ANG MGA HEALTH BENEFITS NG TUBIG SA PIPINO NA DAPAT NATIN NA MALAMAN

SPONSORED LINKS
Kung nauuhaw ka at hindi mo gusto ang lasa ng ordinaryong tubig, maaari mong subukan ang tubig na galing sa pipino na itinuturing din na isang healthy alternative na maiinom mo.



Maibabalik nito ang nawalang tubig sa katawan at marami din ito na nagagawa para sa ating kalusugan.

ITO ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT KA DAPAT UMINOM NG TUBIG NA GALING SA PIPINO:
PARA SA MALUSOG NA KALAMNAN O MUSCLES

Dahil sa silica na makikita sa pipino, ang mga connective tissues ay nanatili na malusog lalo na kung iniinom mo ang tubig na galing sa pipino sa araw-araw. Maglagay lamang ng ilang hiwa ng pipino sa isang bote na puno ng tubig at inumin ito habang nasa workouts para makuha mo ang mga kinakailangan ng mga mineral para sa iyong mga kalamnan.

MAGANDA ITO PARA IYONG BALAT
Bukod sa silica, mayroon ding mga malalakas na antioxidants ang pipino na kayang gawin na malambot at makinis ang ating balat at kutis. Kung may acne ka ay magagamit mo ang mga hiwa ng pipino na naibabad sa malamig na tubig para dito. Ang pamumula dahil sa acne ay mababawasan din kung lilinisin mo ang mukha mo gamit ang tubig sa pipino.

MALIIT LAMANG ANG CALORIES NITO

Ang tubig ay may taglay na 0 calories pero ang tubig sa pipino ay may 45 calories pero huwag kang mag-alala dito dahil ang ilang hiwa lang ay hindi makaka-apekto sa calories mo. Para lamang ito na pag-inom ng tubig pero nakakapaginhawa at nakakapresko ng katawan.


NILILINIS ANG KATAWAN

Nagiging sikat na ang tubig sa pipino dahil sa kakayahan nito na i-detoxify ang katawan. Isa ito sa pinakamabisa na full body cleanser na magagamit mo.

IBINABALIK NITO ANG NAWALANG TUBIG SA KATAWAN


Lahat tayo ay dapat hydrated sa maiinit na panahon. Maraming pakinabang para kalusugan kung mananatili kang hydrated at nasa wastong temperatura ang katawan at isa dito ay ang pagpapabuti ng kalagayan ng cardiovascular system.

NAGBIBIGAY ITO NG MARAMING ENERHIYA


Bilang kapalit ng mga sugary energy at caffeine drinks, ang tubig na galing sa pipino ay isang epektibong inumin para mabigyan ka ng maraming enerhiya at kasabay nito ay lilinisin din nito ang mga toxins sa loob ng katawan para maiwasan mo ang mapagod at mapabuti rin ang konsentrasyon mo.

MAY TAGLAY ITONG MGA BITAMINA AT MINERALS

Mabuti para sa katawan mo ang tubig pero wala itong laman na kahit anong mga bitamina o mineral na kinakailangan ng katawan mo. Ang tubig pipino ay tutulong na bigyan ka ng wastong dami ng mga bitamina at mineral na kailangan ng malusog na katawan. May ilang din na mga resipe na magagawa mo gamit ang tubig pipino kasama ang ibat-ibang mga prutas para mas marami kang makuha na antioxidants at bitamina.

Ang magandang balita ay ang cucumber water ay madaling magawa dahil maglalagay ka lamang ng ilang hiwa nito sa tubig. Maaari mo rin itong lagyan ng yelo, mint o maninipis na hiwa ng lemon.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments