MAAGANG MGA SINTOMAS NG KIDNEY DISEASE AT PAANO MAPANATILING MALUSOG ANG KIDNEYS

SPONSORED LINKS
Ang kidneys ay importante sa mabuting kalusugan ng katawan. Inaalis nila ang toxins sa katawan para hindi ito maipon at magdulot ng mga sakit.



Kahit anong uri ng pagkasira ng kidney ay magreresulta sa akumulasyon ng toxins sa katawan.

ANG KIDNEYS AY MAHALAGA PARA SA:

Water level balancing: Isa sa mga ginagawa ng kidneys ay ang synthetic breakdown ng ihi pero kapag kulang ng tubig sa katawan ay pinapabayaan muna nito ang tubig sa halip na gawin itong ihi.

Waste disposal: Ang kidneys ay inaalis ang toxins, excess salts at urea (isang uri ng nitrogen-based waste na gawa dahil sa cell metabolism). Ang urea ay dumadaan sa atay at dumadaloy sa dugo patungo sa kidneys para lumabas sa katawan bilang ihi.

Red blood cell regulation:
Kung kulang ang kidneys sa oxygen, gumagawa sila ng hormone na erythropoietin para gumawa ng mas maraming oxygen-conveying red blood cells ang bone marrows.

Blood pressure regulation: Para masala ang dugo, dapat palaging may pressure sa kidneys at kapag bumaba ito ay tinataasan nito ang blood pressure.

Acid regulation: Kapag nag-metabolize ang cells ay lumalabas ito ng acids at pinangangasiwaan ng kidneys ang antas nito sa katawan.

KIDNEY DISEASE

Ang sakit sa kidney nangyayari dahil sa maraming sitwasyon tulad ng diabetes, contamination at hypertension. Ang hypertension ay nagdudulot ng kidney infection kapag lumala ito.

Ito rin ay namamana kaya mas mataas ang tsansa mong magkaroon ng sakit sa kidney kung marami sa pamilya mo ang nagkaroon nito. Ang pag-inom, paninigarilyo, pag-abuso sa medikasyon, unhealthy diet at kawalan ng ehersisyo ay nakapagpataas ng posibilidad ng magkaroon ng sakit na ito.

MAAGANG INDIKASYON NG SAKIT SA KIDNEYS

Madalas ang sakit na ito ay kalimitang napapansin kung nasa late stages na.


Ang maagang mga sintomas nito ay mahirap sabihin na may kaugnayan sa sakit sa bato kaya madalas na isinasawalang bahala ng maraming tao.

Ang mga sintomas at side effects ng pagkasira ng kidneys:


Pagbago ng kulay ng ihi (tulad ng pagdurugo)
Hirap sa pagtulog
Pagkahilo at pagsusuka
Pagkapilay at panghihina
Hirap sa konsentrasyon at pag-isip
Pananakit ng likod partikular sa bahagi kung saan nakalagay sa loob ang kidneys
Indigestion
Kawalan ng gana sa pagkain at metallic na lasa sa bibig
Kawalan ng hininga
Pantal sa balat at panginginig
Poor circulation
Muscle spasms
Hiccups
Pamamaga ng hita at paa
Poor circulation

Kung naranasan mo ang ilan sa sintomas na ito ay magpasuri kaagad sa isang espeyalista para hindi ito lumala.

PAANO MAPANATILING MALUSOG AT MAPATIBAY ANG KIDNEYS?


Seryosong sakit ito at kapag nasira ito ay matindi ang magiging epekto nito sa katawan mo. Mahalagang mapanatili mo itong malusog at mabuti ang kalagayan dahil kapag nasira ito ng lubos ay hindi na ito kayang lunasan pa.

1. Baguhin ang diet. Bawasan ang cholesterol at saturated fat intake.
2. Iwasang hindi kumain para lamang pumayat.
3. Bawasan abg sodium at potassium intake.
4. Kumain ng prutas tulad ng watermelons, apples at berries.
5. Bawasan ang protein intake o pagkain ng maraming karne.
6. Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para sa wastong hydration.
7. Pagbago sa uri ng pamumuhay. Panatilihin na nasa 130/80 ang blood pressure dahil mahalaga ito sa mabuting pagtakbo ng mga bato.
8. Kung kulang ka sa calcium at vitamin D ay gumamit ng supplements.
9. Iwasan ang paggamit ng painkillers at steroids.
10. Mag-ehersiso ng madalas para maiwasan ang diabetes, obesity at hypertension dahil nakaka-apekto ito sa kalusugan ng mga kidneys mo.
11. Iwasan ang alak at paninigarilyo at mga masasamang bisyo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments