ANG MABUTING PAKINABANG NG PAGKAIN NG SPICY SA FOODS SA IYONG KALUSUGAN NA MAAARING HINDI MO ALAM

SPONSORED LINKS
Ang spicy o maaanghang na pagkain ay puno na lasa at nagbibigay ito ng masarap na kombinayson ng init at sarap sa ating dila na nagpapataas sa temperatura ng ating katawan at pinagpapawisan tayo sa bawat kagat natin dito.



May ilang mga tao na nagsasabi na magdudulot ito ng problema sa digestion pero totoo lamang ito sa mga sensitibo ang mga tiyan. Marami ang mabuti na magagawa ng maaanghang na pagkain para sa ating kalusugan.

ITO ANG ILANG SA MGA PAKINABANG NG PAGKAIN NG MAAANGHANG PARA SA ATING KALUSUGAN:
PARA MAIWASAN ANG SAKIT SA PUSO

Ang pagkunsumo sa maaanghang na pagkain kalutad ng sili at turmeric ay makababawas sa blood pressure dahil sa taglay ng mga ito na capsaicin. Ito ay nakakatulong na buksan lalo ang mga ugat na daluyan ng dugo para mapababa ang blood pressure. Ang turmeric ay anti-inflammatory na katangian na mabuti rin para sa puso.

SINUSUNOG ANG CALORIES

Ang dami ng pinapawis mo sa pagkain ng mga maaanghang ay isang mabuting bagay. Dahil dito ay maraming calories ang nasusunog sa katawan mo. May ilang pag-aaral din ang nagpatunay na ang mga tao na kumain ng mga maaanghang na appetizer ay mas maliit ang kinain sa main course, dahil dito ay itinuturing itong mabisang gamitin para sa mga gustong pumayat.

PARA MAIWASAN ANG KANSER

May mga pananaliksik ang nakadiskubre na ang curcumin ay may malaking epekto sa cancer cells. Maraming pag-aaral ang ginawa sa curcurmin ang nagpakita na binabawasan nito ang tiyansang magkaroon ng breast cancer, stomach cancer at kahit cervical cancer.



MAS MARAMING NUTRIENTS


Ang pagkain ng sili ng madalas ay magbibigay sa iyo ng vitamin A at C at iba pang importanteng mga mineral. Isipin mo lamang kung gaano kadami ang makukuha mong nutrisyon sa pagdagdag lamang ng kaunting anghang sa kinakain mo.

PARA SA PAGPAPAYAT
Ang pagkain ng sili o pagdagdag ng sili sa kinakain mo ay makakatulong para tumaas ang init sa katawan mo at mapabilis ang metabolism mo. Binabawasan pa nito ang kagustuhan mong kumain kaya kung plano mong magpapayat ay kumain lamang ng maaanghang para makamit mo ang perpektong hugis ng katawan sa maikling panahon lamang.

PINAPABUTI ANG MOOD

Mabuti rin ito para sa mood mo. Ang capsaicin at curcumin na makikita sa sili at paminta ay nagdudulot ng paggawa ng utak ng hormones na tinatawag na serotonin. Ito ay nakakatulong para maiwasan o labanan ang mga mood problems katulad ng depression, anxiety at iba pa.

Ayon sa nabasa mo, wala naman palang dapat ipag-alala kung maaanghang ang kinakain mo. Bukod sa masarap na ito at exciting para sa ating taste buds ay marami pa itong magagawa para sa kalusugan ng ating katawan. Kaya ano pang hinihintay mo, add some spice in your life na!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments