ANG MAGAGAWA SA IYONG KATAWAN NG PAGBABAD NG OKRA SA ISANG BASO NG TUBIG SA MAGDAMAG AT SA PAGKAIN DITO SA WALANG LAMAN NA TIYAN

SPONSORED LINKS
Ang okra ay isa sa paboritong flowering plant ng buong mundo at madalas itong tawagin na ladies fingers o bhindi. Maraming gustong makuha ito dahil sa mga seed pods nito. Ang siyentipikong pangalan ng halaman na ito ay Abelmoschus Esculentus.



Ang halaman na ito ay kadalasang nilalagay ng mga tao sa kanilang paborito na vegetable dish. Gayunman, may mga tao na hindi gusto ang lasa nito at pakiramdam sa loob ng bunganga kapag nginunguya ito. Marami ang magagawa nito para sa kalusugan ng tao dahil sa mga laman nito na minerals, vitamins at organic compounds.

Mataas ang nutritional value nito dahil mayaman ito sa vitamin A, B C, E at K at mga minerals tulad ng calcium, magnesium, potassium, iron at zinc. Bukod dito, ang okra ay may taglay din na mataas na antas ng mucilaginous fiber.

Ang isa sa pinakamainam na paraan para kainin ito at makuha ang mga nutrisyon dito ay ang pagbabad dito sa malinis na tubig sa gabi at sa umaga bago ito kainin at inumin din ang tubig na ginamit para dito. Sa tulong ng simple at nakamamanghang home remedy na ito ay natural mong mapabubuti ang buong kalusugan mo at makukuha mo rin ang mga sumusunod na health benefits na ito:

DIGESTIVE HEALTH
Kung kasama ito sa madalas mong kinakain ay patataasin nito ang total fiber consumption mo. Ang mucilaginous fiber na nasa okra ay makatutulong para sa maayos na pagdaloy ng pagkain sa digestive tract sa pagdagdag ng bulk o laki dito. Mas magiging regular ang bowel movements mo at mababawasan ang pagkakaroon ng mga gastrointestinal problems tulad ng bloating, cramping, constipation at sobrang hangin. Nakatutulong din ito para mapigilan ang diarrhea dahil patitigasin nito ang dumi mo. Ang fiber ay makatutulong din sa pagtanggal ng sobrang kolesterol sa katawan.


IMMUNE SYSTEM

Dahil sa maraming antioxidant na component ng okra ay makatutulong ito ng sobra para malabanan ang mga free radicals sa katawan. Ang mataas na vitamin C dito ay magpapatibay sa immune system at dahil dito ay patataasin nito ang produksyon ng white blood cells para malabanan ang mga foreign pathogens at substances sa loob ng katawan na maaaring makasira sa immune system.

BLOOD PRESSURE AT HEART HEALTH

Ang okra ay kilala bilang mabisang mapagkukunan ng mga bitamina at mineral tulad ng potassium na importante para sa kalusugan ng tao. Ang potassium ay mahalaga para mapanitili ang wastong fluid balance sa katawan dahil nakatutulong ito sa pagbalanse ng calcium. Bukod dito, nakakaparelaks din ito ng mga blood vessels at mga arteries, na magiging dahilan ng pagbaba ng blood pressure, cardiovascular strain, clotting at atherosclerosis.

VISION BOOSTER

Ang okra ay mayaman din sa vitamin A at mga antioxidant components tulad ng beta carotenes, xanthene at lutein. Ang mga antioxidants ay mga compounds na may kakayahan na puksain ang free radicals sa katawan na kilala bilang isa sa pinakadelikadong produkto ng cellular metabolism. Ang free radicals ay nagududlot ng pagkasira ng cells sa katawan at kasama dito ang paningin ng tao. Kapag marami kang nakakain na okra ay mas mabibigyan mo ng proteksyon ang mga mata mo laban sa mga kondisyon tulad ng macular degeneration at katarata.

SKIN HEALTH


Ang mga antioxidants sa okra ay may kakayahan na panatilihin ang mabuting kalusugan ng balat sa pagpapabilis ng paghilom ng mga sugat, pagbawas sa pagkakaroon ng peklat, acne at para sa ikatatanggal ng mga wrinkles. Ito ay dahil ang mga antioxidants ay nagagawang labanan ang mga free radicals sa katawan na nagududulot ng pagkasira ng mga cells dito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments