ANG MGA DAPAT MONG MALAMAN BAGO KA GUMAMIT NG NAIL POLISHES

SPONSORED LINKS
Nakaka-aliw tingnan ang mga painted nails o kuko kahit ginagawa mo ang mga simpleng mga trabaho. Ito ay nagbibigay ng kaunting ligaya sa isang nakakabagot na araw sa trabaho o sa bahay. Pero ayon sa ilang mga eksperto ang mga nail polish na ito ay nakakasama pala sa ating kalusugan.



Isang ulat ang inilathala ng Pollution Prevention Branch of the California EPA ang nagsabi na ang ilang nail polish ay may laman na mga toxic chemicals katulad ng dibutyl phthalate, toluene at formaldehyde, ayon sa WebMD.

“Ang mga kemikal sa nail polish ay nagbibigay ng matinding panganib sa kalusugan na maaaring magdulot ng problema sa reproductive system o madulot ng kanser.” Sinabi ng Med India.

Ayon sa Med India, ang tatlong kemikal na sinuri sa pag-aaral na ito ay itinuturing na isang “toxic trio” dahil sa paulit-ulit na pagkababad dito ay maaaring maging sanhi ng ilang malulubhang sakit.

Toluene: Ito ay ginagamit para hindi maghiwalay ang mga polish ingredients, makikita rin ang kemikal na ito sa gasolina. Ang paulit-ulit na pagkababad dito ay maaaring makasira sa nervous at reproductive systems. Ang mas katamtamang epekto nito ay pananakit ng ulo at iritasyon sa mata at lalamunan.

Formaldehyde: Nilalagay ito sa mga nail polish bilang hardening agent at para ma-disinfect ang mga manicure at pedicure na mga produkto. Ang paulit-ulit na pagkababad sa kemikal na ito ay iniuugnay sa ilang klase ng kanser.

Ito ay ginagamit para hindi bumuka o masira ang nail polish para mas matagal ito sa kuko. Ito ay mariing ipinagbabawal na isa ibang mga bansa sa Europa, ayon sa Business Insider. Ang kemikal na ito ay sinisira din ang reproductive organs.


Habang ang average consumer ay katamtaman lang ang exposure sa mga kemikal na ito, mas mataas ang panganib ng sobrang pagkakababad dito sa mga salons.

Sinabi ng Med India na ang mga manicurists at pedicurists ay mas mataas ang tiyansa na magkasakti dahil ang madalas ang mga beauty salons ay hindi mabuti ang ventilation kaya nakukulong dito ang mga chemical vapors at marami ang nalalanghap nila. Ang mga nagtratabaho sa mga lugar na ito ay madalas makaranas ng pananakit ng ulo at kahirapan sa paghinga.

Maging maingat! Hindi mo kinakailangan na iwasan ng lubusan ang paggamit sa mga manicure. Pero kung gusto mong mabawasan ang exposure mo sa mga kemikal na ito ay gawin mo lang mga ito:

1. Pumili ng mga non-toxic polishes


Piliin ang mga polishes na may label na non-toxic. Ang WebMD ay nagbigay ng isang listahan ng mga polishes na ligtas gamitin.

2. Pumasok sa isang ligtas na salons

Mas mainam kung papasok ka sa mga salon na gumagamit ng non-toxic polishes at mabuti ang ventilation o madaling nakakapasok at nakakalabas ang hangin.

3. Iwasang gumamit ng nail polish ng ilaw araw sa loob ng isang buwan

Tanggalin ang iyong nail polish para makahinga naman ng mabuti ang iyong mga kuko kahit ilang araw sa isang buwan. Hindi lamang nito babawasan ang pagkababad mo sa mga maaaring makasama na mga kemikal, mabuti rin ito para kalagayan ng kuko mo.

Nag-aalala ka ba sa maaaring idulot ng pagkababad sa mga kemikal dahil sa mga nail polish? Ibahagi ang impormasyon na ito sa mga kaibigan at pamilya mo sa Facebook.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments