KAPAG NASA EDAD KA NG 18-44 TAON, DAPAT MO ITONG BASAHIN DAHIL MALAKI ANG MAITUTULONG NITO SA IYO!

SPONSORED LINKS
Pagdating sa katawan, ang mga kababaihan ay dumaraan sa maraming pagbabago sa kanilang buhay. Ito ay mga physical at emotional changes na nangyayari sa puberty at sa menopause.



Lahat ay nakakaranas ng pagbabago sa timbang, hugis ng katawan at iba pang physical traits. Normal lamang ang proseso ng pagbabagong ito at madalas ito ay dahil sa edad, pagsilang ng sanggol at antas ng hormones sa katawan. Ang mga pagbabago na nararanasan ng isang babae ay kadalasang walang kaparehas sa paligid nya at talagang iba-iba ito sa bawat kababaihan.

Ang polycystic ovary syndrome (PCOS) ay isang kondisyon na nakaka-apekto sa 20 percent ng mga kababaihan sa buong mundo. Madalas ay nagpapakita ito ng mga malubhang sintomas.

Kung sa hula mo ay may PCOS ka o diagnosed na ng kondisyon na ito, huwag mag-alala dahil may pag-asa pa sa iyo. Ang talagang panlunas dito ay hindi pa natutuklasan pero maraming paraan ang magagawa mo para makontrol ang kondisyon na ito.

ANO ANG PCOS?

Ang Poly cystic ovary syndrome, o PCOS, ay isang endocrine condition na nagreresulta sa mataas na antas ng androgens o male hormones sa mga kababaihan.

Dahil ito sa genetic o environmental na mga kadahilanan. Paiba-iba ang sintomas nito kaya mahirap i-diagnose.


May ilang pananaliksik ang nagsasabi na maaaring may kaugnayan ito sa insulin, dahil ang PCOS ay kadalasang nakikita sa mga babae na mataas ang antas ng insulin sa katawan.

Ang PCOS ay nakaka-apekto sa 2-20 percent ng mga kababaihan na may edad na 18 hanggang 44, depende sa mga sintomas na ginamit para ma-diagnose ito.

Maaari rin iton magdulot ng diabetes, heart disease, high blood pressure, sleep apnea at ilang uri ng kanser.

MGA PANGUNAHING SINTOMAS NG PCOS:

Irregular menstruation
Pagtaas ng timbang
Hirap magbuntis
Sobrang body hair
Acne, oily skin at dandruff
Anxiety at depression

PANLUNAS:

Para matanggal ang kondisyon na ito ay dapat kang mag-ehersisyo ng madalas, baguhin ang diet, dagdagan ang magnesium intake at magpasuri sa doktor. Ang pagpunta sa isang doktor ay makakatulong para maayos na ma-diagnose ang kondisyon at mabigyan ka ng tamang panggamot.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments