MGA DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT KANG MAGTANIM NG MAS MARAMI NA JEWEL WEED O KAMANTIGUE SA BAKURAN MO

SPONSORED LINKS
Ang kamantigue o kilala rin bilang Garden Balsam ay nagmula sa South at Southeast Asian na mga bansa. Ito ay karaniwang itinuturing nga isang Philippine medicinal herb.



Ito ay nakapagbibigay ng maraming pakinabang para sa kalusugan at bukod dito ay maaari pang kainin. Ang mga dahon nito ay puwedeng lutuin at ang buto nito ay maaaring kainin ng hilaw o niluto.

MGA ALAMAT NG HALAMAN NA ITO

Sa Pilipinas, ang dinikdik na dahon nito ay magagamit bilang poultice para matuaw ang whitlow.
Sa Malaya, ginagamit ang dahon nito bilang benda para sa mga nabali o nasira na mga kuko.
Sa China, ang giniling na buto nito ay nirereseta para sa may mabibigat na mga trabaho.
Ang bulaklak nito ay ginagamit din para sa kagat ng ahas, lumbago at kahit sa intercostal neuralgia.

Para sa mga pasa, pamamage, pananakit ng mga kasukasuan, carbuncles, dysmenorrhea, lumbago at kagat ng ahas, magagamit mo ang tuyo na bulaklak nito at mga buto. Karaniwan itong pinakukuluan bagot gamitin.

Ang buto nito ay ginagamit din na panlunas para sa epekto ng cancer treatments.

Para sa panlabas na kagamitan o sa kahit anong pasa o pananakit sa balat, durugin lamang ang sariwang halaman nito at gamitin ito bilang benda sa apektadong parte ng katawan.

Magagamit ang dahon nito para sa mga kulugo.

Ang ugat at dahon nito ay magagamit para sa mga kakaibang mga nilunok tulad ng mga barya, bakal o tinik ng isda.

Sa US, ito ang madalas na gamitin na tipo ng jewel weed para gawan ng lunas ang pagpapantal ng balat dahil sa poison ivy.

IBA PANG KAGAMITAN NG KAMANTIGUE

Magagamit din ito bilang dye na gawa mula sa bulaklak at dahon nito. Sa ilang parte ng Asya, ang bulaklak nito ay ginagawang pampalit sa Henna o mga pangkulay ng kuko.
SPONSORED LINKS

0 comments