5 MAAGANG SENYALES NA MAGSASABI KUNG MAY NABUBUONG CANCER TISSUE SA LOOB NG KATAWAN MO

SPONSORED LINKS
Ang kanser ay isa sa pinakadelikadong sakit para sa mga tao sa buong mundo dahil sa paraan ng paggamot dito.



Hindi lamang nito kukunin ang lahat sa iyo ngunit hindi mo rin alam kung malulunasan ka nito. Ang magagawa mo na lamang ay hintayin ang katapusan.

Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na pagmasdan mo ang kahit pinakasimple na sintomas para maagapan ang sakit na ito para mas malaki ang posibilidad na mabuhay ka dito.

ITO ANG MGA 5 MAAGANG SINTOMAS NA INDIKASYON NG KANSER:


SAKIT SA IBABANG BAHAGI NG LIKOD

Madalas nakakaramdam ng pananakit sa likod ang tao dahil sa bad posture o isang uri ng posisyon na napuwersa ang katawan mo sa isang partikular na sitwasyon, pero hindi nila alam na ang pananakit sa ibabang bahagi ng likod ay maaaring maagang sintomas o indikasyon ng kanser. Ito ay marahil sa pagkakaroon ng breast tumor o liver cancer. Kapag nararamdaman mo ito ng madalas ay magpasuri kaagad sa isang espeyalista.

BIGLAANG PAGTABA AT PAGLOBO NG TIYAN

Ang isa sa sintomas ng ovarian cancer ay ang biglaang paglobo ng tiyan at pagtaas ng timbang na hindi maipaliwanag.

MATAGAL NA UBO AT SAKIT SA DIBDIB

Kung matagal ka nang inuubo at may kasama na sakit sa dibdib, isa itong indikasyon o senyales ng leukemia o tumor na namumuo sa baga.

HIRAP SA PAGHINGA


Kung hirap ka sa paghinga at nakakarinig ka rin ng ingay kung ikaw ay humihinga ay maaaring sintomas ito ng lung cancer.

PAULIT-ULIT NA IMPEKSYON AT NAMAMAGA NA NODES

Ang ilang may leukemia na pasyente ay nakararanas na ganito na sintomas sa unang bahagi ng sakit na ito; paulit-ulit din silang dinadapuan ng impeksyon at lagnat. Dahil ang leukemia ay natuklasan na isang cancer of the white blood cells na siyang bahala sa immune system ng katawan ay nasisira din ang kakayahan ng katawan mo na labanan ang mga sakit.

Sa kabilang palad, kung napansin mo na namamaga ang lymph nodes mo ay maaari na sintomas ito ng simula ng kanser na nakikita sa bahagi ng leeg o sa kilikili.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments