HUWAG ITAPON ANG BALAT NG SAGING: 10 PARAAN KUNG PAANO MO ITO MAGAGAMIT!

SPONSORED LINKS
Maliban sa pagiging masarap nito ay marami rin na pakinabang ang saging sa kalusugan ng tao. Ito ay maraming laman na antioxidants, vitamins at minerals.



Ngunit marami sa atin ang itinatapon na lang ang kanilang mga balat dahil iilan lamang ang nakakaalam na marami para itong silbi.

PANANAKIT NG ULO

Pagdating sa sakit sa ulo, maglagay ng balat ng saging sa noo at sa likod ng leeg. Ito ay nakababawas ng sakit dahil marahil sa taglay na potassium sa balat ng saging.

KULUGO


Ipahid lamang ang panloob na parte ng balat ng saging sa mga bahagi ng katawan na may kulugo o maglagay ng kaunting mga piraso dito at talian ng benda para hindi matanggal. Mabilis nito na matatanggal ang mga kulugo na kasing bisa ng mga nabibiling mga gamot.

PSORIASIS

Dahil sa taglay nito ng mga minerals at antioxidants, ang balat ng saging ay tumutulong para maprotektahan laban sa pagkasira ang balat galing sa init ng araw at panatilihin itong malambot.

Mabisa rin ito para sa eczema at psoriasis dahil sa laman nito ng esterified fatty acids.

Gumamit lamang ng balat ng saging sa apektadong parte ng 1-2 beses araw-araw at ang epekto nito ay makikita pagkalipas ng ilang araw lamang.

KATI AT PANTAL


Kung nakagat ka ng insekto o nagkaroon ng iritasyon sa balat mo dahil sa dumikit dito, ang paghibo ng balat ng saging sa apektadong parte ng balat ay makakatulong para mabawasan ang pangangati sa anit.

Tandaan na babawasan lamang nito ang kati pero hindi nito kayang solusyunan ang ugat ng problema tulad ng mga langis na iniiwan ng mga nakakalason na halaman sa balat mo.

HEMORRHOIDS


Ang balat ng saging ay makapagpapaginhawa sa namamaga na balat at babawasan din ang pangangati nito. Maghibo lamang ng balat ng saging sa apektadong parte ng balat sa loob ng 1 minuto at gawin ito uli ng 2 beses araw-araw.

Giginhawa lamang ang pakiramdam mo dito pero hindi ito panlunas para sa hemorrhoids, kung nagpatuloy ito ay magpasuri kaagad sa doktor.


TANGGALIN ANG TINIK

Natusok ka ba ng tinik? Huwag kaagad abutin ang tweezers at maaari mong gamitin ang balat ng saging para dito. Lagyan ng tape ang balat ng saging na nakapatong sa tinik at pabayaan ito ng 5-10 minuto. Ang taglay nito na enzymes ay tutulong para maalis ang tinik at humilom ang sugat.

COMPOST

Lagyan ng balat ng saging ang compost pile mo para madagdagan ito ng calcium, magnesium, sulfur, phosphates, potassium at sodium.

Lahat ito ay important para sa malusog na mga namumulaklak na halaman at tinutubuan ng prutas.

Ang saging sa compost ay makakatulong din para madagdagan ito ng healthy organic material na magbibigay ng kakayahan sa compost na sumipsip ng tubig at mas magiging magaan ang lupa kapag ginamit mo na ito para iyong garden.

BANISH GARDEN BUGS


Ang aphids ay madalas na makikita mo sa hardin at sadyang nakaka-inis ang mga ito.

Para mapalayas ang mga ito na hindi gumagamit ng kemikal ay maglagay lamang ng mga piraso ng balat ng saging sa mga 1 inch na butas sa paligid ng mga aphid-infested na halaman mo.

Hindi nila gusto ang potassium kaya aalis ang mga ito sa maikling panahon lamang.

NATURAL SHOE POLISH

Maaari mong gamitin ang balat ng saging bilang isang natural polisher para sa leather boots, dress, shoes o heelts. Kung nagawa mo na ito ay puwede mong linisin ang sapatos mo gamit ang malinis na tela pagkatapos.

Ang potassium at ang mild-waxiness sa balat ng saging ay nasisipsip sa leather at tumutulong para mabawasan ang itsura ng pagkasira ng leather apparels mo.

PAKINTABIN ANG SILVERWARES MO

Ang langis sa balat ng saging ay makakatulong para mapakintab muli ang silver kahit hindi na gumamit ng matatapang at mga toxic na substances.

Gumawa ng isang masa sa paghalo ng ilang balat ng saging at sariwang tubig sa isang blender. Gamit ang isang malambot na tela, basain ito gamit ang pinaghalo mo para mapakintab muli ang silver jewelry mo, mga dish ware o kahit ano pa na gawa sa silver sa loob ng bahay mo.

Kung natapos mo na itong gawin ay hugasan ang silver mo ng mainit na tubig at isang malinis at tuyo na damit.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments