HUWAG PAKAININ NG HOTDOGS ANG MGA BATA

SPONSORED LINKS
Isang pag-aaral ang nagpakita na ang mga bata na kumakain ng 12 hotdogs per month ay 9 beses na mas mataas ang tsansa na magkakaroon ng leukemia.



Natuklasan din ang mga buntis na babae na kumain ng 1 hotdog per week ay maaaring magsilang sa isang sanggol na magkakaroon ng brain tumor.

Ano nga ba ang problema sa pagkain ng hotdog?

Ang nitrites at nitrates ay ginagamit bilang preservative sa mga cured meats tulad ng bacon, salami, sausages at hotdogs. Ang nitrites ay nagagawa dahil sa nitrates, na isang natural na parte ng isang protein na kilala bilang amines. Ang chemical reaction na ito ay makakabuo ng nitrosamines, isang cancer-causing compound. Ang nitrosamines ay nabubuo sa nitrite o nitrate-treated meat o sa digestive tract.

Ilang pananaliksik ang nagpakita ng koneksyon ng nitrites sa stomach cancer (IARC 2010). Ito rin ay maaaring magdulot ng cancer of the esophagus; isang pagaaral ang nagpakita na mas mataas mangyari ito sa mga tao na kumakain ng cure meats palagi (Rogers 1995; Mayne 2001).

Meron ding ebidensya na iniuugnay ang nitrites sa brain at thyroid cancers, pero sa ngayon ay wala pa ring matibay na impormasyon para mapatibay ang konklusyon na ito (Preston-Martin 1996; Pogoda 2001; Aschebrook-Kilfoy 2013; IARC 2010).

Noong taon na 2010, ang mga siyentipiko sa World Health Organization’s International Agency for Research on Cancer ay nagdeklara na ang kinain na nitrites at nitrates ay posibleng isang human carcinogen.

Ang California Office of Environmental Health Hazard Assessment ay nag-iisip na isama ang nitrites kasaama ang amines o amides bilang isang carcinogen.

Ang ilang natural na pagkain tulad ng spinach at ilang mga madahong gulay ay mataas din sa nitrates, pero ang mga pag-aaral ay hindi nakakita ng anumang koneksyon nito sa stomach cancer.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments