5 NATURAL NA PARAAN PARA ALISIN ANG VARICOSE VEINS

SPONSORED LINKS
Kilala rin ang varicose vein bilang spider veins at nangyayari ito kapag nagkaroon ng pressure sa blood vessels o ugat na nagreresulta sa pooling o pag-ipon ng dugo dito at paglobo ng mga ugat.



Ang paglabas ng varicose veins ay dahil sa mahihinang mga ugat. May one-way valves ang mga ugat na ito na pumipigil sa dugo na dumaloy pabalik.

Kapag nasira ang valves na ito ay naiipon ang dugo embes na mapunta sa puso.

Karaniwan itong nangyayari sa paa at dahil ito ang pinakamalayo sa puso at sa gravity na nagpapahirap sa pagdaloy nito pataas ng katawan.

ANG ILAN SA POSIBLENG DAHILAN NITO AY:

Obesity o sobrang taba ng katawan
Pagbubuntis
Nakatayo ng matagal na panahon
Hindi pagiging aktibo
Hormonal imbalance
Ang magandang balita ay maraming natural na panlunas dito na sadyang napaka-epektibo.

ANG PINAKAMABISANG PAGKAIN BILANG PANLUNAS O PAGPIGIL SA PAGLABAS NG VARICOSE VEINS

High fiber foods
– para sa constipation at maalis ang unnecessary pressure sa ugat. Gumamit ng 30-40 grams araw-araw.

Flax at chia seeds
– para sa fiber at omega-3 fatty acids na nakakabawas ng stress sa ugat.
Berries – blueberries at raspberries ay nagbibigay ng flavonoids para mapalakas ang mga ugat.
Cayenne pepper – mataas ito sa capsaicin at mabuti para sa circulation.
Vitamin E – para mapigilan ang blood clots at mapabuti ang circulation. Ito ay ang mga almonds, sunflower seeds at green leafy vegetables.

MGA PAGKAIN NA NAGDUDULOT NG SPIDER VEINS

Trans fats – mabilis makadagdag ng timbang at magdulot ng pamamaga.
Sugar - magdudulot ng pagbigat ng timbang at pamamaga.
Caffeine – mabilis maka-dehydrate at palalain ang varicose veins.
Alcohol – nakaka-dehydrate at magdulot ng pamamaga.

Refined at processed foods – ang mga pagkain na ito ay maliit ang nabibigay na sustansiya at nagbibigay ng maraming toxins sa katawan at palalain ang varicose veins.



TOP 5 VARICOSE VEINS NATURAL REMEDIES


Horse chestnut (100 mg araw-araw)

Para patibayin ang ugat at mabawasan ang pamamaga.

Butcher’s broom (200 mg araw-araw)

Para mabawasan ang pamamaga ng ugat.

Grape seed extract (200 mg araw-araw)

Para patibayin ang vein wall.

Bilberry (160 mg 2x araw-araw)

Para mapataas ang circulation.

Vitamin E (400 IU araw-araw)

Gumagana bilang isang natural na blood thinner

BONUS REMEDY

Ang paglagay ng witch hazel at apple cider vinegar sa apektadong parte ay nakakabawas sa laki ng mga varicose veins.

ESSENTIAL OILS PARA SA VARICOSE VEINS

Ang cypress essential oil isa sa pinakamabisang natural na panlunas para mabawasan ang varicose veins. Ito ay may kakayahan na dagdagan ang circulation at suportahan ang circulatory system. Ipahid ang 5 patak ng cypress oil sa apektadong parte ng 2 beses araw-araw.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments