IBALIK ANG NATURAL NA KULAY NG BUHOK GAMIT ANG NATURAL NA RESIPE NA ITO

SPONSORED LINKS
Ang kulay ng buhok mo ay depende sa pigment cells na nasa babang dulo ng bawat hair follicle. Sa pagtanda ng isang tao, ang pigment cells na ito ay unti-unting nababawasan ang kanilang sigla at namamatay.



Kapag nahinto ang paggawa ng pigments, ang mga buhok ay nawawalan ng kulay at puputi. Gayunman, pwede mo itong pigilan sa mabuting pangangalaga ng scalp mo para maprotektahan ang mga hair follicles dito. Kapag ang base at pigment cells ay masigla, mas matagal mong maiiwasan ang pagputi ng mga ito.

ANG PAGPUTI NG BUHOK AY MAAARING DULOT NG:

hormonal imbalance
hyperthyroidism at hypothyroidism
nutritional deficiency
malnutrition
genetic disorders
paggamit ng electric dryers at concentrated hair dyes
chemotherapy
radiation

Ang hair dye ay maganda para kulayan ang mga puting buhok pero puno ito ng mga kemikal na maaaring makasira sa buhok. Kaya maaaring subukan na lamang ang lubos na natural na paraan!

Sa kabutihang palad, may isang homemade natural solution para mapaganda ulit ang buhok mo. At napakasimple lamang ang sangkap nito.


COCONUT OIL AT LEMON MIXTURE PARA GAWAN NG LUNAS ANG MAAGANG PAGPUTI NG BUHOK

Ang coconut oil ay may anti-microbial property, lauric acid at medium-chain fatty acids. Ang mga katangiang ito ang nagpapalakas sa buhok, tumutulong sa pag-condition dito at pagpapahaba nito. Bukod dito, pinipigilan din nito ang protein loss at kapag nagamit ito ng matagal ay kayang ibalik ang dating dulay ng buhok dahil mayaman ito sa antioxidants.

Ang lemon juice ay nakakatulong din para maiwasan ang pagputi ng buhok. Marami ito sa vitamins B at C at phosphorus na nakakapasigla sa buhok.

PAANO ITO GAWIN?


MGA SANGKAP:


3 tablespoons ng fresh lemon juice
50 ml. ng organic coconut oil

PREPARASYON:

Ihalo ang 3 teaspoons ng lemon juice sa coconut oil.
Gamitin ang timpladang ito sa buhok mo at masahihin ang anit sa ulo.
Pabayaan itong gumana ng halos 1 oras.
Banlawan ang buhok at gamitan ng shampoo.
Gawin ito uli bawat linggo at mamangha ka sa resulta!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments