8 NAKAKAGULAT NA HEALTH BENEFITS NG PAPAYA SEEDS PARA SA ATAY, BITUKA AT BATO

SPONSORED LINKS
Ang papaya ay isang tropikong prutas sa kilala sa karamihan na Asyanong bansa na pampaputi ng balat pero mas marami pa pala itong magagawa kesa sa inaakala ng tao. Madalas na tinatapon ang buto kung kinakain ang papaya dahil akala natin ay wala itong silbi.



Ito pala ay may kakayahan na mapigilan at magawan ng lunas ang maraming uri ng sakit. Ang karamihan ng sakit na ito ay may kaugnayan sa atay, bituka, mga uod sa lamang-loob at kahit dengue.

1. PINAPUKSA ANG MGA PARASITIKO NA NAINIRAHAN SA LAMANG-LOOB

Ang papaya seeds ay may laman na alkaloid na kung tawagin ay carpaine na pumapatay sa mga intestinal woms at amoeba parasites. Ang papaya fruit ay nakakatulong sa pagmetabolize ng mga protina at ginagawa ang gastrointestinal tract na delikadong lugar para sa mga parasitiko na mahilig pumunta dito. 

Isang pag-aaral ang nagpakit na ang mga kabataan sa Nigeria na may mga parasitiko sa tiyan na kumain ng papaya seed juice sa 7 araw ay nagawa na alisin ang 75% ng mga ito sa kanilang tiyan. Pinapatay din nito ang kanilang mga itlog para hindi na sila kumalat.

Gumamit lamang ng 30 hanggang 40 seeds. Kung natuyo na ang mga ito ay durugin hanggang maging pulbura at ihalo sa kaunting honey o pulot. Haluin ito ng mabuti. Maaari mo itong ilagay sa lmeon tea mo bago mag-almusal. Siguraduhin na huwag kumain ng kahit ano sa loob ng 30 minuto. Inumin ito ng 3 beses sa isang araw para sa pinakamagandang resulta.

2. PINAPANATILI NA MASIGLA ANG MGA KIDNEYS

Ang papaya ay pinag-aralan sa University of Karachi at nagpakita ng kakayahan na mapabuti ang kalagayan ng kidney at mapigilan din ang renal failure. Mabisa din ito para sa mga kidney poisoning-related na mga sakit.

Gumawa ng timplada gamit ang 5-7 papaya seeds. Ihalo ito sa sariwang orange juice. Mas mabuti kung iinumin nito sa umaga bago mag-almusal. Kung may impeksyon ang kidney mo, ilagay sa blender ang 7 seeds na ito kasabay ang horsetail tea at ihalo ng mabuti. Inumin ito habang mainit pa at dagdagan ng ilang patak ng lemon bago mag-almusal. Iwasan ang mga refined products rulad ng flours at sugar, cow’s milk at mga nakaka-irita sa bato tulad ng kape, tsokolate, suka at sili.

3. BINABAWASAN ANG PAMAMAGA NG MGA KASUKASUAN O JOINTS

Ang prutas ng papaya kasama ang mga buto nito ay may taglay na mabisang anti-inflammatory property. Ito ang dahilan kung bakit mainam itong gamitin para maibsan ang sakit na nararamdaman sa rayuma, pananakit ng kasukasuan, pamamaga, pananakit at pamumula ng katawan. Ang papain at chymopapain ang dalawa sa pinaka-importante na enzymes na makikita sa papaya seeds na may malaking kinalaman sa pagbawas ng pamamaga ng mga nasabing kondisyon.


4. GINAGAMOT ANG LIVER CIRRHOSIS

Maraming laman na mahahalagang nutrients ang papaya seeds na nakatutulong para sa paghilon ng cirrhosis ng atay. Dikdikin o durugun ang 5-6 papaya seeds at maaari mo itong isama sa pagkain o inumin tulad ng lime juice. Gawin mo ito ng 30 araw. Ang pagkain ng kahit kaunting papaya ng madalas ay nakakatulong para sa detoxification ng atay at maiwasan ang mga sakit dito.

5. PINAPATAY ANG MGA BAKTERYA AT PANLUNAS PARA SA MGA VIRAL INFECTIONS

Ang papaya seeds ay natuklasan na epektibong pumapatay sa mga nakasasamang mga bakterya tulad ng Staphylococcus, E. coli at Salmonella. Nakatutulong din ito para malabanan ang mga viral infections at ginagawa ding panlunas para sa dengue, typhoid at iba pang seryosong mga sakit. Ang papaya seeds ay karaniwang hinahalo sa gatas sa bansang Nigeria. Ito ay napag-alaman na isang mabisang panlunas para sa typhoid fever.

Sa Costa Rica, ang mga buto ay sobrang sikat dahil nagagamit ito na panlaban sa dengue. Ang katas na nakukuha sa pinakuluan na dahon ng papaya ay nakakatulong din sa mga dinapuan ng dengue para maibalik ang kanilang platelet count.

6. PINIPIGILAN ANG KANSER


Ang papaya seeds ay may taglay na phenolic at flavonoid agents na parehas na matataas sa antioxidant na kailangan para lumiit ang tumor cells. Meron din itong isothiocyanates na mabisa para sa colon, breast, lung, leukemia at prostate cancer.

7. NAKAKATULONG SA DIGESTION

Ang hilaw na papaya at mga buto nito ay mataas sa laman na enzyme papain. Ang papain ay malaki ang naitutulong sa pagtunaw ng mga protina. Gayunman, sinasabi na hindi ito dapat gamitin ng mga gustong mabuntis dahil itinuturing na isang natural contraceptives ang papaya seeds. Isang pag-aaral na ginawa sa mga lalakeng daga ang nagpakita na nabawasan ang sperm production ng mga ito sa pagpapakain sa kanila ng mga buto ng papaya araw-araw.

8. PABABAIN ANG HIGH BLOOD PRESSURE

Magandang resulta rin ang ipinakita ng mga lab rats sa kanilang cardiovascular health dahil sa papaya. Ang mga compounds na makikita sa papaya kasama na dito ang dahon at buto nito ay natuklasan na epektibo para mabawasan ang systolic, diastolic at mean arterial blood pressure.

Kahit mabuti ang nagagawa nito para sa ating kalusugan ay tandaan na huwag sosobra ang paggamit mo dito. Ito ay dahil may mga malalakas na enzymes ang mga ito na hindi dapat sumobra sa katawan. Maaaring kumain ng mga sariwang buto ang mga tao kasama ang laman ng prutas mas masarap.

Maaari mo ring durugin ang mga buto gamit ang mortar at pestle at itago ito sa fridge para magtagal ng isang linggo. Kung gusto mo itong magtagal pa ng kunti ay itago ito sa freezer at patunawin bago gamitin. Kapag natuyo na ang mga ito ay ilagay sa isang food processor para gilingin ang mga ito hanggang maging pulbura na maaaring magamit sa pagkain. Sa ganiton paraan, puwede mo itong iwisik sa sopas o salad o sa gusto mong pagkain.
SPONSORED LINKS

0 comments