20 MAAGANG SENYALES NA MERON KA NANG KANSER SA KATAWAN

SPONSORED LINKS
Bago pa man magpasuri, mayroon ka na ng isang natural na testing machine – ang iyong katawan. Pagmasdan at pakinggan mo ng mabuti ang iyong katawan at makakatulong ito para makita mo kaagad ang mga sakit na maaaring nabubuo na dito tulad ng kanser.



MGA SENYALES NA DAPAT PAGMASDAN

INDIRECT NA MGA SINTOMAS:

KAKULANGAN SA HININGA

Ito ay isa mga maagang sintomas pero karamihan ng tao ay hindi ito pinapansin at hindi ini-uugnay sa kanser.

MADALAS NA LAGNAT O IMPEKSYON

Karaniwang sintomas ito ng leukemia, isang kanser ng mga blood cells na nagsisimula sa bone marrow. Ginagawa nito ang bone marrow na maglabas ng mga abnormal white blood cells na hindi kayang labanan ang mga sakit.

HIRAP SA PAGLUNOK

Karaniwang sintomas ng throat cancer pero maaari ring konektado sa lung cancer.

KAHINAAN AT PAGKAPAGOD

Ito ay isa sa madalas na sintomas ng kanser na dapat matinding obserbahan kung ito ay konektado sa ibang sintomas para malaman kung ano talaga ito.

PALAGING BUSOG AT WALANG GANA NA KUMAIN


Ito ay senyales ng ovarian cancer. Ang kawalan ng gana sa pagkain kahit alam mong wala ka pang kinakain ay isang malaking palatandaan.

ANOREXIA

Maaaring maagang sintomas ng pancreatic cancer. Ang bigla na lang hindi magugustohan ang kape, wine o paninigarilyo ay konektado rin dito.

MGA DIRECT NA SINTOMAS:

RECTAL BLEEDING O DUGO SA DUMI

Isang kadalasang sintomas ng colorectal cancer. Ang dugo sa dumi ay isang matinding dahilan para pumunta kaagad at magpasuri sa doktor.

MALILIIT NA BUKOL SA LEEG, KILI-KILI O SA PALIGID NG ARI

Ang namamaga na lymph nodes ay isang indikasyon ng pagbabago sa lymphatic system na maaaring magpatuloy sa kanser.

MADALING MASUGATAN O PAGDURUGO NG WALANG TIGIL
Ito ay indikasyon ng abnormalities sa platelets at red blood cells na maaaring sintomas ng leukemia. Ang leukemia cells ay nagiging mas marami na sa red blood cells at sinisira nito ang kakayahan ng dugo na magdala ng oxygen at magdudulot ng clots o pamumuo nito.


PAGLOBO NG TIYAN

Ang mga ovarian cancer patients ay madalas nakakaranas ng hindi maipaliwanag na biglang paglobo ng tiyan at nagpatuloy sa matagal na panahon.

HINDI MAIPALIWANAG NA PAGBABA NG TIMBANG


Ito ay maagang sintomas ng colon at iba pang digestive cancers. Ito rin ay palatandaan na kumalat na ang kanser sa atay at naapektuhan na ang gana mong kumain at ang kakayahan ng katawan mo na maalis ang dumi dito.

MAPULA, MASAKIT AT NAMAMAGA NA SUSO


Ito ay indikasyon ng inflammatory breast cancer. Ang hindi maipaliwanag na pagbabago ay dapat ipasuri kaagad sa doktor. Ang nipple na flattened, inverted o nakatagilid ay karaniwang nakikita sa mga pasyente na merong breast cancer.

PAMAMAGA NG ILANG BAHAGI NG MUKHA


Karaniwan itong nakikita sa mga lung cancer na mga pasyente. Ito ay ang pamamaga o pamumula ng mukha. Ang mga maliliit na tumor cells ay humaharang sa blood vessels sa dibdib at pumipigil sa tamang pagdaloy ng dugo sa ulo.

MASAKIT NA BUKOL SA BALAT NA NAGDURUGO AT HINDI HUMIHILOM

Maraming uri ng kanser ang maaaring sanhi nito tulad ng (melanoma, basal cell carcinoma at squamous cell carcinoma). Pagmasdan ng mabuti ang mga kakaibang bukol o marka sa balat mo.

MGA PAGBABAGO SA KUKO

Ang kayumanggi o maitim na tuldok sa ilalim ng kuko ay maaaring indikasyon ng kanser. Ang mga maputla at maputing mga kuko ay maaari ring senyales ng liver cancer. Ang tinatawag na “clubbing” ay isang paglaki ng daliri na ang kuko nito ay humahaba papuntang dulo ng daliri ay isang palatandaan ng lung kanser.

SAKIT SA KATAWAN

Kakaiba at matinding sakit sa pagreregla at pagdurugo sa gitna ng periods ay madalas na sintomas ng endometrial o uterine cancer. Pwede kang magpasuri gamit ang transvaginal ultrasound kapag nagtagal ang sintomas na ito.

PAULIT-ULIT NA PAG-UBO O PANANAKIT NG DIBDIB


Ang leukemia at lung tumor ay nagpapakita ng sintomas na tulad ng matinding pag-ubo o bronchitis. Ang ilang pasyente ay nakaranas din ng pananakit ng dibdib na mararamdaman hanggang sa kanilang balikat at braso.

PELVIC/ABDOMINAL PAIN

Ang pananakit sa pelvis ay maaaring konektado sa pamamaga dahil sa ovarian cancer. Ito ay ginagawan din ng leukemia dahil pinapalaki nito ang spleen.

SAKIT SA LIKOD O SA LOWER RIGHT SIDE NITO

Ito ay karaniwang maagang sintomas ng liver cancer. Maaari din na idulot ito ng breast cancer dahil ang tumor nito ay tumutulak na sa dibdib o kumalat na sa spine/ribs.

PANANAKIT NG TIYAN

Ang madalas na pananakit ng tiyan ay maaaring sintomas ng colorectal cancer.

PAANO MAIWASAN ANG MGA SINTOMAS NA ITO

Ang vitamin D ay kilala bilang isang cancer preventative kaya dapat magkaroon ka ng wastong antas nito sa pamamagitan ng paglabas sa araw at paggamit ng mga supplements. Iwasan o bawasan ang pagkonsumo ng processed foods para mapababa ang insulin sa katawan dahil ito ay nakaka-apekto sa prostate cancer. Ito rin ay pwedeng makontrol o makita sa pamamagitan ng blood tests.

Ang madalas na pag-eehersisyo ay mabuti para sa kalusugan at mapapababa rin nito ang insulin sa katawan. Ang mataas na antas ng lycopene plasma, isang carotenoid pigment na makikita sa kamatis at ibang berries at prutas ay natuklasang mabisa para maiwasan ang prostate cancer sa mga lalaki.

Iwasan ma-expose sa environmental toxins tulad ng pesticides, household chemical cleaners, synthetic air fresheners at air pollution. Ang ilang pag-aaral din ay nagsasabi na ang paggamit ng cellphone sa tagal ng 10 taon ay maaaring magdulot ng brain tumors pero dahil sa pagtaas ng teknolohiya ay pinagdududahan na ang unang mga pananaliksik tungkol dito.
SPONSORED LINKS

0 comments