ANG MABUBUTING PAKINABANG NG CUCUMBER WATER O TUBIG NA GAWA SA PIPINO NA DAPAT NATING MALAMAN

SPONSORED LINKS
Sa panahon na ikaw ay inuhaw at hindi mo gusto ang lasa ng ordinaryong tubig, ang tubig na gawa sa pipino ay maaaring inumin araw-araw. Mabisa itong pagkunan ng hydration at marami din itong magagawa sa kalusugan at balat natin.



Ito ang mga magagawa ng cucumber water para sa kalusugan mo:

PINAPANATILI NITO ANG MABUTING KALUSUGAN NG IYONG MUSCLES O MGA KALAMNAN

Dahil sa mga silica na makikita sa pipino, ang mga connective tissues sa muscles ay nanatiling nasa mabuting kalagayan kung ang tubig na gawa sa pipino ay iniinom araw-araw. Maglagay lamang ng ilang hiwa ng pipino sa isang bote ng tubig at inumin ito habang nag-eehersisyo para makuha ng katawan mo ang lahat ng kinakailangan na minerals para sa mga kalamnan mo.

MABUTI ITO PARA BALAT MO

Maliban sa silica, ang pipino ay may taglay ding mga malalakas na antioxidants na ginagawang mas makinis at mas malambot. Kung sakali na may acne ka ay maaari mong magamit dito ang mga hiwa ng cucumber na naibabad sa malamig na tubig. Ang pamumula dahil sa acne ay mababawasan din kung babanlawan mo ito ng cucumber water.

MABABA LAMANG ANG CALORIES NA LAMAN NITO

Ang ordinaryong tubig ay walang calories pero ang tubig na gawa sa pipino ay may 45 calories. Gayunman, hindi ka dapat mag-alala dito dahil hindi ito makaka-apekto sa antas ng calories sa katawan mo. Para ka lamang uminom ng tubig pero may nakakapresko ng pakiramdam.


PARA SA DETOXIFICATION NG KATAWAN

Nililinis nito ang loob ng katawan mo sa proseso ng detoxification. Isa ito sa mabisang mga cleanser na magagamit mo para maalis ang mga toxins sa sistem ng katawan mo.

HYDRATING ITO O NAKAKAPANUMBALIK NG WASTONG ANTAS NG TUBIG SA KATAWAN
Kung mainit ang panahon ay importante na palagi tayong hydrated. Ito ay makakabuti para wasto ang temperatura ng katawan at para din sa magandang pagtakbo ng ating cardiovascular system.

NAGBIBIGAY ITO NG KARAGDAGANG ENERHIYA

Maaari itong pangpalit sa mga sugary na energy at caffeine drinks, ang tubig na gawa sa pipino ay epektibo para mabigyan ka ng maraming enerhiya araw-araw. Tinatanggal din nito ang toxins sa katawan para maiwasan mo ang sobrang pagod at mapabuti ang konsentrasyon mo.

MARAMI ITONG TAGLAY NA MGA BITAMINA AT MINERAL

Alam natin na nakabubuti ang tubig para sa ating katawan pero wala itong kahit na anong bitamina at mineral na kinakailangan ng katawan mo. Ang tubig na gawa sa pipino ay makatutulong para mabigyan ka ng wastong dami ng bitamina at mineral sa katawan mo. Maraming mga resipe ang magagawa kung saan ang cucumber water ay maaaring dagdagan ng iba’t ibang mga prutas para mas maraming antioxidants, bitamina at mineral ang matatanggap ng katawan mo.

Ang mainam pa dito ay napakadaling gawin ng tubig na gamit ang pipino. Dagdagan lamang ng ilang hiwa ang isang baso ng tubig, maaari mo rin itong lagyan ng ice, mint o manipis na hiwa ng lemon at puwede mo na itong inumin.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments