ALAMIN ANG 7 UNHEALTHY HABITS NA NAGDUDULOT NG BLOATED STOMACH

SPONSORED LINKS
Ang paglobo ng tiyan ay hindi kaaya-aya sa pakiramdam at minsan ay isang masakit na karanasan. Ito ang pakiramdam na punong-puno ang tiyan at maraming hangin, ito rin ay maaaring lumaki o mamaga.



Maraming tao ang may masasamang mga bisyo na nakakasira sa kanilang kalusugan. Ito ay ginagawa nila araw-araw at walang kaalam-alam na nakakasira ito sa digestion na maaaring magresulta sa indigestion at acid reflux.

Ang paglobo ng tiyan ay isang kondisyon na nakaka-apekto sa maraming tao. Ang digestive issues tulad ng bloating, abdominal pain at acid reflux ay nangyayari pagkatapos kumain ng malaki o dairy products o mga acidic na mga pagkain.

Sa kabutihang palad, sa artikulo na ito ay mababasa mo ang kung anu-ano ang mga masasamang bisyo na ito para maiwasan mo at mapanatili ang mabuti mong kalusugan.

ITO ANG 7 UNHEALTHY HABITS NA NAGDUDULOT NG BLOATING, INDIGESTION AT ACID REFLUX:

ALCOHOL

Ang alak ay isang sikat na dahilan ng paglobo ng tiyan. Ito maaari ay dahil sa gluten na laman na wheat o barley ng paborito mong beer o direktang epekto ng alak ng kahit anong klase sa tiyan mo.

Karamihan sa alak, lalo na ang beer, ay mataas sa carbohydrate calories. Ang maraming nainom na alak ay para na ring isang napakalaking liqiuid meal.

Mabubusog ka dahil dito tulad ng normal na caloric consumption pero ang alak ay nakakasira sa lining ng lamang-loob.

CARBONATED DRINKS


Ang carbohydrated sodas at drinks ay mabilis kang pagiginhawain kung ikaw ay nauuhaw.

Gayunman, ito ay hindi mabuti para sa katawan dahil wala itong binibigay na kahit anong nutrients at may mga substances na maaaring magdulot ng pamamaga sa tiyan at magresulta sa maraming klase ng digestive problems.

Gumamit na lamang ng ordinaryong tubig para maiwasan mo ang isyu sa pag-inom ng carbonated drinks.

PAG-INOM NG KAKAUNTING TUBIG

Mabilis kang mawawalan ng tubig sa katawan dahil sa pagkain na maasim at pag-inom ng alak at maglolobo ang tiyan mo.

Maaaring kabaligtaran ang lohiko nito pero ang pag-inom ng maraming tubig o pagkain sa water-heavy na mga pagkain ay mabisa para manatili kang hydrated at maiiwasan mo ang bloated stomach.

Ang hindi pag-inom sa wastong dami ng tubig ay isa pinakamadalas na pagkakamali ng mga tao. Dahil dehydrated ang katawan, hindi nito basta-bastang ilalabas ang natitirang tubig dito at ito ang magiging sanhi ng paglobo ng tiyan.


SOBRANG PAGKAIN NG FIBER

May ilang mga pagkain na puno ng fiber tulad ng beans at cruciferous na mga gulay na maaaring magdulot ng bloating sa mga tao na hindi nakasanayan na kainin ang mga ito.

Ang sobrang dietary fiber sa katawan ay maaaring magdulot ng pananakit sa abdomen at utot. Hirap na tunawin ng katawan ang fiber pero ang mga bakterya sa colon mo ay may kakayahan at gumagawa sila ng gas sa proseso na ito.

Marahan na isama ito sa regular diet mo para unti-unting masanay ang tiyan mo at makagawa ng mga bakterya na kinakailangan para matunaw ang fibers na laman nito.

SOBRA KUNG KUMAIN


May ilang pagkakataon kung saan ang bloating ay dahil sa mga sangkap na ginamit sa pagluto o dahil na rin sa sobrang nakain.

Ang pagkain ng mabilis ay nagreresulta rin sa bloating dahil mas marami tayong nalalanghap na hangin at hindi nangunguya ng mabuti ang pagkain.

Ang pagkain ng regular small meals, ay makakatulong para mapigilan mo ang sobrang kumain.

STRESS


Halos lahat ng tao ay alam na ang stress ay sobrang nakasasama sa katawan. Pero napansin mo na ba na ang pagtaas ng stress ay nagpapalala din sa sintomas ng acid reflux?

Ang stress ay nakadaragdag sa produksyon ng cortixol, na isang stress hormone na nakaka-apekto sa kung paano tunawin ng katawan ang pagkain. Pero mabuti ring tandaan, na ang bloating ay maaari ding magbigay ng anxiety at kadalasan ay nangyayari sa mga tao na may panic attacks o disorder.

Tandaan:
Para mabawasan ang mga sintomas ng acid reflux, magsagawa ng ibat-ibang uri ng stress relieving techniques tulad ng meditation, yoga at kahit accupuncture.

PANINIGARILYO


Maraming uri na mga nakasasamang mga kemikal ang pumapasok sa katawan sa sandali na ikaw ay nagsigarilyo. Ang mga kemikal na ito ay nagpapahina sa muscles na nag-uugnay sa tiyan at lalamunan na siyang pumipigil sa pagbalik ng pagkain mula sa tiyan papuntang lalamunan.

Kung nasira ang mga muscles na ito ay magreresulta ito sa heartburn at maraming nakakulong na hangin sa tiyan na sa kinalaunan ay magiging sanhi ng paglobo ng tiyan.

Inaasahan namin na marami kayong natutunan sa artikulo na ito. Ipabasa rin ito sa iba para matulungan din sila.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments