GAANO NGA BA KATAGAL KA DAPAT MATULOG DEPENDE SA IYONG EDAD?

SPONSORED LINKS
Ang pagtulog ay mahalaga sa kalusugan ng ating katawan at kaisipan. At may mga rekomendadong tagal ng pagtulog depende sa edad mo.



Ang pinapayong tagal ng pagtulog sa mga nakakatanda o adults ay 8 hours bawat gabi.

Pero ang mga bata na mas mababa sa 18 taon na edad ay dapat matulog ng mas matagal at sa mga matanda ay sinasabi na dapat bawasan ang tagal ng kanilang pagtulog.

ANO BA ANG WASTONG TAGAL NG PAGTULOG?

Ang chart na ito ay ginawa ng National Sleep Foundation, ito ay nagpapakita kung gaano katagal tayo dapat matulog depende sa ating edad.

Ito ay dinisenyo ng maraming siyentipiko na bihasa sa gerontology, physiology, pediatrics, sleep at anatomy, gynecology at neurology.

MGA SINTOMAS NG BAD SLEEPING HABITS:

PAULIT-ULIT NA SAKIT SA LIKOD

Ang sobrang pagtulog ay maaaring dahilan ng pagsakit ng likod. Dahil sa kakulangan ng aktibidad ay humihuna ang back muscles mo. Mag-ehersisyo palagi para gawan ng lunas ang problemang ito.

PROBLEMA SA TIMBANG

Kapag natulog ka ng matagal bumabagal ang metabolism mo at maiipon ang enerhiya sa katawan mo sa halip na magamit ito. Dahil dito ay tataas ang timbang mo at tataba ka.

ANXIETY AT DEPRESSION

Ang insomnia o oversleeping ay maaaring resulta ng anxiety o depresyon. May halos 15% ng tao na dumaraan sa anxiety at depresyon na mas natutulog ng matagal at ito ay maaaring makasama sa kalusugan at kaisipan ng isang tao.



PALAGING MASAKIT ANG ULO


Ang pagtulog ng matagal ay maaaring magresulta sa madalas na pananakit ng ulo, ito ay sa pagkasira ng neurotransmitters na nakaka-apekto sa kalidad ng pagtulog at nagiging sanhi ng pananakit ng ulo.

TYPE II DIABETES

Kapag hindi ka natulog ng wastong tagal ay mahihirapan ang katawan mo sa pagproseso sa glucose at maaaring magresulta ito sa insulin resistance at type II diabetes.

CARDIOVASCULAR CONDITION


Ang puso ay kailangan ng wastong pahinga para manumbalik ang mabuting pagtakbo nito, pero ang sobra o kulang na pagtulog ay masama ang epekto dito. Ang mga tao na mas matagal matulog ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng coronary heart disease kompara sa mga tao na natutulog ng wasto o 8 oras araw-araw.

FATALITY O PAGKASAWI

Ito ay resulta ng ilang nakamamatay na sakit na dulot ng oversleeping tulad ng obesity, diabetes at coronary heart disease.

MGA PARAAN PARA MAIWASAN ANG OVERSLEEPING:


Magkaroon ng strict schedule at mariin na sundin ito
Patayin lahat ng electronic devices ng hindi kumulang sa isang oras bago matulog
Mag-yoga exercises o meditation para ma-relaks ang katawan at isip bago matulog.
Mag-cold shower para malabanan ang antok
Mag-ehersisyo ng madalas
Uminom ng maraming tubig para palaging aktibo ang katawan at isip
Sumali sa isang aktibidad na matutulongan kang maging alerto at maalis ang antok.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments