9 NAKAPAGTATAKANG KAGAMITAN NG ASPIRIN - NA MAAARING HINDI MO ALAM!

SPONSORED LINKS
Ang aspirin ay pangkaraniwan na sa ating mga tahanan at ginagamit kapag may flu, sipon, lagnat at pananakit ng ulo at katawan.



Pero alam mo ba may iba pang kagamitan ang aspirin bukod dito?

Ang aspirin ay mayroong salicylic acid na pangunahing sangkap nito at marami ang nagiging pakinabang nito.

ITO ANG 9 IBANG PARAAN PARA MAGAMIT ANG ASPIRIN:

1. PATAGALIN ANG BUHAY NG IYONG MGA HALAMAN

Maaari mong patagalin ang buhay ng iyong mga halaman sa pamamagitan ng pagdurog sa ilang aspirin sa tubig at basain ang lupa sa gamit ito. Sa pamamagitan nito ay hindi matutuyot at magiging palaging sariwa ang mga dahon ng halaman mo.

2. KAYA NITO NA PABALIKIN ANG NATURAL NA KULAY NG BUHOK MO

Kaya mong pabaliking ang natural na kulay ng buhok sa pamamagitan ng paghalo sa 8 tablets ng aspirin sa isang tasa ng medyo mainit na tubig. Gamitin ito para masahihin ang buhok at scalp at pabayaan itong gumana ng 15 minuto bago magbanlaw.

3. MABISA ANG ASPIRIN SA PAGTANGGAL NG SWEAT STAINS
Matatanggal mo ang mantsa ng pawis sa pamamagitan ng pagdurog sa 2 aspirin pills at ihalo ito sa kalahating baso ng mainit na tubig. Ibabad ang damit sa solusyon na ito ng 2 oras at labhan ito pagkatapos para mawala ang mga mantsa.

4. MABISANG PANTANGGAL NG MATITIGAS NA KALYO


Magdurog lamang ng 6 tablets ng aspirin at ihalo ito sa tubig at lemon juice. Gamitin ang solusyon na ito sa paa at gumamit ng mainit at malinis na tuwalya para balutin ang paa bago ito balutin na naman ng isang plastic bag. Pabayaan ito ng 15 minuto at pagkatapos ay tanggalin ang plastic bag at tuwalya. Madali mo ng matatangal ang kalyo sa paghilod gamit ang isang pumic stone.


5. PARA MAPASIGLA ANG BALAT

Gamitin ang aspirin para makagawa ng isang facial mask. Durugin ang 5 tablets ng aspirin. Ihalo ito sa isang kutsara ng pure honey at halos quarter cup ng malinis na tubig. Haluin sila ng mabuti hanggang magmasa at gamitin sa mukha bilang facial mask. Pabayaan ito ng mga 10 minuto bago hugasan ang mukha ng mainit na tubig. Gawin mo ito ng madalas para maging masigla ang balat mo sa mukha.

6. MABISANG PANLUNAS SA ACNE

Durugin ang ilang aspiring pills at ihalo ito sa mainit na tubig hanggang magmasa at gamitin ito sa iyong pimples para matuyo sila. Pabayaan ito ng 15 minuto bago hugasan ng mainit na tubig at sabon.

7. MAGANDANG GAMITIN PARA MAALIS ANG DANDRUFF

Durugin ang 2 aspirin at ihalo sa isang regural neutral shampoo. Gamitin ito sa buhok ng ilang minuto bago hugasan at gumamit ng normal na shampoo. Ang scalp mo ay hindi na magiging tuyo at makati.

8. MAGANDANG PANLINIS SA MANTIKAIN NA PANGKUSINANG KAGAMITAN

Para malinis ang kitchen utensils mo ay durugin lamang ang ilang aspirin tablets at ihalo sa isang sariwang lemon juice. Gamitin ito sa para mabilis na malinis ang greasy utensils mo.

9. MABISANG GAMOT SA KAGAT NG MGA INSEKTO

Basain lamang ng tubig ang kagat ng insekto sa balat at ipahid ang durog na aspirin dito para mabilis na maalis ang pamamaga, pamumula at pangangati dito dahil sa kagat ng insekto.

Subukan mo ang mga ito para malaman mo kung gaano talaga ka-epektibo ang aspirin!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments