BABALA: HUWAG GAMITIN ANG MGA MEDIKASYON NA ITO NG SABAY-SABAY

SPONSORED LINKS
Ang imbensyon ng medisina ay isa sa pinakamagaling na bagay na nagawa ng tao at sa pamamagitan nito ay naging mas madali magamot ang mga nagkakasakit na mga tao sa buong mundo. Gayunman, kailangan pa rin na mag-ingat sa paggamit ng mga ito at kung maaari ay sundin ng maigi ang nireseta ng doktor.



Masuwerte tayo dahil maraming over-the-counter na medikasyon ang maaaring mabili kapag nagkaroon tayo ng lagnat, ubo, sipon, pananakit ng ulo at katawan. Pero alam mo ba na may ilang klase ng mga medikasyon na hindi mo dapat gamitin ng kasabay ng iba dahil ang pinaghalong epekto nito ay maaaring makasama sa iyo sa halip na gamutin ang karamdaman mo.

Ang isang Facebook page ay nagpost ng isang babala para sa mga netizens at sinabi dito na huwag gamitin ang mga sumusunod na medikasyon ng sabay-sabay:

Alaxan at Biogesic
– dahil ang mga ito ay parehas na may laman na paracetamol at kapag na-overdose ka dito ay maaaring magdulot ng liver failure o cancer.

Neozep at BioFlu – Ang mga ito ay parehas na Paracetamol-Phenylephrine Chlorphenamine pero magkaiba lamang ng pangalan.

Alaxan at Medicol – Ang mga ito ay parehas na anti-inflammatory at may laman na Ibuprofen.

Neozep at Biogesic
Biogesic at BioFlu
Alaxan at Neozep
Alaxan at BioFlu

Kahit hindi sinabi na napatunayan ang impormasyon na ito ng husto sa mundo ng medisina, sinabi din na huwag gamitin ang mga gamot na ito at uminom ng alak dahil gagawa ito ng isang toxic na kemikal sa loob na katawan na lubos na ikasisira ng atay.

Sinabi rin ng Express Report na ang paracetamol ay maaaring makasira sa atay sa “pagkapinsala ng vital structural connections sa pagitan ng mga adjacent cells sa mga organs.”

Ipinaliwanag din ni Professor Nelson ng Edinburg University na - “Ang paracetemol ay isa sa pinakaginagamit na over-the-counter at prescription na analgesic drug sa buong mundo. Kapag nasobrahan ang dosis nito, maaaring mangyari ang acute liver failure – at ito ang madalas na dahilan ng ALF sa UK, US, Europe at Australia.”

“Dahil sa narrow therapeutic index, ang karaniwang dosis ng paracetamol ay malapit na sa overdose at dahil madali lamang itong makuha ay kailangang mag-ingat ng husto ang mga gumagamit nito”, dagdag ni Professor Nelson.

Kaya sa susunod na magkasakit ka at sinubukan mong magself-medicate, tandaan mo ang listahan na nabasa mo sa taas at siguraduhing kumunsulta sa doktor para mabigyan ka ng mas mabisang mga gamot.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments