7 PARAAN PARA SA HEALTHY PRIVATE PART SA MGA KABABAIHAN!

SPONSORED LINKS
Ang karaniwang problema ng mga kababaihan ay vaginal problems. Kapag nakaranas sila nito ay mahihiya na silang sabihin ito sa ibang tao kahit sa doktor.



Gayunman, kapag sinunod niya ang ilang healthy steps ay madali niyang mapapanatili na malusog na private part at maging ligtas ito sa mga sakit.

Ang vagina ay naturally acidic at may mga naninirahan din ditong mga beneficial bacteria na nilalabanan ang mga impeksyon at nagpapanatili sa tamang antas ng pH. Kung ang laway ay tumutulong sa paglinis ng bunganga ang vaginal discharge naman ay para mapanatiling malinis ang vagina.

Ang vaginal irritation o infection ay nangyayari kapag ang normal na kondisyon dito ay nasira. Importanteng malaman mo kung paano ito mapapangalagaan ng mabuti para hindi ito dapuan ng kahit anong sakit.

Ang pamamaga ng vagina ay tinatawag na vaginitis at it ay nangyayari kapag nasira ang balanse ng mga bacteria na naninirahan dito. Ang Candida ay pangunahing dahilan ng 40% ng lahat ng klase ng vaginitis. Ang Candida ay isang yeast tulad ng fungus at halos 75% ng mga kababaihan ay nararanasan ito kahit 1 beses laman sa kanilang buhay.

SINTOMAS NG YEAST INFECTION:

Pangangati at burning sensation sa vagina at vulva
Abnormal vaginal discharge
Mabahong amoy
Pula, namamaga at masakit na vaginal mucous membranes at external genitalia
Pagkakaroon ng satellite lesions na maaaring kumalat sa hita at puwit

ANO ANG MGA DAHILAN NITO:

Antibiotics
Birth control pills
Karagdagang init, moisture at hormonal shifts habang buntis
Diabetes
Paggamit ng corticosteroid
Sexually transmitted diseases
HIV infection
Obesity
Pagkunsumo ng sobrang sugar
Pagsuot ng panty hose, masikip na damit o noncotton na mga underwear
Menstruation
Paulit-ulit na vaginitis matapos o bago magsimula ang menstrual periods
Maaari mo itong maiwasan ang mga ito gamit ang healthy diet.

Ang mabuting kalusugan ng vagina at reproductive system ay napapanatili dahil sa balanced, nutritious diet at pag-inom ng maraming tubig. Ang cranberry juice at yugort ay makakatulong para mapigilan ang yeast infection. Ang pagkain din ng mga soy products na may laman na phytoestrogens o isang mahinang klase ng estrogen ay nakakatulong bilang isang natural lubrication.

PAANO NAKAKATULONG ANG CRANBERRY JUICE:

Ang cranberry juice ay sikat sa pagpigil at paglunas sa mga sintomas ng urinary tract infections. May laman itong acidic compounds na nilalabanan ang bad bacteria na hindi nasira sa digestive process.

Kilala sila bilang probiotics at nakakatulong para dumami ang good bacteria na mabisa para sa mapigilan ang mga vaginal problems.

Subukan ding iwasan ang sobrang pagkain ng super-sugary foods na mas nagpapataas sa tsansa mong magkaroon ng vagina infections.



ANG MGA NAITUTULONG NG MGA PAGKATIN NA MATAAS SA VITAMIN E:


Vitamin E has antioxidant properties. It is related with healthy skin, but it is also important for the proper function of many organs in the body.

Ang vitamin E ay may antioxidant properties. Ito ay may kaugnayan sa malusong na balat at importante rin sa wastong pagtakbo ng maraming organs sa loob ng katawan.

Ang mga pagkain mayaman sa vitamin E ay: tofu, broccoli, avocado, spinach at iba pang greens, seafood, olive oil, chili powder, pumpkin, squash, mango, sunflower seeds, almond at hazel nuts.

Magsuot ng cotton underwear


Mas gusto ng vagina ang cotton at wala ng iba pa. Mas nakakahinga ito sa cotton at sumisipsip din ito ng moisture kaya mainam ito para sa ari mo.

Iwasan ang douching

Ang pH level ng vagina ay maaaring masira dahil sa douching. Mababawasan nito ang acidity ng vagina at madaling madadapuan ng bacterial infection. Magpasuri sa doktor kung mabaho ang amoy ng vagina mo. Huwag gumamit ng matatapang na sabon o cleansers sa vulva o sa loob ng vagina dahil baka masira ang wastong pH balance nito.

Gumamit ng condom

Maliban sa pagprotekta sa iyo sa mga STD at pagbubuntis, may ilang mga pag-aaral na nagsasabi na ang paggamit ng condom ay mabisa para mapanatili ang wastong pH level ng vagina para mas mabuhay ang mga good bacteria dito. Ang mga bacteria na ito ay pinipigilan ang yeast infections, UTIs at bacterial vaginosis.

Mga dapat mong iwasan:

Refined foods

Iwasan ang white breads, pastas, flours at sugar at bawasan ang pagkain ng mga red meats. Bawasan ang trans fatty acids sa baked goods tulad ng cookies, crackers, cakes, French fries, onion rings, donuts, processed foods, at margarine.

Antibiotics


Ang antibiotics ay pinapatay ang ilang lactobacilli na nagpapanatili sa mabuting kalusugan ng iyong vagina. Kung gumagamit ka ng antibiotics para labanan ang isang impeksyon ay sabayan ito ng pagkain ng maraming probiotic foods tulad ng Greek yogurt at kefir. Maraming pagkain na magagamit bilang isang natural antibiotics at hindi rin nito inaatake ang mga good bacteria sa katawan mo.

Mag-ingat sa paggamit ng mga sabon

Ang mabangong mga sabon ay maganda sa pang-amoy pero huwag itong gamitin sa ari mo. Ito ay nakakatuyo sa sensitibong mga balat sa paligid ng vulva mo. Maghugas na lamang gamit ang mainit na tubig o gumamit ng mga sabon na plain, hindi matapang at unscented.

Para hindi bumaho ang ari mo ay gumagamit ng cotton underwear.

Palaging mag-ahit para mapanatili itong malinis.
Hugasan ang vagina ng kahit 1 beses sa isang araw para makaiwas sa impeksyon.
Hugasan ng huli ang puwit para walang makapasok na dumi sa vagina mo.
Hugasan ng mabuti ang napapagitnaang parte ng vagina at puwit.
Paghatiin ang vagina gamit ang mga daliri para mahugasan ng mabuti ang clitoris.
Gumamit ng mild soaps maiwasan ang mga impeksyon at sakit.

Mag-ingat habang naghuhugas at baka pumasok ang soap foam o bula sa vaginal passage at makasama ito sa iyo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments