9 ALKALINE FOODS NA LILINISIN ANG TOXIC ACID SA KATAWAN

SPONSORED LINKS
Pinapanatili ng katawan ang isang partikular na acidic state para sa kalusugan nito. Gayunman, may madalas na kinakain at iniinum ang mga tao na sadyang nakakasira sa wastong antas ng acidity sa katawan.



Ito ay nagreresulta sa pamamaga, akumulasyon ng toxin at pagkasira ng immune system at organs sa loon ng katawan. Sa kabutihang palad, may mga pag-aaral na ginagawa sa ibat-ibang pagkain na makakatulong para maibalik ang wastong antas ng acidity sa katawan dahil sa matataas ang mga ito sa alkaline.

Ang alkaline foods ay may kakayahang linisin ang katawan at tanggalin ang excess acid na maaaring maging toxic kapag nasobrahan ang dami sa katawan. Ang alkaline diet ay makakatulong para mapabuti ang kalusugan, bawasan ang pamamaga sa katawan na isang pangunahing dahilan ng maraming seryosong sakit.

ITO ANG 9 ALKALINE FOODS NA PWEDE MONG KAININ:

1. Almonds


Ito ay mayaman sa essential nutrients at plant-based fatty acids na makikita sa kanilang oil at marami rin itong alkaline. Bukod sa pagiging mabuti sa kalusugan ito rin ay maganda para sa buhok, balat at utak. Ito rin ay makakatulong sa pagpapalaki ng muscles at para mabawasan ang antas ng cholesterol sa katawan.

2. Cucumbers


Ito ay isang natural diuretics na may kakayahan na ma-hydrate ang katawan at tanggalin din ang excess water dito at dahil dito nababalanse sa antas ng acidity ng katawan. Ito rin ay mabisang gamitin para malunasan ang pagkasira sa katawan na resulta ng sobrang uric acid o waste material na karaniwang makikita sa ihi.

3. Cabbages

Nagbibigay ito ng mga kinakailangan na nutrients sa katawan tulad ng magnesium at roughage na mainam para sa digestive at immune system, para mabalanse ang alkalinity ng katawan at maging malusog ito hanggang cellular level. Ang cabbage ay sinasabing mabisa sa pagpigil sa pagkakaroon ng kanser sa katawan. Ito ay mataas sa fiber at nakakatulong din para mabawasan ang dami ng calories at isang sangkap na dapat mong idagdag sa regular diet mo.

4. Plum Tomatoes


Ito ay mayaman sa vitamins A, C at E. Ito ay mainam na gamitin para sa skin disorders, para sa wastong dami ng calories sa katawan, para sa UTI at mga bladder problems. Ito ay dahil marami itong laman na tubig na nakakatanggal ng excess acid sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.


5. Grapefruits

Ito ay nakakatulong para mapabilis ang metabolism at para sa mapanatili ang wastong timbang ng katawan dahil sa pagtanggal nito ng unnecessary fat sa katawan. Bukod sa pagiging isang mabisang weight-loss na pagkain ito rin ay may laman na alkaline na mababa sa sugar at kahit maasim ito at acidic ay nakakatulong pa rin ito para mapabuti ang antas ng alkaline sa katawan. Pinapatibay din nito ang immune system dahil mataas ito sa vitamin C.

6. Key Limes

Isa itong citrus fruit at mataas sa vitamin C. Kaya nitong tanggalin ang mga toxins sa urinary tract, excess acid tulad ng uric acid at mga bakterya. Ang akumulasyon ng uric acid sa katawan ay magreresulta sa sakit at pamamaga na makakasira sa kalusugan. Ang mga waste material na ito ay unti-unti ring makaka-apekto sa internal organs mo.

7. Lemons

Gamitin ito para ma-detox ang katawan at bilang isang digestive system “cleanser” at para rin manumbalik ang malusog na antas na acidity ng katawan. Ang lemon ay isang superstar sa mundo ng old folk remedies para sa flus, infection at kahit sa pagbabawas ng timbang. Kahit ito ay acidic by nature, ito ay may kakayahan na gumawa ng alkaline responses sa katawan at mababa rin ito sa sugar.

8. Basil

Ito ay itinuturing ng “king of herbs” dahil marami itong nutrients na karaniwang makukuha lamang sa kombinasyon ng ibat-ibang pagkain. Ang Italian herb na ito ay mayaman sa vitamin K, omega 3 fatty acids, iron, calcium, vitamin C at marami pang iba. Lahat ng ito ay kayang i-detoxiy ang katawan sa pagpapababa ng acid levels at paglaban sa gumagawa ng kidney stones. Ito rin ay nakakatulong sa paglinis ng kidneys dahil sa madalas na pag-iihi.

9. Cantaloupes

Ito ay galing sa family ng melon at marami itong laman na tubig, beta-carotene, phytochemicals at halos lahat ng importantanteng klase ng vitamin B na panlaban at para matanggal ang toxins at sobrang acid sa katawan. Pinapatibay din nito ang immune system sa paglikha ng maraming white blood cells para hindi maipon ang mga toxic susbtances at inaayos din nito ang antas ng alkaline sa katawan.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments