SAMPU (10) NA PAKINABANG NG SAYOTE NA MARAMI SA ATIN ANG HINDI ALAM

SPONSORED LINKS
Ang sayote ay matagal nang kilala dahil sa kakaiba nito na hugis, at ang maputla na berdeng kulay nito kasabay ang mga malalalim na linya na nakaukit sa balat nito.



Ito ay isang pangkaraniwang sangkap para sa mga masasarap na pagkain pero alam mo ba na marami din ang magagawa nito para sa ating kalusugan tulad ng pangangalaga ng ating puso at pigilan ang pagkakaroon ng kanser?

Ang sayote ay kilala din bilang Sechium Edule at karaniwang inihahanda sa kusina bilang gulay pero sa katotohanan ito ay isang prutas.

Meron itong malutong at maasim na laman na maaaring kainin ng hilaw o luto.
Sa buong mundo, kilala rin ito sa mga pangalan na merliton, christophene at chowchow.
Ito ay miyembro ng pamilya ng kalabasa na tinatawag din ito na “vegetable pear”.

MABABASA MO SA BABA ANG 10 HEALTH BENEFITS NG SAYOTE NA MAGPAPAHANGA SA IYO:

BINIBIGYAN NG ENERHIYA ANG KATAWAN (MANGANESE 9%)

Simulan ang araw ng isang almusal na sayote omelet. Ito ay may laman na manganese na tumutulong sa katawan para gawin na enerhiya ang protina at taba.

PAGINHAWAIN ANG PAGOD NA MGA HITA AT PAA (POTASSIUM 4%)

Kung madalas na napapagod ang iyong mga paa ay kinakailangan nito ng potassium. Kumain ng mga pagkain na mayaman sa potassium para maiwasan ang ganitong sitwasyon.

MABUTI ITO PARA SA PUSO (FOLATE 23% DV)

Ang sayote ay puno ng folate, isang vitamin B na makakatulong para maiwasan ang akumulasyon ng homocysteine. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang sobrang dami ng amino acid na ito sa dugo ay may kaugnayan sa mas mataas na panganib mula sa sakit sa puso at stroke.

MABUTI PARA SA UTAK (VITAMIN B6 4%)


Ang mga kalahok sa isang pag-aaral na ginawa sa sayote ay nagpakita na ang vitamin B6 ay nakakabuti sa takbo ng utak at memorya sa ilang age groups.


PROTEKSYON LABAN SA CONSTIPATION (FIBER 7%)

Kung kailangan mo ng fiber, idagdag lamang ang prutas na ito sa madalas mong kainin.

MAKAKATULONG PARA MAIWASAN ANG PAGKAKAROON NG ACNE (ZINC 5%)

Ang sayote ay magandang mapagkukunan ng zinc, isang mineral na kilalang may impluwensiya sa mga hormones na nangangasiwa sa produksyon ng langis sa balat.

PINAPANATILING MASIGLA ANG THYROID


Tinutulungan nito ang iodine para mapanatiling masigla ang thyroid sa pagbigay dito ng copper, isang mineral na may kaugnayan sa thyroid metabolism, lalo na sa produksyon at absorption ng mga hormones.

PIGILIN ANG PAGLIIT NG BUTO (VITAMIN K)

Nagbibigay ito ng vitamin K na may kaugnayan sa osteoporosis.

MAAARING MAPIGILIN ANG KANSER (VITAMIN C 13%)

Ang vitamin C ay kilala bilang isang malakas na antioxidant, ito ay ipinagtataggol ang mga cells laban sa mga pagkasira na dulot ng free radicals. Maraming pag-aaral ang nagsabi na ang mga antioxidants ay maaaring mapabagal o mapigilan ang paglaki ng kanser.

PANLUNAS SA LEG CRAMPS (MAGNESIUM 3%)

Ang sayote ay may laman na magnesium, isang electrolyte at mineral na nakakatulong para iwasan ang pagkakaroon ng leg cramps.

Umaasa kaming ang maikli at puno ng impormasyon na artikulong ito ay nakatulong sa inyo, ipasa lamang ito sa iba para matutunan din nila ito at makatulong din sa kanila. Maraming salamat!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments