ANG TOXINS SA FAT CELLS MO AY ANG NAKAKAPATABA SA IYO AT MABABASA MO DITO KUNG PAANO SILA LINISIN

SPONSORED LINKS
Kapag tayo’y madalas sa lugar na mataas ang polusyon ay hindi mabuti para sa ating kalusugan at maaaring maging dahilan ng pag-ipon ng maraming mga nakakasamang mga kemikal sa ating katawan. Ito ay pwedeng manggaling sa ating mga kinakain, sa inumin, sa hangin at kahit sa mga bagay na ating hinahawakan.




MERONG 2 GRUPO NG TOXINS


Water soluble toxins na nalilinis dahil sa kidneys at dugo

Fat soluble toxins na mas mahirap alisin o linisin sa katawan hanggang ito ay maging water soluble toxin.

ANG ILANG SA TOXINS NA ITO AY:


Pesticides
Heavy metals
Preservatives
Plastics
Food additives
Pollutants
Ibat-ibang mga environmental compounds

Ang atay ay mahalaga para sa prosesong ito. Kahit maayos na gumagana ang digestive system at detox pathways ay pwede pa rin na kumalat ang toxins sa dugo, fat cells, sa utak at sa atay mismo. Bukod dito, maaari din na magtagal ng taon sa ating katawan ang mga ito.

Para mapigilan ang sobrang toxins sa katawan dapat makontrol ng maigi ang detox pathways at stress levels ng katawan mo. Kapag tinutunaw ng katawan natin ang pagkain, 2 uri ng fats (toxic at nutritional) ay naghahalo mula sa tiyan hanggang sa small intestines. At ang bile na galing sa atay at gallbladder ay ang nagpapalambot sa kanila sa small intestine. Ang small intestine ay may milyun-milyon na maliliit na villi at lacteals (mga finger-like mucus membranes na parang mga damo)

Ang villi at lacteals na ito ang nag-aabsorb sa nutritional fats at nililipat ang toxic fats sa atay para maproseso. Sa pamamaraan na ito ay nalilinis ang ating lamang-loob. Kapag nasira ang detox pathways, hindi maalis ang mga toxic fats at maiipon ito sa katawan.

ANG GUT ASSOCIATED LYMPHATIC TISSUE

Ang gut associated lymphatic tissue, o GALT, ay unang parte ng lymphatic system na pumapaligid sa intestinal tract. Ito ang lugar kung saan ang lacteals ay nagiging dahilan ng absorption at processing ng toxic at nutritional fats. Mahalaga sa bahagi na ito na maayos gumana ang villi at lacteals. Ito ang punto kung saan ang lymphatic system ay nililipat ang absorbed fats papunta ng atay. Ang tinatawag na good fats ay ginagamit ng liver para makagawa ng:

Cholesterol
Hormones
Cell membranes
Skin
Brain cells
Once processed, our liver will mark them for removal.
Kapag naproseso na ito ay mamarkahan na ito ng atay para alisin sa katawan.

Kapag masikip o barado ang lymphatic system, malaki ang epekto nito sa pagproseso at paggamit ng good fats at paglinis sa bad fats. Ito ang ilan sa mga sintomas ng masikip na GALT na nakaksira sa lymphatic system:

Paglobo
Pamamaga sa suso at malambot na suso sa menstrual cycle
Pangangati
Hypersensitive
Hirap sa pagdumi
Karagdagang bigat sa tiyan
Mahigpit na mga kasukasuan
Pamamaga sa kamay at paa
Madalas na pananakit ng ulo

Ang stress at hindi tamang pagkain ay nakaka-apekto sa ating intestinal villi at makakasira sa ating bowels. Ang prolonged constipation ay nagiging dahilan para matuyo ang intestinal villi na maaaring magresulta sa produksyon ng tinatawag na reactive mucus.

Kapag sobrang dami na ang mucus, makaka-apekto ito sa normal na pagdumi (1 to 3 normal bowel movements araw-araw). Bukod sa madalas na pagdumi ay parang kagaya din to ng diarrhea. Kapag may nakita kang mucus sa dumi mo ay magpasuri kaagad sa doktor mo at baka indikasyon ito ng sobrang congestion sa intestinal villi.

Ang delivery ng good fats, excretion ng toxic fats , ang normal na immune response at ang kalagayan ng intestinal skin ay maapektuhan ng congested villi at makakasira sa kakayahan ng katawan na maalis ang toxins dito. Ang paglinis sa toxins ay karaniwang nangyayari dahil sa immune-boosting white blood cells sa 500+ lymp nodes sa lymphatic system. Kapag nasobrahan ang mucus at pumupunta ang toxins pabalik sa atay.

Para mapigilan ito ay dapat mabawasan ang dami ng mucus sa intestinal tract. Iwasana ng pagiging sobrang stressed, pagkain ng processed foods, pag-inom ng kape, soft drinks, paggamit ng food additives at pagkakaroon ng hyperacidity. Lahat ng ito ay nakaka-apekto sa intestinal villi.

Para mapanitili ang magandang kalusugan ay dapat maganda ang daloy ng bile galing sa atay. Ang bile na ito ay tumutulong sa pagtunay ng taba at bilang isang immune system response sa digestive tract.

Ang bile ang dumudurog at tumutunaw sa mga toxins na nakakasama sa katawan. Kapag maraming fiber ang kinain mo, maraming bile ang maalis sa pamamagitan ng dumi mo. Kapag mababa naman sa fiber ang kinain mo, 94% ng bile ay mababalik sa atay para magamit muli. Maaaring masama sa prosesong ito ang mga toxins at minsan ay hindi ito kayang iproseso ng atay.


Kapag nagtagal na ganito ang nangyayari ay nagreresulta ito sa congestion sa liver o atay. Nagiging makapal din ang bile na parang putik. Dahil dito ay mahihirapan ito na durugin ang fat-soluble toxins dahil hindi nito kayang labanan ang stomach acid na pumapasok sa small intestine. Ito ang dahilan ng paglabas ng mucus na magdudulot ng congested villi at maapektuhan ang kabuuang digestive system.

LIVER CONGESTION

Ang toxins at tila putik na bile ay dahil sa congestion sa loob ng biliary tubes sa atay. Pinapabayaan ng atay na dumaloy ang fat-soluble toxins sa dugo at pumupunta ito sa fat cells para ma-imbak dito ng matagal na pahahon. Marami itong maidudulot na sakit dahil sa paglipas ng panahon ang toxins na ito ay magiging neurotoxins at maaaring pumunta sa fatty tissues sa ating utak.

Tanggalin ang taba para malinis ang toxins

Importante na ma-detox ang ating katawan sa pamamagitan ng pagbawas ng timbang. Kapag nabawasan ang fats sa katawan ay maaalis din ang toxins na nakatago dito.

FOOD ALLERGIES AT GOOD FAT ABSORPTION PROBLEMS

Dahil sa congested villi ay baka magkaroon ka rin ng alerhiya sa ilang pagkain tulad ng soy, dairy at wheat. Mahirap tunawin ang mga ito at kailangan ng maraming intestinal mucus. Maliban dito, dahil mataas ito sa gluten ay maaari ring maka-apekto ito sa intestinal walls at maging dahilan ng paglabas ng sobrang daming reactive mucus.

KONKLUSYON

Kapag madalas kang nagdudumi, constipated at may mucus sa dumi, ito ay sintomas ng problema sa digestive tract. Kapag nakaramdam ka ng sakit at pagkahilo pagkatapos kumain ng ilang pagkain ay baka marami na toxic fat sa katawan mo. Dahil dito ay dapat baguhin mo na ang lifestyle at diet mo.

Maraming pagkain ang magagamit para linisin ang atay tulad ng: garlic, beets, green tea, grapefruit, carrots, avocados, apples, olive oil, limes at lemons, green leafy veggies, turmeric, walnuts at cabbage.

Mababasa mo dito ang pinakamagandang paraan para linisin ang atay mo at bile.

LIVER/GALL BLADDER CLEANSING NATURAL REMEDY


MGA SANGKAP:

3 lemons at 1 malaking grapefruit
4 tbsp ng epsom salt
Half cup ng virgin olive oil
Apple juice (maaari ka ring gumamit ng malic acid supplements kung gusto mo)

PREPARASYON AT PAGGAMIT:

4- 5 araw bago simulan ang lunas na ito, kumain ng maraming mansanas at uminum ng apple juice sa hanggang makakaya mo. Pwede ka ring gumamit ng malic acid supplements. Sa huling 2 araw, uminom ng 8 ounces ng apple juice bawat 2-3 oras. Makakatulong ito para sa cleansing process na gagawin mo.

Sa unang araw ng treatment, kumain ng magaan na almusal na walang fats. Makakatulong ito para sa akumulasyon ng bile sa atay at para maalis ang mga bato dito.

2pm ng parehas na araw: ihalo ang 4 tbsp ng Epsom salt sa 3 cups ng tubig sa isang jar. Ilagay ito sa pridyeder. Huwag kumain pagkalipas ng 2 pm.

Sa 6pm: Gumamit ng ¾ cup galing sa jar. Kung gusto mong mapaganda ang lasa ay dagdagan lamang ng 1/8 tbsp juice.

Sa 8pm: Gumamit uli ng ¾ galing sa jar. Magpahinga lamang at matulog habang nasa liver cleansing process na ito.

Sa 9:45: Maglagay ng ½ cup ng virgin coconut oil sa isang jar. Kunin ang grapefruit at pigain ang katas nito sa jar. Gumamit ng tinidor para maalis ang laman nito. Magbibigay ito ¾ na juice na ihahalo mo sa olive oil. Takpan ang jar at kalugin ng mabuti.

Sa 10pm: Inumin ang timpladang ito. Ubusin ito sa loob ng 5 minuto lamang.

Humiga at magpahinga sa kanang bahagi ng katawan. Ang kanan na tuhod ay dapat nakaturo sa baba mo ng 20-25 minutes. Iwasang gumalaw at maaari ka nang matulog.

Sa umaga, pagkatapos mong magising, gumamit ng ¾ cup na Epsom salt at matulog muli. Kainin ang natitirang asin pagkalipas ng 2 oras. Maghintay ng karagdagang 2 oras bago ka kumain (iwasan muna ang solid foods). Uminom lamang at sa kaunting panahon ay pwede kang kumain ng prutas.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments