20 MAAGANG SINTOMAS NG LUNG CANCER NA HINDI DAPAT IPAGSAWALANG-BAHALA NG MGA BABAE!

SPONSORED LINKS
Isa mga pangunahing dahilan ng pagkasawi sa nakaraang taon ay kanser at marami ang klase nito. Sa lalaki at babae ang lung cancer ay pangalawa sa uri ng kanser na madalas dinadapuan sila.



Dahil ang sintomas ay may kaunting pagkakaiba sa lalaki at sa babae, maaaring alamin lamang ang mga sintomas na para sa kasarian mo.

LUNG CANCER SA MGA BABAE:
Ang klase ng kanser na ito ay tinatawag na adenocarcinoma at kumakalat ito sa outer part ng mga baga. Ang mga sintomas nito ay mas mahirap mapansin kompara sa ibang uri ng lung cancer. Madalas ay malaki na ang tumor at kumalat na ito sa ibang parte ng katawan bago pa man ito mapansin.

ANG ILAN SA MAAGANG SINTOMAS NITO AY:


Pananakit ng likod at balikat
Kakulangan ng hininga kapag nag-eehersisyo
Kapag lumaki na kanser ang mga susunod na sintomas ay lalabas:
Mas maraming mucus at pagbabago sa kulay nito
pananakit ng dibdib, balikat at likod
Palaging pag-ubo
Pag-ubo ng dugo
Pag-ubo ng plema o uhog na me dugo
magaspang na tunog kapag humihinga
Kakulangan ng hininga

Mahirap mapansin ang kanser na ito. Kumakalat ito sa ibat-ibang parte ng katawan at mapapansin lamang ito kapag nasa advanced stages na ito. Ang mga sintomas ay maaaring maramdaman sa mga parte ng katawan tulad ng buto, atay, lymph nodes at adrenal glands. Kapag kumalat na ito ng lubusan ay magdudulot ito ng mga sintomas tulad ng:


Pananakit ng ulo
Pagkapagod
Pagliit ng muscle mass
Kawalan ng ganang kumain at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
Pamumuo ng dugo
Pamamaga ng mukha at leeg
Kawalan ng memorya
Pagkabali ng buto na hindi sanhi ng isang aksidente
Pananakit ng mga kasukasuan at buto

LUNG CANCER SA MGA LALAKE
Ito cancer cell na ito ay tinatawag na carcinomas at nabubuo ito sa gitnang bahagi ng mga baga, malapit sa pangunahing daanan ng hangin (bronchus), at dahil dito ay nahihirapan pumasok at lumabas ang hangin na nagdudulot ng mga sintomas na mas madaling mapansin kompara sa nararanasan ng mga babae.

ANG ILAN SA MGA SINTOMAS NA ITO AY:

Pag-aagahas
Paulit-ulit na lung infection tulad ng bronchitis o pneumonia
Madalas na pag-ubo

Ang sintomas ng lung kanser sa lalake ay dahil sa pagbara ng airway papunta ng mga baga at mas maagang lumabas ang mga ito kompara ng sa mga babae.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments