BASAHIN KUNG ANO ANG MASASABI NG KULAY NG IHI MO TUNGKOL SA IYONG KALUSUGAN

SPONSORED LINKS
Maraming bagay ang malalaman mo sa iyong katawan dahil lamang sa kulay ng ihi mo. Ang amoy, dami at kulay nito ay mga palatandaan kung anong ginagawa mo sa iyong katawan. Ito ay nakabase sa mga kinakain mo at maaaring may kaugnayan sa mga sakit na hindi mo alam ay meron ka.



Ang ihi ay halos panay tubig ang laman (95%), pero ang natira ay binubuo ng isang komplikadong mixture na kasama ang urea, chloride, sodium, potassium, creatinine at mga dissolved ions. Kasama din dito ang mga ibat-ibang inorganic at organic substances. Ang karaniwang kulay ng ihi ay yellow o dilaw, na dahil sa uroblin, isang biochemical waste product na gawa sa pag-breakdown ng mga lumang red blood cells. Ang katawan mo ay gumagawa ng halos 2 milyon na bagong red cells araw-araw, at ginagamit din nito uli ang pantay na dami ng mga lumang red blood cells.

ITO ANG ISANG COLOR CHART PARA MALAMAN MO KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG KULAY NG IHI MO:

1. TRANSPARENT.

Parang tubig.

Ito ay senyales ng over-hydration o sobrang pag-inom ng tubig. Hindi ito mapanganib tulad ng dehydration, pero binbawasan nito ang essential salts tulad ng electrolytes ay nagdudulot ng chemical imbalance sa dugo.

2. LIGHT YELLOW.

Parang malabnaw na dilaw na kulay ng straw.
Normal lamang ito ay ibig sabihin ay well dehydrated ka.

3. CLOUDY.

Parang maulap na martini.

Kapag malabo o cloudy ang kulay ng ihi mo ay baka may bladder infection ka. Ito ay dahil sa breakdown at akumulasyon ng mucus, tissues at proteins.

4. MEDIUM YELLOW.

Parang lemonade.
Baka dehydrated ka o kulang sa tubig.

5. DARK YELLOW.

Parang apple juice.

Uminom ka ng tubig dahil baka sobrang dehydrated ka na. Ang pag-intake din ng maraming vitamin B ay maaaring dahilan nito.

6. ORANGE.

Parang Tang.

Fully dehydrated ka na nito at kailangan mo na talagang uminom ng tubig. Ito ay indikasyon ng pagkakaroon ng bilirubin sa ihi, isa itong kulay dilaw na produkto ng pag-breakdown ng mga lumang red blood cells. Ito ay baka may nakaharang na gallstone sa bile ducts na nagsasala sa bilirubin. Maaari din na ito ay dahil may sakit ka sa atay.


7. PINK.

Maaaring dugo ito. Kapag hinaluan ng dugo ang ihi ay nagiging kulay pink ito. Subukan mong pumunta sa isang urologist dahil baka ito ay isang sintomas ng impeksyon o maagang indikasyon ng bladder cancer.

8. DARKER PINK.


Isa rin itong indikasyon ng dugo sa ihi na maaaring sintomas ng bladder infection o kanser. Ang kidney stones ay pwede rin na maging sanhi nito.

9. DARK PINK.

Parang red wine.

Ito ay sobrang dugo na sa ihi at dapat ka nang mag-alala. Ang mapanganib ay baka ito ay lumang dugo na mas malalim ang kulay dahil sa embolism. Ang ibig din na sabihin nito ay baka matagal na ang dahilan ng pagdurugo sa loob ng katawan mo.

10. BROWN.

Parang coke.

Ang mga drugs tulad ng anti-malarial chloroquine at metronidazole na isang anti-biotic, ay maaaring gawin na kulay kayumanggi ang ihi. Minsan ito ay dulot ng liver at kidney disorders o pag-eehersisyo ng sobra. Ang mga muscles sa katawan mo ay gumagamit ng myogoblin para magkaroon ng oxygen para sa enerhiya. Kapag nasobrahan ito ng trabaho ay baka masira ang muscles mo at ang myoglobin ay pumasok sa blood stream at pumuta sa ihi mo. Pumunta sa isang physician para magpasuri gamit ang myoglobin urine test; ang sobrang myoglobin sa dugo ay masama para sa kidney at baka maging dahilan ng kidney failure.

11. BLUE/GREEN.


Parang jelly ace blue o green.

Ito ay baka dahil sa sobrang pagkain ng tinted foods na may synthetic dyes. Pero ang madalas na dahilan nito ay sa negatibong epekto ng medikasyon tulad ng uribel na ginagamit para magamot ang UTI. Ang kulay na ito ay dahil sa methylene blue component ng medikasyon na ito. Hindi ito dapat ikabahala at uminom lamang ng maraming tubig para manumbalik ang dating kulay ng ihi mo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments