ANG INUMIN NA ITO AY KAYANG SIRAIN ANG BUTO MO PERO MARAMING TAO ANG GINAGAMIT PA RIN ITO ARAW-ARAW

SPONSORED LINKS
Ayon sa isang nakakaraan lang na pag-aaral, karamihan sa mga Amerikano ay mas gusto pang uminom ng soda kesa sa iba dahil 25% nito ay kinakalakal sa US. Ang mga Amerikano ay bumili ng 15 billion gallons ng soda or 12 ounce of can per day per person sa taon na 2000.



Kumakalat na sa internet ang maraming impormasyon tungkol sa nakasasamang epekto ng sobrang pagkakahilig sa inumin na ito. Pero kung hindi pa sapat ang mga nabasa mong ito ay bibigyan ka namin ng impormasyon na magbubukas sa iyong mga mata. At umaasa kami na magagawa namin ito para na rin sa ikakabuti mo.

ITO ANG MGA MAGAGAWA NG SODA SA IYO:


OSTEOPOROSIS

Ang soda ay may caffeine at phosphoric acid. Sinuri ng Framingham Osteoporosis Study ang bone mineral density o BMD ng 1413 na bilang ng mga kababaihan at 1225 na mga lalake sa taon na 2006 at napag-alaman nila na ang madalas na pag-inom sa soda ay nagresulta sa matinding pagbaba ng BMD sa balakang ng mga babae. Ang mga babae ay mas malaki ang panganib sa pagkakaroon ng bone loss kung ikokompara sa mga kalalakihan.

Ayon sa maraming pag-aaral na ginawa dito, ang dahilan kung bakit ito nangyayari ay ang sobrang dami ng phosphorus na nakakapigil sa absorption ng calcium ng katawan. Bukod dito, sinabi ng mga eksperto na ang phosphoric acid sa soda drinks ay nagdudulot ng calcium leakage sa mga buto.

Ito ang dahilan kung bakit dapat iwasan ito ng mga tao na may osteoporosis o mga karamdaman na may kaugnayan sa buto katulad ng Crohn’s disease at mga matatanda na lambas sa 50 taong gulang.



OBESITY O SOBRANG TABA


Kung naghahanap ka ng masisi sa sobrang taba mo ay tingnan lang ang hawak mong soda drink. Ito ay sobrang nakakapagpataba ng tao. Kahit kauting sipsip lang nito ay malaki na ang epekto nito sa timbang mo.

Baka isipin mo na maglipat na lang sa pag-inom ng diet soda. Hindi rin ito magandang ideya dahil punong-puno ang mga ito ng artificial sweeteners na magdudulot ng iba’t ibang mga hormonal at physiological na problema na sa kinalaunan ay sobrang patatabain ka.

LIVER DAMAGE O PAGKASIRA NG ATAY


Ang pag-inom ng mga soda drinks ang pinakamalala na magagawa mo para sa atay mo. Kapag nasobrahan ka nito ay patataasin nito ang tiyansa na magkaroon ka ng cirrhosis.

TOOTH DECAY O PAGKASIRA NG NGIPIN


Sobrang nakasasama ito sa mga tooth enamel dahil ang soda ay highly acidic. Ang mga kemikal na laman nito ay magdudulot ng mas malaking pagkasira ng ngipin kesa sa mga sugar na nasa candy.

KIDNEY STONES AT KIDNEY DISEASE


Ang soda ay may napakataas na dami ng phosphoric acid na nakaka-apekto ng sobra sa urinary tract. Sa kinalaunan ay magreresulta ito sa pagkabuo ng kidney stones. Sa pag-inom ng 12 ounce cans ng soda ay patataasin mo ang posibilidad ng pagkabuo ng kidney stones ng 15%.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments