang hindi wastong pagtulog ay maaaring maging sanhi ng clogging sa arteries (atherosclerosis) at high blood pressure na nakakapataas ng tsansa na masira ang kidneys.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments