PAANO MAPAPUTI ANG MAITIM NA BALAT SA PUBIC AREA AT SA GINTA NG MGA HITA (1 INGREDIENT NA MGA RESIPE)

SPONSORED LINKS
Ang kondisyon na ito ay tinatawag na Acanthosis Nigricans at makikita ito kadalasan sa mga matatabang tao lalo na sa mga maiitim ang balat.



Minsan ito ay indikasyon ng isang sakit at ang totoong dahilan nito ay hindi pa lubos na natutukoy. Ang mga tao na may type 2 diabetes ay madalas mayroon ng ganitong kondisyon. Mahirap masabi na mayroon ang isang tao ng ganitong uri ng sakit pero ito ay maaaring sanhi ng hormonal imbalance, tumors at hereditary factors.

PAANO ITO NANGYAYARI?

Ang parte ng katawan na madalas mangyari ito ay ang pubic regions at saka sa gitna ng mga hita pero maaari din itong makita sa ibang parte ng katawan lalo na sa mga bahagi na tumitiklop tulad ng siko at tuhod. Ang pagbabago ng kulay sa balat ay kayumanggi na mas makapal. Walang pananakit itong naidudulot pero ang ibang tao ay nakararanas ng pangangati at pagtuklap ng balat. Kung naranasan mo ang mga sintomas na ito ay magpasuri sa isang dermatologist.

Paano mapaputi ang maitim ng pubic region

ALOE VERA

Ang aloe vera ay isang skin lightener pero gumagana din ito bilang moisturizer.
Mabisa din ito bilang isang cancer prevention agent at nagpapasigla sa mga skin cells.
Pigain ang gel sa aloe vera leaf
Gamitin ito sa pubic area. Pabayaan ng halos 20 minuto.
Hugasan ng tubig pagkatapos.
Gawin ito ng 1 beses sa isang araw araw-araw para mabilis na makakita ng resulta.

BAKING SODA

Ang baking soda ay isang mabisang skin exfoliant at nililinis nito ang balat at tinatanggal ang mga maitim at pangit na mga marka.


Ang pinaghalong tubig at baking soda ay mabisa para matanggal ang hyper-pigmentation na nabubuo sa paligid ng pubic area.

Ihalo ang 3 parts ng baking soda at 1 part ng tubig para makagawa ng isang paste.
Gamitin ito sa pubic area at pabayaan hanggang matuyo.
Hugasan ito ng tubig pagkatapos ng 2-3 minuto.
Gawin ito ng 2 beses bawat linggo.

LEMON

Ang lemon ay may peeling property at mayaman din ito sa vitamin C na tinatanggal ang dead skin cells at nagpapabuti sa skin tone. Mabisa din ito para makarekober ang mga healthy skin cells.

Gumamit ng lemon juice sa pubic area at ipahid ito ng marahan dito ng 2-3 minuto. Pabayaan ito ng 20 minuto. Hugasan ng maligamgam na tubig at gamitan ng moisturizer pagkatapos.

Maaari mo ring ihalo ang 1 part lemon juice sa 1 tablespoon ng honey at gamitin ito sa pubic area at pabayaan ng 20 minuto. Hugasan ng tubig pagkatapos.

CUCUMBERS


Ang cucumber ay mabisang pampaputi ng balat. Puwede mo ring ihalo ito sa lemon juice para mapalakas ang epekto nito. Ang lemon ay para mapakintab at mapakinis ang balat at ang cucumber naman ay para guminhawa ang pakiramdam ng balat.

Ihalo ang lemon juice sa cucumber juice at maglagay din ng turmeric juice dito. Ang lemon ang nagpapakintab sa balat at nagtatanggal ng mga dead skin cells, ang cucumber ang nagpapaginhawa sa balat at ang turmeric ang nakaka-apekto sa kulay nito. Ito ay ayurvedic cure kaya maaari mo itong gamitin araw-araw.

Pwede mo rin na gamitin ang cucumber juice lamang para mapaputi ang maitim na balat.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments