ALAMIN KUNG PAPAANO KA MAGPAPALAKI NG SARILI MONG PUNO NG LEMON SA LOOB NG BAHAY GAMIT ANG BUTO NITO

SPONSORED LINKS
Ang lemon ay isang citrus fruit na paborito ng maraming tao. Dahil masarap ito at maraming kagamitan ay hindi nakapagtataka na gustong-gusto ito ng mga tao. Bilang isang citrus fruit, ang lemon ay mayaman sa antioxidant properties at mataas ang antas ng vitamin C nito na importante para mapanatili ang maayos at masigla na immune system. Mayaman din ito sa vitamin A, B6 at E at iron, phosphorus, zinc, potassium, magnesium at iba pang mga mineral na nakakatulong sa maraming paraan.



Dahil sa marami ang taglay nito na vitamin C, ang pagkunsumo dito araw-araw ay makakatulong para mapigilan ang pagbuo ng mga cancer cells at tumors. Ang mga free radicals na siyang dahilan ng pagkakaroon ng kanser sa isang tao ay napupuksa dahil sa vitamin C na isa ring mabisa na antioxidant. Ang vitamin C ay nakatutulong para mapanatili ang sigla at ganda ng balat kaya gusto ito ng mga kababaihan. Dahil sa bitamina na ito, ang lemon ay napaka-epektibo pagdating sa pagsasa-ayos ng nasirang balat dahil sa sobrang pagkababad sa araw at polusyon.

Ang mga sakit sa baga ay maiiwasan din sa madalas na pagkunsumo ng lemon. Dahil sa vitamin C, ang kahirapan sa paghinga at iba pang mga kondisyon na may kaugnayan sa mga sakit sa baga tulad ng astma ay maiiwasan. Kung ayaw mong magkaroon ng long-term respiratory na mga sakit ay dapat sanayin mo ang sarili mo na kumain ng lemon o uminom ng juice nito ng madalas.

Kung sumasakit ang tiyan mo ay subukan mong kumain ng lemon para guminhawa ang pakiramdam mo at napaka-epektibo nito. Para sa mga kondisyon sa tiyan tulad ng indigestion at constipation, ang lemon juice ay gagana bilang blood purifier na siguradong magtatanggal sa pananakit at iritasyon na nararamdaman mo. Bukod dito, ang pag-inom ng lemon juice ay makatutulong din sa mga tao na may sipon o lagnat. Pagpapawisan ka ng todo kapag ginamit mo ito para sa iyong lagnat dahil ito ang paraan niya para mapababa ang temperatura mo.

Dahil sa laman nito na phosphorus at calcium, magagamit itong bilang alternatibong paraan para mas mapatibay ang mga ngipin. Pagdating sa dental care, ang lemon ay ginagamit din para mapigilan ang pagdurugo ng mga gums at tanggalin ang sakit na nararamdaman dito. Kaya rin nitong alisin ang bad breath.

Ang mga pakinabang lemon ay marami pa. Mabisa rin itong gamitin para sa ikagaganda ng buhok at balat, para sa pagbawas ng timbang o pagpapapayat, para mapigilan ang mga sakit sa puso dahil kaya nitong kontrolin ang blood pressure, gawan ng lunas ang mga kondisyon sa buto tulad ng rayuma at marami pang iba. Ang lemon ay sadyang kapaki-pakinabang at dapat itong malaman ng lahat ng tao.

Madali mong magagamit ang lemon para sa ikabubuti ng kalusugan mo tulad ng mga nabasa mo dahil makikita mo ito kaagad-agad sa pinakamalapit na grocery store sa lugar ninyo. Kaya nga lang ay baka maubos ang pera mo dahil dito. Subukan mo na lamang na magpalaki ng sarili mong puno ng lemon para mayroon ka nito bawat oras na gusto mo at wala ka pang gagastusin na pera. Huwag kang mag-alala dahil madali lamang itong patubuin at sa artikulo na ito ay matutunan mo kung paano ito gawin. Ihanda ang sarili mo at tandaan lahat ng mababasa mo sa mga susunod na pangungusap dahil importante ito para maging matibay, mataas at masigla ang puno ng lemon na palalakihin mo.


Humanap ng wastong lugar para pagtaniman mo ng lemon tree kung saan makakakuha ito ng sapat na sinag ng araw.

Humanda ng isang organic lemon na may germinating seeds na itatanim mo. Huwag gumamit ng non-organic dahil kadalasan ay kulang ito ng ganitong mga buto.

Kumuha ng 24 inches ang lapad na seedling pot na may 12 inches ang lalim.

Ihanda ang mainam na klase ng lupa na pagtataniman mo ng mga buto at mga fertilizers na makakatulong sa mabilis at maayos na paglaki nito.

Dapat may planting pot ka na may lapad at lalim na 6 inches.

Kung nagawa o mayroon ka na ng mga ito ay handa ka na para gawin ang mga sumusunod kung saan itatanim mo na ang puno:

Basain ang potting soil sa pagdilig dito.

Maglagay ng wastong dami ng lupa para mapuno ang isang maliit na paso na hindi aapaw dito. Mag-iwan ng 1 inch na espasyo bago ito tuluyang mapuno.

Kunin ang mga buto sa organic lemon sa paghiwa dito at pagtanggal sa laman ng prutas.

Itanim ang mga buto sa gitna ng basang lupa sa lalim na half an inch. Tandaan na kaunti lang dapat ang pagkabasa ng lupa dahil ito ang kinakailangan na kondisyon para maayos ang pag-mature ng mga buto.

Marahan na takpan ng lupa ang mga buto at diligan ito ng kaunti.

Gumamit ng plastic wrap at rubber band at gamitin ito para matakpan ang paso. Tusukan ng ilang mga butas ang plastic wrap para makadaan dito ang hangin.

Ilagay ang paso sa isang lugar na makakakuha ito ng sapat na sinag ng araw.

Diligan ito paminsan-minsan. Kaunti lang ang kakailanganin nitong tubig kaya huwag didiligan ng sobra. Sapat na kung mabasa lang ng kaunti ang lupa. Gamitin ang mga butas na ginawa mo para makapasok dito ang tubig.

Tanggalin ang plastic wrap pagkalipas ng dalawang (2) linggo kapag umusbong na ito. Siguraduhin mo na basa ang lupa ng hindi kukulang sa 8 oras bawat araw. Mag-ingat sa mga insekto at peste na makasisira dito. Kung gagamit ka ng isang pesticide, tiyakin mo na hindi ito makakasira sa halaman.

Kung sobrang laki na ito para sa paso na unang pinagtaniman mo, ilipat ito sa isang lugar kung saan kakasya ito.

Kapag nasunod mo ng maayos ang mga instruksiyon na ito ay makakakita ka kaagad ng mga prutas dito. Umaasa kami na natulungan kayo ng artikulo na ito. Ipabasa lamang ito sa mga kaibigan at pamilya mo para malaman din nila ang mga kayang gawin ng lemon.
SPONSORED LINKS

0 comments