8 MABISANG HOME REMEDIES PARA SA TOOTHACHE

SPONSORED LINKS
Ang pananakit ng ngipin ay maaaring magresulta sa ibat-ibang uri ng sakit at komplikasyon. Makararanas ka rin ng sobrang pananakit ng ulo at gums.



Sa panahong ito ay magpasuri sa dentista kung meron kang nabubulok na ngipin, abscess, exposed nerves o compacted teeth.

PERO BAGO KA PUMUNTA SA ISANG DENTISTA AY MAAARI MO RING SUBUKAN ANG ILANG SA MGA HOME REMEDIES NA ITO:
1. Mixture ng salt at water bilang rinse

Ang asin ay mabuti para sa cavities at nakakabawas din ito ng sakit. Ipinapayo na magmumog ng salt water (kalahati sa kutsarang asin sa 8 ounces ng tubig).

2. Clove oil

Pinapatay nito ang mga bacteria at binabawasan din ang sakit. Maaari mong gamiting ang clove oil ng direkta sa masakit na ngipin o pigain ang isang clove para lumabas ang katas nito at ipisil ito sa ngipin.

3. Ginger at Cayenne Pepper Paste

Ipaghalo ang pantay na dami ng ginger at cayenne pepper sa tubig para magkaroon ng isang paste. Gamitin ito sa isang cotton ball at ilagay sa apektadong ngipin. Tandaan na masakit para sa gums at dila ang paraan na ito.

4. Tea bag

Ito ay gumagamit ng mainit at basa na tea bag para maalis ang sakit. Kailangan mo ng black tea na may tannins dahil kadalasan ito ay may anti-inflammatory na katangian.

5. Onion

Ang katas ng sibuyas ay mabisa para patayin ang mga germs sa oral cavity. Durugin ang sibuyas sa maliliit na piraso na mangunguya mo. Nguyain ito ng 3-5 minuto.

6. Takpan ito gamit ang chewing gum

Kung may cracked tooh o loose filling ka at naghihintay na pumunta sa dentista. Maaari mo itong pansamantalang takpan ng chewing gum para hindi magkaroon ng sakit at impeksyon ang exposed nerves dito.

7. Gumamit ng cold compress

Gumamit ng ice pack sa pisngi para mabawasan ang pananakit at pamamaga.

8) Peppermint tea

Bukod sa pagiging malasa, ito ring ay may numbing power o kakayahan na mawala ang sensayon sa katawan. Maaari mo itong bilhin o gawin ng sarili mo lang, ilagay ang isang kutsarita ng dried o fresh peppermin leaves sa isang tasa ng kumukulong tubig.

Kung matindi na ang sakit sa simula pa lang ay subukang pumunta na kaagad sa dentista. Ang abscesses ay baka magkaroon ng impeksyon at delikado ito pag nagkataon.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments