ANO ANG MAGAGAWA NG TANGLAD (LEMONGRASS) PARA SA ATING KATAWAN KUNG KINAIN NATIN ITO?

SPONSORED LINKS
Ang pangunahing pakay ng artikulo na ito ay mabigyan ka ng kaalaman kung paano mo mabibigyan ng lunas ang maraming sakit tulad ng prostate at diabetes gamit lamang ang isang nakamamanghang berde na halaman.



Ang kasalukuyang teknolohiya ngayon ay naging makahulugan para magamot ang maraming uri ng karamdaman at sakit. Gayunman, hindi kayang bayaran ng karamihang tao ang ganitong klase ng paggamot dahil sobrang mahal ang mga ito. Sa kabutihang palad, maraming mga natural na panlunas na maaari mong gamitin para mabigyan ng lunas ang mga sakti sa katawan mo. Ang isa dito ay ang Nettle o Tanglad.

Ang nettle ay isang berde at madahon na halaman na nabibilang sa Urticaceae family. Ang halaman na ito ay nahahati sa mga subspecies, ang lima dito ay may laman na iba’t ibang klase ng trichomes, na isang nakakatusok at manipis na hibla na buhok sa mga dahon at tangkay na kaparehas ng hypodermic needles. Ang tanglad ay ginagamit para sa iba’t ibang bagay tulad ng bilang isang panlunas, pagkain at mapagkukunan ng fiber.

Ang nettle ay karaniwang ginagamit bilang isang alternatibo at natural na panlunas. Ang ilang mga pag-aaral ay nakapagpatunay na ang nettle ay sobrang bisa para malabanan ang kahit anong klase ng alerhiya. Hindi kagaya ng antihistamines, decongestant at kahit mga bakuna, ang nettle ay may kakayahan na lubos na mapaginhawa ang mga alerhiya na walang kahit anong side effects.

Bukod sa kagamitan bilang pangremedyo sa mga alerhiya, ang nettle ay makakatulong din para mabigyang lunas ang ibang mga katamtaman o malulubhang mga sakit. Ang pakinabang ng tanglad ay ang mga sumusunod:


Nililinis nito ang dugo
Pigilin ang pagkakaroon ng dandruff at paglagas ng buhok
Panglaban sa mga indikasyon ng rayuma at gout
Pinapadami ang gatas sa suso
Nakatulong para mabawasan ang mga kidney stones
Binabawasan ang antas ng blood sugar
Meron itong antibacterial na katangian na nakakatulong para mapalakas ang immune system
Nakakatulong din ito para malinis o matanggal lahat ng toxins sa katawan
Binibigyan nito ang katawan ng kakayahan na maiwasan o mabawasan ang mga impeksyon sa kidney at daluyan ng ihi
Nakakatulong ito para sa maayos na pagtubo o paghaba ng buhok at kuko
Nakakatulong ito para sa mabuting sirkulasyon ng dugo
Tinatanggal din nito ang mga nabuong sipon o uhog sa daluyan ng hangin
Pinipigilan ang hemorrhoids
Ginagamit ito para maiwasan ang iron deficiency na maaaring magdulot ng anemia
Nakakatulong ito para sa magandang pagtakbo ng ating kidneys

PAANO GUMAWA NG ISANG INUMIN NA GAMIT ANG TANGLAD?

Putulin ang mga dahon nito sa maliliit na piraso at ilagay ang isang kutsara nito sa isang tasa na may 200 ml ng mainit na tubig. Takpan ang tasa at pabayaan ito ng ilang minuto. Salain ang tubig at maaari mo na itong inumin.

Maaari mo ring ikunsumo ang tanglad sa pagdagdag nito sa mga salad, pagkain, sa mga sopas at kahit sa mga shake.

Para mabigyan ng lunas ang mga alerhiya, sugat, sunog at mga problema sa balat at prostate, maaari mong direkta na gamitin ang dahon ng tanglad sa mga apektadong bahagi ng katawan.
SPONSORED LINKS

0 comments