SPONSORED LINKS
Ang stroke ay nararanasan ng isang tao dahil ang nahinto ng lubusan ang daloy ng dugo sa kanilang utak at nagsisimula nang mamatay ang mga brain cells dito. Hindi lamang ito nangyayari sa mga matatanda dahil ang kadalasan na napupunta sa ospital dahin dito ay mga tao na nasa 65 pababa ang edad.
Ang high blood pressure, mataas na kolesterol at paninigarilyo ay ilan lamang sa puwedeng maging mitsa ng karamdaman na ito.
ITO ANG 5 WARNING SIGNS NG STROKE BAGO ITO MANGYARI:
PANGHIHINA NG MGA BRASO AT KAMAY
Ang mga tao na nakakaranas ng stroke ay kadalasang nawawalan ng pakiramdam sa kanilang katawan at ito ay madalas din na sa isang panig ng katawan lamang. Ang WebMD ay nagrekomenda na tanungin ang apektadong tao na itaas ang kanilang kamay sa taas ng kanilang ulo. Kinaya ba nila ito? O mas mababa ang isang kamay kompara sa kabila?
MATINDING PANANAKIT NG ULO
Ang biglaan at matinding pananakit ng ulo ay indikasyon ng stroke, lalo na kung kasama ito ng iba pang sintomas na mababasa mo sa artikulo na ito, ayon sa WebMD. Maaaring tandaan na ang ilan sa mga sintomas dito ay nangyayari din dahil sa migraine, kaya mas mabuti kung tatanungin ang apektadong tao kung ang sakit sa ulo nila ay hindi ordinaryong pangyayari para sa kanila. Kung nagdududa ka sa gagawin mo ay humingi ng tulong medikal.
PAGKALITO
Inilista ng The Stroke Association ang biglaan na pagkalito ng isang tao bilang sintomas ng stroke. Nangyayari ito kapag hindi makaintindi ang isang tao kung ano ang nangyayari sa paligid nila o kung ano ang sinasabi ng mga tao at mag-isip ng tama.
HIRAP SA PANANALITA
Ang mga tao na apektado ng stroke ay madalas na hirap magsalita. Inirekomenda ng HealthLine na ipaulit sa apektadong tao ang kanilang sinasabi kung madali itong maintindihan o makita kung hirap nga silang magsalita.
HIRAP SA PAGBALANSE
Ayon sa Medicine.Net, ang mga tao na nakakaranas ng stroke ay magkakaroon ng problema sa pagbalanse ng katawan at sa koordinasyon nito. Kung hindi ka sigurado ay ipahawak ang kanilang hintuturo sa kanilang ilong o pagmasdan kung diretso ang kanilang paglakad.
SPONSORED LINKS
0 comments