8 EPEKTIBONG HOME REMEDIES PARA SA URINARY TRACT INFECTION (UTI)

SPONSORED LINKS
Ang urinary tract infection o UTI ay isang madalas na problema ng tao sa kasalukuyang panahon. Ang lalake at babae ay parehas na puwedeng magkaroon ng UTI pero mas delikado dito ang mga kababaihan.



Ang UTI ay nangyayari kapag ang pantog at ang mga daluyan nito palabas ay puno na ng bakterya. May ilang mga dahilan kung papaano ito nakukuha tulad ng pakikipagtalik, pagpigil ng matagal sa ihi, pagbubuntis, nasa menopausal stage at diabetes.

Ang mabilis na lunas ay importante para hindi na lumala ang impeksyon at masira lalo ang mga kidneys.

ITO ANG SAMPUNG (10) PINAKA-EPEKTIBONG HOME REMEDIES PARA SA URINARY TRACT INFECTION:

1. Apple Cider Vinegar

Ang Apple Cider vinegar o ACV ay puno ng enzymes, potassium at maraming mahahalagang mineral na mahalaga para malabanan ang mga bakterya na siyang dahilan ng UTI. Ang mga tao na nakararanas nito ay maaaring gumamit ng ACV bilang isang natural antibiotic treatment para sa impeksyon na ito.

2. Cranberry Juice


Ang pag-inom sa kalahati sa baso ng cranberry juice sa araw-araw ay isa sa pinakamadaling paraan para maiwasan ang UTI. Kung meron kang UTI ay uminom lamang ng 3-4 baso ng cranberry juice madalas para mapigilan ang paglala ng impeksyon sa bato.

3. Baking Soda

Ang baking soda ay may kakayahan na pataasin ang ang acid-base balance ng isang acidic urine at para rin mapagaan ang pakiramdam mo at maibsan ang sakit. Ang pagbalanse sa acidity ng ihi ay makakatulong para mas makarekober ng mabilis ang katawan. Ihalo lamang ang baking soda sa isang baso ng tubig at inumin ito ng madalas na hindi kukulang sa isa o dalawang beses.


4. Tea Tree Oil

Ang tea trea oil ay may taglay na antibacterial properties na nilalabanan ang mga bakterya na nagiging sanhi ng mga impeksyon sa pantog tulad ng UTI. Maglagay ng 10 patak ng tea tree oil sa pangligo mong tubig at gamitin ito para hugasan ang pasukan ng urethra.

5. Blueberries
Ang taglay nito na antioxidants ay pinapatibay ang immune system at pinipigilan din ang pagdami ng mga bakterya na dahilan ng UTI.

Ihalo ang ilang sariwang blueberries sa pangaraw-araw mong kinakain o sa cereal mo sa umaga. Maaari mo rin itong inumin bilang juice sa araw-araw, sa umaga at sa gabi para sa pinakamainam na resulta.

6. Pineapple

Ang pag-inom ng isang tasa pineapple juice araw-araw ay makakatulong para maiwasan ang UTI. Mas mabisa kung sariwa na pinya ang gagamitin mo kesa sa mga de lata dahil marami itong preservatives.

7. Hot Water Compress


Maglagay ng mainit na tubig sa isang flexible water bottle. Ipatong ito sa lower abdomen mo ng ilang minuto. Maaari ka ring maglagay ng hot pad dito para maibsan ang sakit.

8. Water


Uminom ng maraming tubig kung may UTI ka. Subukang uminom ng hindi kukulang sa 8-10 baso ng tubig araw-araw. Mas iihi ka ng madalas dahil dito na kinakailangan para malunasan ang sakit na ito.

Epektibo ang mga panlunas na ito pero magtanong muna sa doktor bago ito subukan.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments