COMPLETE GUIDE PARA SA MALUNASAN ANG DARK SKIN SA LEEG, SIKO, TUHOD AT KILIKILI

SPONSORED LINKS
Nakakahiya ang maitim na kilikili, tuhod, siko at leeg. May ilang tao na takot itaas ang kamay dahil maitim ang kanilang kilikili.



Ito ay umitim dahil sa mga pagkakamali habang nag-aahit o ang paggamit ng mga chemical hair removal creams at antiperspirants. Makapal ang balat sa siko at tuhod at mas marami itong folds o tiklop kesa sa paligid nitong balat.

Walang sweat glands sa mga bahaging ito kaya madalas ay tuyo sila kaya pag napabayaan mo ito ay siguradong iitim ang mga ito.

Ang maitim na leeg naman ay dahil sa pigmentaion issue na tawag na acanthosisnigricans at nangyayari kapag masyadong nabilad sa araw ang tao.

Basahin mo sa baba ang mga natural na solusyon para sa mga skin issues na ito:

HOME SOLUTIONS PARA SA DARK UNDERARMS:

1. Gatas

Ang vitamins at unsaturated fats sa gatas ay mabisa para sa maiitim na kilikili. Kapag naihalo ito sa curd, ang lactic acid ay gumagana bilang pampaputi ng maitim na kilikili.

Mga sangkap:


2 tablespoons ng flour.
1 tablespoon ng milk.
1 tablespoon ng curd.

Preparasyon:

Ihalo ang gatas, curd at flour hanggang magmasa. Ipahid ito sa kilikili at pabayaan ng 15 minuto. Hugasan ng tubig pagkatapos.

2. Cucumbers


Mabisa para sa balat ang cucumbers dahil sa bleaching properties nito. Habang ang lemon ay para mapakintab ang balat mo, ang cucumber ay para guminhawa ang balat at maalis din ang pangangati dito.

Preparasyon:

Ito ay kilala bilang ayurvedic cure kaya magagamit mo ito araw-araw. Ihalo ang cucumber juice sa lime juice at dagdagan ito ng turmeric juice. Ang lemon ay para maalis ang dead cells at ang cucumber ay magbibigay ng cooling effect at ang turmeric ang magpapaputi ng balat.

3. Chickpea flour mask

Ang chickpe flour mask ay para mapaputi ang kilikili at gumagana din bilang cleanser ng balat.

Mga sangkap:

1 tablespoon ng yogurt.
1 tablespoon ng lemon juice.
2 tablespoons ng chickpea flour.
1 pinch ng turmeric.

Preparasyon:

Paghaluin ang chickpea, yogurt, lemon juice at turmeric ng mabuti hanggang magmasa. Gamitin ang paste na ito sa kilikili at pabayaan ng 60 minuto. Pagkatapos nito ay hugasan ng tubig.

Paggamit:

Gamitin ito araw-araw sa unang dalawang linggo, pagkatapos nito ay gamitin ng 2 beses sa isang linggo para sa pinakamainam na resulta.


ANG PINAKAMABISANG NATURAL NA SOLUSYON PARA SA MAITIM NA SIKO AT TUHOD:

1. Sugar

Ang sugar granules ay pinakikinis ang balat at tinatanggal ang mga dead skin cells.

Paano gawin:

Paghaluin ang pantay na dami ng asukal at olive oil para makagawa ng paste. Gamitin ito sa tuhod at siko at ipahid gamit ang paikot-ikot na galaw sa loob ng 5 minuto.

Pagkalipas ng ilang sandali ay hugasan ito ng mainit na tubig at isang smooth cleanser.

Gawin ito 1 beses sa araw-araw hanggang pumuti ang tuhod at siko mo at pagkatapos nito ay maaari itong gawin ng 1 beses sa isang linggo para mapanatili ang epekto nito.

2. Lemon

Ang lemon ay mataas sa vitamin C at may mabisang peeling properties. Tinatanggal din nito ang dead skin cells at pinapabuti ang skin tone. Ginagamit din ito para mapanatiling masigla ang mga skin cells.

Paano gawin:


Gumamit ng lemon juice sa siko at tuhod at ipahid ito ng mabuti sa loob ng 2-3 minuto. Pabayaan ito ng 20 minuto. Hugasan ng mainit na tubig at gamitan ng moisturizing cream pagkatapos.

Maaari mo ring haluan ng 1 tablespoon na honey ang lemon juice at gamitin ito sa tuhod at siko. Pabayaan ng 20 minuto at hugasan ng tubig pagkatapos.

3. Almonds

Ang almonds ay mayaman sa skin-feeding properties para mapanatili ang even skin tone at masiglang balat. Ang almonds at almond oil ay parehas na mabuti para sa balat mo.

Paano gawin:

Pahiran ang mga apektadong parte ng warm almond oil ng 5 minuto bago matulog. Gawin ito 1 beses sa isang araw araw-araw at pagkalipas ng ilang araw ay makakakita ka na ng resulta.

Maaari mo ring ihalo ang 1-2 tablespoon ng coarsely powdered almonds sa kaunting yogurt para makagawa ng thick paste. Ipahid ito sa siko at tuhod at pabayaang matuyo. Sa puntong ito, gamit ang basa ng mga daliri ay masahihin ito gamit ang paikot-ikot na galaw.

Hugasan ito ng malamig na tubig pagkatapos. Gawin ito madalas sa loob ng ilang linggo.

ANG PINAKAMABISANG NATURAL NA SOLUSYON PARA MAITIM NA LEEG:

1. Baking soda
Ang baking soda ay para malinis at matanggal ang mga maiitm na parte ng balat. Ang pinaghalong baking soda at tubig ay mabisa para maalis ang hyper-pigmentation na nabubuo sa leeg.

Paano gawin:


Paghaluin ang 3 parts baking soda sa 1 part na tubig para makagawa ng isang thick paste. Gamitin ito sa leeg. Pabayaan at pagkalipas ng ilang minuto ay hugasan at patuyoin. Gawin ito 2 beses sa isang linggo.

2. Potatoes

Ang patatas ay mabisa para sa balat dahil sa laman nitong Catecholase.

Paano gawin:

Ipahid ang granulated na patatas o potato juice sa palibot ng leeg. Pabayaan ito ng 5 minuto at hugasan ng malamig na tubig pagkatapos.

Gawin ito ng 1 beses sa isang araw araw-araw hanggang makakakita ka ng resulta. Mabisa rin ito para sa skin inflammation at dark spots.

3. Aloe Vera


Ang aloe vera ay para sa tuyo na balat at para mapaputi ang dark skin areas at mabisa rin itong moisturizer. Mabisa rin itong cancer preventing agent at para mapanatili ang malusog na mga skin cells.

Paano gawin:

Pigain ang gel sa aloe vera leaf at ipahid ito ng marahan sa leeg. Pabayaan ito ng 20 minuto at hugasan ng tubig pagkatapos. Gawin ito araw-araw para mabilis na makakakita ng resulta.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments