4 BAGAY NA MAGAGAWA MO PARA MATANGGAL ANG TARTAR, GINGIVITIS AT PARA MAPAPUTI ANG IYONG NGIPIN

SPONSORED LINKS
Ang kalusugan natin ay importante para mapanatili ang magandang kondisyon ng ating katawan, maliban sa magandang itsura ang kalusugan ng bawat tao ay dapat isaalang-alang kung ayaw nilang magkasakit dahil sa mga bakterya o toxins na nakakapasok sa katawan.



Ang bunganga natin ay isang parte ng katawan na dapat mong bigyan ng pansin pagdating sa kalinisan nito. Mahalagang tandaan na ang lahat na bitamina, mineral at nutrisyon na nakukuha ng katawan mo galing sa pagkain ay dahil sa tungkulin ng iyong bunganga. Lahat ng kinakain mo sa kinalaunan ay magkakaroon ng epekto sa iyong katawan katulad na lamang ng tartar at cavities na nanatili sa loob ng iyong bunganga.

Sa artikulo na ito, mababasa mo ang mabisang paraan para matanggal ang tartar at cavities sa pamamagitan ng pagsira sa ugat ng problema na ito at para hindi na rin ito bumalik.

MGA SANGKAP:


1 tablespoon na baking soda
½ teaspoon na asin
½ cup na hydrogen peroxide
Antiseptic mouthwash
Mainit na tubig
Toothbrush


PREPARASYON:

STEP 1:

Ang una mong gagawin ay paghaluin ang baking soda at kalahating kutsarita ng asin sa isang tasa. Kapag naihalo na sila ng mabuti ay ibabad ang toothbrush sa mainit na tubig at isawsaw ito sa pinaghalo mo kanina. Gamitin ito para sipilyuhin ang ngipin at idura ito pagkalipas ng ilang segundo. Gawin ito uli ng mga 5 minuto.

STEP 2:

Paghaluin ang kalahati sa tasa na hydrogen peroxide sa kalahati sa tasa na mainit na tubig at gamitin ito na pangmumog ng hindi kukulang sa 1 minuto. Idura at magmumog ng kalahati sa tasa ng malamig na tubig.

STEP 3:

Kakailanganin mo ng floss para dito; lilinisn mo ang tartar na makikita sa iyong ngipin. Marahan mo itong gawin para hindi masugat ang gums mo.

STEP 4:


Sa huli, gumamit ng antiseptic mouthwash para linisin ng maigi ang loob ng bunganga.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments