7 NAKAKAGULAT NA BENEPISYO NG PAGKAIN NG TALABA NA DAPAT NATING MALAMAN

SPONSORED LINKS
Kung sawa na tayong kumain ng karne, ang isang alternatibo dito ay ang pagkain ng seafood. May mga ibat-ibang uri na puwede nating kainin, may hipon at mga alimango at kahit mahal ang mga ito ay bawi naman sa sarap.



Ang isa ding sikat na seafood ay ang oyster o talaba. Tinatago ng matigas na shell nito ang kanyang karne at gustong-gusto itong kainin ng mga tao. Pero hindi lamang dahil masarap ito kainin sapagkat marami din itong pakinabang para sa ating kalusugan. Alam mo ba na marami itong laman na zinc, vitamins at iba pang mga minerals? Ito ay talagang isang biyaya ng kalikasan para sa mga tao.

Ang zinc na makikita dito ay isang matibay na nutrient na nangangasiwa sa kalusugan ng maraming sistema sa katawan tulad ng central nervous system at ang immune system. Kung may zinc deficiency ang isang tao ay hihina ang wastong pagtakbo ng mga sistema sa katawan.

Hindi lamang mabuti para sa kalusugan ang pagkain ng talaba ngunit magagamit din ito ng mga kalalakihan bilang isang mabisang “aphrodisiac” o pampalibog. Ito ay dahil sa zinc na may kasama na vitamin C na mabuti para sa libido ng mga lalaki.

Maraming pakinabang para sa kalusugan ang talaba at sa artikulo na ito ay mababasa mo ang anim (6) na kahalgahan ng seafood na ito para sa tao.

ITO AY NAKAKATULONG PARA MAIWASAN ANG ANEMIA


Para sa babae, nawawalan sila ng dugo kapag sila ay may period. Ito ang dahilan kung bakit karamihan ng tao na may anemia ay mga babe. Kung gusto mong maiwasan ito ay kumain ng talaba kung dumating na ang period mo. Ang mga seafood tulad ng talaba ay mayaman sa iron na siyang nawawala sa katawan kung ito ay may anemia. Ang iron deficiency ay nagdudulot ng kawalan ng malay, pagkahilo at matinding pagkapagod.

MABUTI ITO PARA SA PUSO


Hindi lahat ng klase ng taba ay nakasasama sa tao. Ang polyunsaturated fatty acids na makikita sa talaba ay mabuti para sa puso. Bukod dito ay may amino acids lysine din ang talaba na nagpapalakas ng produksyon ng carnitine. Ito ang nangangasiwa sa wastong antas ng cholesterol sa katawan para maiwasan ang mga sakit sa puso.

NAGPAPALAKAS NG IMMUNITY


Ang zinc na makikita sa talaba ay isa ring mabisang antioxidant na isang pangunahing panlaban sa mga impeksyon at sakit. Kasama ang PUFA o polyunsaturated fatty acid, ang zinc ay pinapalakas ang immune system para malabanan ng katawan mo ang pamamaga at iba pang mga kondisyon tulad ng common cold.


NAGBIBIGAY NG VITAMIN B

Ang grupo ng B vitamins na ito ay mahalaga para sa magandang pagtakbo ng utak at nervous system. Dahil sa vitamin B6 at B12, magagawa ng katawan natin na magpakawala ng enerhiya sa ating mga kinain. Ang pagkain ng talaba ay isang natural na paraan para makakuha ng vitamin B na mga ito ang ating katawan maliban sa paggamit ng mga supplements na inireseta ng doktor. Ang seafood na ito ay puno ng vitamins B2 at B3 na kayang suportahan ang regular diet mo.

PARA MABAWASAN ANG TIMBANG

Ang talaba ay mayaman sa protina. Kapag ito ay kinain, mas madaling mabubusog ang tao at maiiwasan ang sobrang pagkain na karaniwang nagreresulta sa pagtaas ng bigat ng katawan. Buko dito, ang mga protein rich foods ay nakakatulong din sa metabolic processes ng katawan at dinadagdagan ang muscle mass. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit sadyang nakatutulong ito sa mga tao na gustong bawasan ang kanilang timbang.

Meron ding laman na calcium ang talaba na makukuha sa kanilang shell o kabibi. May mga pananaliksik na nakatuklas na ang oyster shell supplement ay mas mabisa para malunasan ang osteoporosis kesa sa paggamit ng calcium carbonate supplements. Kailangan mo lang (1) tablet ng oyster shell supplement at sapat na ito para sa araw na iyon.

ANO NGA BA ANG MGA PARAAN NG PAGKAIN NG TALABA?


Una, puwede mo itong kainin ng hilaw lalo na kung sariwa at kagagaling lang nito sa dagat. Sa Chinese cuisine, meron silang dried oysters. Meron ding gumagawa ng smoked oysters sa kanilang bahay o bumibili lamang ng ganito sa mga tindahan. Pero ang mga nabibili na smoked oysters ay napag-alaman na hindi mabuti para sa kalusugan dahil sa ginagamit na preservatives dito. Kaparehas din ito ng canned oysters na mataaas sa sodium content kaya wala pa ring tatalo sa health benefits ng raw oysters.

Kung kakain ka ng hilaw na talaba ay tiyakin mong malinis ito at ligtas kainin. Ito ay dahil sa polusyon sa tubig na siyang dahilan kung bakit nagiging kontaminado sila at hindi maiwasan ang shellfish poisoning. Maliban sa mga pollutants tulad ng lead, ang talaba din ay maaaring pagtahanan ng maraming uri ng bakterya na nakasasama sa kalusugan ng tao kapag kinain. Kung kinain mo ng hilaw ang talaba at nahilo ka bigla, nagkaroon ng diarrhea at stomach cramps ay maaaring may norovirus ang nakain mong talaba.

ITO ANG ILANG TIPS PARA MAIWASAN ANG MGA CONTAMINATED OYSTERS

Siguraduhin na lubos na sarado ang oyster shells sa pagbili mo dito. Iwasanng bumili ng nakabukas kahit kaunti lang.

Sa kabaligtaran, itapon ang mga hindi bumubukas ang shells kapag niluluto na ito.

Pakuluan ng hindi kukulang sa 5 minuto para masigurado na malinis ito at patay lahat ng bakterya na naninirahan dito.

Iwasan ang cross-contamination sa paghiwalay sa mga luto na talaba sa mga hilaw.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments