LIMANG (5) HEALTHY HABITS PARA MAIWASAN ANG STROKE AT ATAKE SA PUSO

SPONSORED LINKS
Kapag nakaranas na ng atake sa puso o stroke ang isang tao ay namumulat sila sa katotohanan na dapat nga talaga na palaging pangalagaan ang kalusugan para humaba pa ang buhay.



Nangyayari ang stroke dahil sa bara sa ugat na nagdadala ng dugo sa utak. Ang pagkakaroon ng maraming masasamang bisyo ay isang malaking dahilan kung bakit nangyayari ito sa isang tao. Gayunman, ang kalubhaan nito ay paiba-iba sa mga tao, at karamihan sa kanila ay hindi napapansin ang mga sintomas hanggang huli na ang lahat. At ang pinakamabisang paraan para maiwasan ito ay kung babaguhin mo kung paano ka nabubuhay, mga kinaugalian mo, mga kinakain at iniinom mo ay lahat ng ito ay dapat repasuhin at tanggalin lahat ng bisyo na maaaring makasama sa iyong kalusugan.

BAWASAN ANG BLOOD PRESSURE


Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na ang blood pressure ay malaki ang epekto sa ating kalusugan. Ang mataas na blood pressure ay magdodoble sa tiyansa mong magkastroke. Ang wastong blood pressure ay hindi sosobra sa 135/85 pero maaari ka pa ring umabot ng 140/90 dahil ligtas ka pa rin dito.

Para mapababa ang blood pressure, iwasan ang mga pagkain na matataas sa kolesterol. Bawasan din ang maasim na pagkain at takdaan lamang ito sa hindi sosobra sa 1 teaspoon a day o mas kaunti pa dito tulad ng 1,500 milligrams. Ang madalas na pag-eehersisyo din ay susi para mabilis na mapababa ang mataas na blood pressure. Gawin ito ng mga 30 minuto araw-araw kung posible. Kumain ng 4-5 tasa ng gulay at prutas araw-araw. Sa halip na kumain ng karne ng baboy ay kumain ng lamang ng laman ng isda ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggoi. Bawasan din ang pagkunsumo sa mga dairy products at isama ang whole grains sa diet mo.

BAWASAN ANG PAG-INOM NG ALAK


Walang makukuhang mabuti sa pagiging alcoholic, kaya iwasan na lamang ang bisyo na ito. Hindi lamang stroke ang maaaring ibigay sa iyo nito kundi marami pang mga sakit sa katawan. Maaari ka pa rin na uminom pero ibaba ito sa 1 drink per day para mabawasan ang tiyansa mo na magkastroke. Pero tandaan na kahit maliit ito ay sa kinalaunan ay magkakaroon pa rin ito ng epekto.



IWASAN O TIGILAN ANG PANINIGARILYO


Dahil sa ginawa ng maraming health organizations at mga gobyerno na tumulong sa kanilang kampanya ay marami ng tao ang kombinsido na tumigil ng paninigarilyo. Matindi ang panganib na maidudulot ng paninigarilyo sa ating kalusugan lalo na sa respiratory system ng ating katawan. Ang pagkakasakit ng isang tao dito ay depende sa dami ng kanyang nauubos na sigarilyo araw-araw at sa kondisyon ng kanyang katawan, lahi o genetic makeup. Ang paninigarilyo ay patataasin ang tiyansa mo sa stroke ng 200-400%. Ang mga hindi naninigarilyo ay dapat din na iwasan na malapit sa isang naninigarilyo dahil ang second hand smoking ay mas delikado.

MAG-EHERSISYO NG KAHIT MGA 30 MINUTO LANG ARAW-ARAW

Ang katawan natin ay tulad ng kahit anong kagamitan, kung hindi ito nagagamit ay unti-unti lamang itong masisira. Ang pag-eehersisyo ay mabuti para sa ating kaisipan at katawan. Pero sa kaso na ito ay hindi pagpapayat ang nais mo kung hindi panatilihin lamang na aktibo ng katawan para palaging nasa wastong baba ang blood pressure. Dahil dito ay maiiwasan mo ang pagkakaroon ng stroke. Kahit anong klase na pag-eehersisyo ang gawin mo tulad ng paglakad, pagtakbo, paglangoy o mga exercise routine na nakasanayan o gusto mo.

KUMAIN NG MASISIGLANG PAGKAIN


Ang well-balanced diet ay mabuti para sa katawan. Iwasan ang mga processed foods dahil puno ito ng preservatives at kung maaari ay kumain ng maraming gulay at prutas na may kaunting karne. Kung mas natural ang mga sangkap na gagamitin mo ay mas mainam ito para sa katawan at bubuti pa ang iyong kalusugan.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments