ITO KUNG BAKIT NAKARARANAS KA NG LEG CRAMPS SA GABI (AT KUNG PAANO ITO PIGILAN NA MANGYARI ULI)

SPONSORED LINKS
Ang pananakit sa paa sa gabi ay maaaring isang leg cramp o nocturnal leg cramp. Pwede nito tayong gisingin sa kalagitnaan ng gabi at dahil ito sa kawalan ng aktibidad ng ating katawan. Kadalasan ang sakit ay nasa binti pero umaabot din ito sa hita at paa.



Ang tagal ng pananakit ay magkaiba ay maaaring magtagal ng ilang segundo at minsan ay ilang minuto. Kapag naglipas na ito ang pananakit ng kalamnan ay maaaring manatili pa hanggang umaga. Ang lalake at babae ay pwedeng maranasan ito at ito ay karaniwang nangyayari sa mga tao na may edad na 50 pataas.

Ang leg cramps sa gabi ay magkaiba sa restless leg syndrome.
Ang RLS ay ang pagkabalisa o crawling feeling sa paa.
Ang RLS ay hindi nagdudulot ng kirot hindi tulad ng nocturnal leg cramps.

Ang RLS ay hindi mapigilang pagkilos ng paa at ang nocturnal leg cramps ay ang kawalan ng kakayahan na maikilos ito.

ANG MGA DAHILAN AT RISK FACTORS NG LEG CRAMPS SA GABI

Ang eksaktong dahilan ng nocturnal leg cramps ay kadalasang hindi matukoy pero ito ang ilan sa mga alam na dahilan at risk factors kung bakit ito nangyayari:

Sobrang exertion ng muscles sa paa
Nakatayo o nagtratrabaho sa concrete floors
Naka-upo ng matagal
Naka-upo ng hindi wasto ang posisyon
Pag-inom ng alak

MAY ILANG KONDIYON NA MEDIKAL RIN NA MAAARING MAGDULOT NITO TULAD NG:

Pagbuntis
Structural disorders tulad ng flat feet
Endocrine disorders tulad ng diabetes
Diuretics, statins, beta agonists
Dehydration
Parkinson’s disease
Neuromuscular disorders



MGA PANLUNAS PARA SA NOCTURNAL LEG CRAMPS


Use horse chestnut, which has been shown to increase blood flow to the legs.

Ang lunas para sa leg cramps ay depende sa dahilan kung bakit ito nangyari. Kung dahil ito sa dehydration ay subukang uminom lamang ng maraming tubig.

Siguraduhin din na wasto ang antas ng magnesium o potassium sa katawan mo dahil ang kakulangan nito ay magiging sanhi ng muscle cramping.

Unatin ang paa bago humiga sa kama.
Mag-water exercises para mapalakas ang leg muscles.
Sumuot ng ergonomic shoes at iwasan ang high heels
Gumamit ng horse chestnut para mapabuti ang daloy ng dugo sa paa.
Subukang mag-relax, maligo sa maligamgam na tubig bago matulog para mapaginhawa ang mga kalamnan
Gumamit ng heating pad sa mga apektadong parte ng katawan.
Subukan ang acupuncture treatment para mapaluwag ang mahigpit na mga leg muscles.

ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG NANGYARI ANG CRAMPING?

Kapag nangyari ito sa gabi ay baka hindi ka na makakilos ng maayos dahil dito kaya mahalaga na malaman mo kung ano ang gagawin para mapabuti ang sitwasyon mo.

Habang nakaupo sa sahig ay hatiin ang dalawang paa. Unating ang iyong paa at lower legs at subukang itutok ang mga daliri ng paa mo sa iyong tuhod – maaari mo hilahin ang paa mo para magawa mo ito.

Marahan na tumayo at maglakad-lakad ng kaunti – ang paggalaw sa iyong paa ay makakatulong sa daloy ng dugo dito.

Masahihin ang apektadong parte gamit ang paikot na galaw.
Tiyakin na malapad ang kumot para maunat na mabuti ang paa.
Gumamit ng 1 tablespoon ng yellow mustard para mabawasan ang pananakit.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments