BAKIT NGA BA MAY PROBLEMA SA PAGKAIN O PAGKUNSUMO NG HOTDOGS?

SPONSORED LINKS
Ang nitrites at nitrates ay ginagamit bilang preservatives, coloring at flavoring para sa mga cured meats katulad ng bacon, salami. sausages, ham, luncheon meats, hotdogs, corned beefs at iba’t iba pang uri ng processed meats.



Ang nitrites ay nalilikha dahil sa nitrates, ito ay isang natural na parte ng isang protina na kung tawagin ay amines. Ang chemical reaction na ito ay nakakabuo ng nitrosamines, na kilala bilang carcinogenic. Ang nitrosamines ay nabubuo sa nitrite o nitrite treated na mga karne at maging sa digestive tract ng mga tao.

Nagiging carcinogenic ang sodium nitrate kung ito ay nakapasok sa digestive system ng tao. Sa kinalaunan, ito ay nagdudulot ng pamumuo ng iba’t ibang klase ng nitrosamine compounds na humahalo sa blood streat at maaaring magdulot ng problema para sa internal organs ng tao katulad ng liver at pancreas.

Ayon sa IARC o International Agency for Research on Cancer, nirepaso ang mahigit kumulang sa 800 na pag-aaral na ginawa sa pagkunsumo ng red meats o mga karne kagaya ng sa baboy, baka, mutton, kambing, usa at kabayo at ang kaugnayan nito sa kanser. Mariin na binanggit din sa mga pag-aaral na ito ang mga kanser sa colon, pancreas, prostate at sa rectum. Ang mga pananaliksik na ito ang nagpakita sa relasyon ng nitrates sa stomach cancer. Nagdudulot din ito ng kanser sa esophagus na tumataas sa incidence dahil sa pagkain ng sobra ng tao sa mga red meats. Noong 2010, mga eksperto sa World Health Organization’s International Agency for Research on Cancer ay idineklara na ang kinain na nitrites at nitrates ay may posibilidad na maging carcinogenic.

Nag-iisip din ang California Office of Environmental Health Hazard Assessment kung isasama ang nitrites bukod sa amines o amides bilang isang uri ng carcinogen.


May ilang natural na pagkain kagaya ng spinach at ilang madahong gulay na may laman din na nitrates pero walang nakita ang mga pananaliksik tungkol sa kaugnayan nito sa kanser partikular ang stomach cancer.

Dahil dito ay subukan na bawasan ang pagkain sa mga tipo ng karne na mga ito. Pero base sa istatistika, maliit lang panganib na magkaroon ng kanser sa pagkunsumo sa mga processed, cured o red meats kung limitado ito pero sa kinalaunan ay maaari ding magdulot ng malubhang sakit na ito. Sa bawat 50 grams o 1.8 ounce ng process meat na nakakain mo ay nadadagdagan ng 18% ang tiyansang magkaroon ng colocteral cancer ang isang tao, ito ay ayon sa isang opisyal ng IARC na si Kurt Straif.

Hindi ito magandang balita para sa mga mahihilig kumain ng hotdogs, ham, sausage, bacons at iba pang klase ng mga processed meats o sa mga nagnenegosyo at sa mga gumagawa ng ganitong produkto na pinagkukunan nila ng kanilang kabuhayan. Pero hindi nito ibig sabihin na itigil mo na nang lubusan ang pagkain ng karne pero maaari lamang itong limitahan. Delikado lamang ito kapag ikaw ay nasosobrahan na kain sa araw-araw. May kaunting peligro pa rin kahit maliit ang nakakain mo pero sobrang liit ng tiyansa mong magkasakit ka dahil dito kaya huwag mag-alala ng sobra.

Ayon sa DOH o Department of Health, kailangan lang ng balanseng diet ng masasaganang pagkain kagaya ng prutas at gulay at kaunting karne dahil kailangan din ng tao ang protina na nanggagaling dito para sa enerhiya sa katawan. Sabayan ito ng pag-eeherisiyo ng madalas o pagkakaroon ng aktibong buhay at mapapangalagaan mo ng lubos ang iyong kalusugan.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments