HUWAG KAININ ANG ISDA NA ITO DAHIL SOBRANG DELIKADO ITO PARA SA KALUSUGAN MO

SPONSORED LINKS
Ang Pilipinas ay isang archipelagic country. Ang ibig sabihin nito ay isang bansa na binubuo ng maraming isla na pinaghihiwalay o konektado ng karagatan, ilog at iba pang katawan ng tubig sa paligid ng mga ito.



At dahil napapaligiran ng tubig ang ating bansa ay hindi nakakagulat na maliban sa pagsasaka at maraming tao sa mga isla na ito ay nakadepende sa pangingisda bilang pangunahing magpagkukunan nila ng pagkain at kabuhayan. Maraming makukuha na kayamanan ng kalikasan sa ating dagat na nasa loob ng ating teritoryo. Ang Pilipinas ay isa sa popular na bansa sa Asya kung saan matatagpuan ang maraming klase ng sariwang pagkaing dagat lalo na sa mga coastal o sa may baybayin na mga lugar.

Ang sea foods o pagkaing-dagat ay mas maganda kung sariwa. Ang mga alimango, isda at iba pang pagkaing-dagat ay magandang mapagkukunan ng iodine. Kapag nagsawa ka nang kumain ng karne ay maaari mo itong palitan ng sea foods na kasingsarap at nakakapalusog din katulad ng ibang mga pagkain. Ang sea foods ang paborito ng karamihang tao na naninirahan sa mga bansa sa Southeast Asia tulad ng Pilipinas, Thailand at Vietnam. Pero alam mo ba na hindi lahat ng isda ay puwedeng kainin?

May ilang pagkaing-dagat na nakakalason. Nakakasama ito sa katawan at maaari ding magdulot ng pagkasawi. Ang mga isda na nahuli dahil sa dynamite fishing ay masama sa kalusugan dahil ang iba dito ay bulok at patay na dahil sa mga kemikal sa tubig. Kaparehas din ito ng mga isda na nahuhuli malapit sa mga oil leaks o pinagtatapunan ng mga chemical o toxic wastes. Kung wala kang alam o hindi mo namalayan na kinain mo na pala at ng pamilya mo ang ganitong mga isda ay maaaring nasa delikadong sitwasyon kayo.

Importante na mapagmasid ka sa mga binibili mo. Maging maingat palagi para hindi ka dapuan ng mga sakit na maaaring idulot sa pagkain ng mga kontaminadong mga isda. Huwag magpapadala kaagad sa mga murang presyo sa pamilihan dahil baka minamadali lamang itong maubos dahil may problema na pala ito. Isang halimbawa nito ay ang fish fillets na sikat ngayong panahon. Pero saan ka nakakita ng mga mabibili na fish fillets sa murang halaga lamang? Mayroong isa, at ginagamit dito ang isda na kung tawagin ay Basa.


Matatagpuan mo ang Pangasius Fillets o Basa fish sa Vietnam malapit sa Mekong River. Ang ilog na ito ay dumadaloy mula sa Mainland China patungo sa mga mainland Southeast Asian na mga bansa tulad ng Malaysia, Laos. Thailand, Myanmar at Vietnam. Napakahaba ng ilog na ito at ginagamit ding boundaries ng mga bansa na ito. Ang pangingisda ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao na malapit sa ilog na ito. Pero sa paglipas ng panahon, masyadong mataas na ang polusyon sa ilog na ito at naapektuhan ang mga isda na naninirahan dito tulad ng Basa fish.

Tandaan na kahit anong isda na lumaki sa isang tubig na kontaminado ay masama para sa ating kalusugan. Alam mo ba na mahilig pumunta ang mga isda na ito sa mga sewage pools na puno ng kemikal at mga bakterya? Dahil sa sobrang pagkakababad sa isang kontaminadong paligid ay mataas na ang taglay na heavy metals, isomers at iba pang nakasasamang mga kemikal ang laman ng isdang ito. At dahil dito ay ang ilan sa kanila ay binibenta sa palengke sa maliit na presyo lamang kung saan binibili naman ng mga tao dahil wala silang kaalam-alam sa pinagkukunan ng mga isdang ito.

Hindi lamang ang kondisyon ng paligid kung saan sila lumaki ang nakakaapekto sa isdang mga ito pero ang ilang mga fish vendors ay mahilig ding ineksyunan ang mga ito ng mga kemikal para mas lumaki sila. Ginagawa nito na 4 beses na mas delikado na kainin ang mga isang tulad nito kesa sa mga nahuli sa polluted o kontaminado na tubig. Maaari itong magdulot ng malubhang sakit na puwedeng ikamatay ng isang tao.

Ang pagpapalaki sa mga isda na ito gamit ang accelerated hormone scheme ay ginagawa ng ilang mga korporasyon kasama ang mga maliliit na fish vendors para mas malaki ang kanilang kita dito. Wala silang pakialam sa buhay at kalusugan ng tao kung marami naman silang makukuha na salapi dahil dito. Para maprotektahan ang kanilang mamamayan sa isdang ito ay ipinagbawal na ito sa US.

Masarap ang mga isda at parte na ito ng ating mga kinakain araw-araw sa matagal na panahon. Mayaman ito sa omega-3 at iba pang mahahalagang mga nutrients na kailangan ng ating katawan. Pero subukan mong iwasan ang Basa dahil hindi ito ordinaryong isda. Masarap ito pero wala itong nutrisyon na maibibigay sa ating katawan at puno lamang ng bakterya at kemikal.

Kung may natutunan ka sa artikulo na ito ay ipabasa lamang sa iba para malaman din nila ito. Maraming salamat!
SPONSORED LINKS

0 comments