13 MAAGANG SENYALES NA SOBRANG MATAAS ANG BLOOD SUGAR MO

SPONSORED LINKS
MGA WARNING SIGNS NG DIABETES

Sa taon na 2013, mas mataas sa 382 milyon na bilang ng tao sa buong mundo ang may diabetes at 90% nito ay may type 2 diabetes. Isa itong metabolic disease kung saan ang mataas ang antas ng sugar (glucose) sa dugo. Ang produksyon ng insulin – isang pancreatic hormone na nangangasiwa sa pagbalanse ng blood sugar levels - ay maaaring nabawasan o ang mga cells ay walang reaksyon dito.



ITO AY MAGRERESULTA SA MGA SINTOMAS NA ITO:

1. MADALAS NA PAG-IHI (POLYURIA)

Kung napansin mo na palagi kang na-iihi kahit sa gabi, marahil isa itong maagang sintomas. Mas napupwersa ang kidneys para maalis ang sobrang glucose sa dugo.

2. SOBRANG UHAW (POLYDIPSIA)

Ang sintomas na ito ay may kaugnayan sa nauna. Habang nawawalan ka ng tubig sa katawan ay madalas ka ring mauuhaw.

3. SOBRANG PAGKAGUTOM (POLYPHAGIA)

Dahil sa extreme highs at lows ng blood sugar levels sa katawan ay palaging nagugutom ang katawan. Ang mga cells ay palaging kulang sa glucose kaya hinahanap ito ng katawan.

4. TUYO NA LABI

Kapag palaging tuyo ang bibig ay maaari itong tirhan ng mga bakterya at maging dahilan ng ibat-ibang mga oral at dental problems. Ang gum diseases ay kilalang epekto ng diabetes.

5. HINDI MAIPALIWANAG NA PAGTAAS AT PAGBABA NG TIMBANG

Dahil hindi kaya ng insulin na bigyan ng glucose ang mga cells, aakalain ng katawan na nagugutom ito at gagamitin niya ang proteins galing sa mga muscles. Ang mabilis at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang (10 to 20 pounds sa loob ng ilang buwan) ay masama at kailangan ng pagsusuri. Ang mataas na pagkonsumo naman ng sugary foods ay nagreresulta sa pagbigat ng timbang.

6. PAGKAPAGOD

Ang sobrang pagkapagod ay dahil sa kakulangan ng glucose sa cells ng katawan. Hindi rin nakakatulong kapag palaging na-iisturbo ang pagtulog mo ng pag-iihi. Madalas na mahina ang tao at palaging masama ang pakiramda, at dahil dito ay pwede rin silang maging masungit at madaling magalit.

7. PROBLEMA SA PANINGIN

Ang mataas na blood sugar ay nakaka-apekto rin sa mata. Binabago nito ang hugis ng lens at mata. Dahil dito ay nagiging malabo ang iyong paningin. Makakakita ka minsan ng flashes of light at maaaring magbago ang hugis ng nakikita mo. Kapag lumala ito ay magiging permanente ang epekto nito sa mata at maaaring magresulta sa pagkabulag.

8. PANANAKIT NG ULO

Ang headache o pananakit ng ulo ay nangyayari kapag mataas ang blood sugar levels at isa ito sa pinaka-una na sintomas ng hyperglycemia (high blood glucose). Ang pagkagrabe ng sintomas na ito sumasabay sa paglala ng kondisyon.

9. MGA IMPEKSYON AT SUGAT NA HINDI HUMIHILOM

Dahil ito sa pagkasira ng blood vessels dahil sa mataas na blood sugar. Humihina ang kakayahan ng veins at arteries na magdala ng dugo kung saan may sira sa katawan at maayos ito.

10. YEAST INFECTIONS

Dahil ang bakterya ay mahilig sa sugary environment, madalas kang magkakaroon ng impeksyon. Ang karaniwan dito ay ang yeast infections tulad ng candida, lalo na ang vaginal candida infections sa mga kababaihan.

11. KAWALAN NG PAKIRAMDAM AT HAPDI SA KAMAY AT PAA

Dahil ito sa nerve damage – neuropathy – na may kaugnayan sa diabetes. Ang kakaibang pakiramdam o kawalan nito ay maaaring samahan ng hapdi at pamamaga. Kapag hindi napababa ang sugar level ay maaaring maging permanente ang nerve damage at maging dahilan ng paglala ng diabetes.

12. PAGBABAGO SA BALAT

Velvety dark skin, na kilala bilang achantosis nigricans, ay maaaring lumabas sa leeg, sa paligid ng ari at kilikili.

13. SEXUAL DYSFUNCTION

Maaaring masira ng diabetes ang blood vessels at nerves sa sex organs at nagiging dahilan ng problema dito. Ang mga babae ay makakaranas ng vaginal dryness at magkakaroon ng problema sa erection ang mga kalalakihan. Ang 35%-75% ng mga lalake na may diabetes ay impotent.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments