MAHALAGANG UMIHI PAGKATAPOS MAKIPAGTALIK AT HETO KUNG BAKIT!

SPONSORED LINKS
Kung gusto mong pahalagahan ang sekswal na relayon ng asawa o partner mo ay kailangan mo ng mabuting kalusugan.



Ang isang simpleng bagay tulad ng pag-ihi pagkatapos ng isang pagtatalik ay mahalaga para sa iyong kalusugan at nilalabanan nito ang mga sakit na maaaring maka-apekto sa iyong kalusugan.

Kung nakipagtalik ka, ang mga micro-organisms ay maaaring makapasok sa ari at rectum mo o maipon sa urethra na magdudulot ng sakit sa bladder. Ito ang isa mga pangunahing dahilan ng impeksyon sa urinary tract pagdating sa kababaihan. Ito ang dahilan kung bakit ipinapayo ng mga eksperto na umihi pagkatapos makipagtalik.

Hindi katulad ng sa mga lalake, ang female discharge ay hindi nangyayari sa urethra kaya mahalaga na umihi sila para maalis lahat ng nakasasamang mga particles o organisms na nakapasok dito. Importanteng umihi ka sa loob ng 45 minuto pagkatapos makipagtalik.

Mas mabuti rin kung gumamit ng condom ang mga lalake para mas maging ligtas sa nakahahawang mga sakit.

Ang pag-ihi pagkatapos ng pakikipagtalik ay importante para sa kalagaran ng urinary tract at para na rin sa buong kalusugan mo. Para naman sa mga babae na madaling tablahan ng cystitis, ang paligid ng ari ay dapat hugasan ng tubig at pH cleanser pagkatapos ng sekswal na interaksyon.
SPONSORED LINKS

0 comments