MADALING PARAAN PARA MATANGGAL ANG MANTSA SA MGA DAMIT AT MAIBALIK ANG DATING PUTI NITO

SPONSORED LINKS
Hindi maiiwasan na magkaroon ng mantsa ang ating damit sa pangaraw-araw natin na gawain, lalo na kung tayo ay kumakain o umiinom at minsan ito ay natatapon papunta sa ating kasuotan.



Mahirap tanggalin ang mga mantsa at gagamit ka pa ng mga detergent o bleaching products na may mga kemikal na baka makasira sa kulay ng mga damit mo.

Pero minsan kahit gumamit ka na ng pinakamahal na mabibili na sabong panglaba o detergent ay hindi pa rin maalis-alis ang mga mantsa na ito. At sa sobrang paggamit nito ay makaka-apekto na sa kulay ng mga damit na nilalabhan mo.

Kesa bumili ng mga mamahaling mga sabon at bleaching agents ay subukan ang isang alternatibong solusyon na makikita lang sa loob ng bahay mo. Ang ilan dito ay makikita lang sa kusina mo. Ang mga natural na sangkap na ito ay sobrang epektibo sa pagtanggal ng mga mantsa at wala pa itong laman na kemikal na makasasama sa kalidad ng mga damit mo.

Mababasa mo sa baba ang ilang mga paraan kung paano gamitin ang mga natural na sangkap na ito para matanggal ang mga mantsa sa kasuotan:

ASPIRIN

Ang aspirin ay kilala na panlunas para sa sakit sa ulo at iba pang sakit. Pero alam mo ba na magagamit mo ito para linisin ang damit mo?

Kumuha ng isang plastic basin at punuin ito ng tubig. Durugin ang 6 tableta ng aspirin bago ilagay ito sa tubig. Ibabad ang mga damit dito at pabayaan ng halos kalahating oras. Banlawan ang damit ng tubig at sabon pagkatapos. Mapapansin mo kaagad na wala na ang mga mantsa ang bumalik na sa dating puti ang damit mo.

BAKING SODA

Ang baking soda o sodium bicarbonate ay isang sikat na panlunas at marami rin itong kagamitan pagdating sa paglinis ng ibat-ibang bagay sa loob ng bahay.

Maglagay ng halos 4 litro ng tubig sa isang plastic na lalagyanan at dagdagan ng baking soda. Haluin itong mabuti hanggang matunaw ng lubos ang baking soda. Ibabad ang damit dito pagkatapos at pabayaan ng ilang minuto bago ito banlawan.

LEMON AT SUKA

Gamitin ito ng sabay para mapaputi ang damit at matanggal din ang mga mantsa.

Ihalo ang magkapantay na dami ng lemon at vinegar. Banlawan ang damit gamit ang pinaghalo na ito at matatanggal na ang mga mantsa at puputi ang damit mo na parang bago. Magiging mabango din ang damit dahil sa sangkap na lemon.

Ang lahat na ito ay lubos na natural at ligtas. At dahil wala itong laman na mga matatapang na kemikal ay hindi ito makakasira sa mga kasuotan. Maaari mong subukan ang lahat para malaman mo kung ano ang madali para sa iyo na gawin pero lahat ng ito ay sadyang napaka-epektibo.
SPONSORED LINKS

0 comments