KUNG MAY BLOOD TYPE O KA AY IWASAN GAWIN ANG ITO PARA HINDI MAKASAMA SA KALUSUGAN MO

SPONSORED LINKS
Ang mga tao na may blood type O ay malaki ang tungkulin sa lipunan. Marami silang nagagawa at sadyang malalakas, pero kapag nakaranas sila ng stress ay maaaring mabaliw, gumawa ng kakaibang mga bagay at o maging hyperactive sila.



May isang pag-aaral sa Japan kung saan natuklasan ang kaugnayan ng mga blood type sa personalidad ng isang tao. Ito ang dahilan kung bakit sa ilang interview, tinatanong kung anong merong blood type ka.

Sinasabi na ang mga tao na may blood type O ay karaniwang responsible, dedikado, organisado, mas matindi ang konsentrasyon, malaki ang konsensiya at mas praktikal. Mas nababalanse din nila ang kanilang sarili sa kanilang paligid at mas lohiko pagdating sa mga problema. Ito ang mga katangian ng isang tao na may blood type O na madalas na dahilan kung bakit marami ang gustong makipagkaibigan sa kanila.

Gayunman, ang mga tao na may blood type na ito ay mas mataas ang tiyansa na dapuan ng mga karamdaman tulad ng Ulcers at thyroid dysfunction.

Ito ay marahil sa mababang antas ng thyroid hormone at kakulangan ng iodine sa katawan - ang iodine ay isang kemikal na ang tungkulin ay pangasiwaan ang thyroid hormones.

Ang mga epekto nito ay obesity o sobrang taba, fluid retention at fatigue o pagkapagod.

ANO ANG DAPAT MONG GAWIN?

Ipinapayo ng mga eksperto na kung may blood type O ka ay iwasang uminom ng sobrang alak at caffeine.

Ang caffeine ay maaaring makasama sa iyo, dahil ang antas ng adrenaline ay mabilis na tumataas sa mga tao na may blood type O dahil natural na mataas na sila dito.

Ang pag-eehersisyo ay kailangan mong gawin ng 3-4 beses sa isang linggo.

Pero isang positibong bagay dito ay ang pagkakaroon ng blood type O ay sisiguraduhin na magkakaroon ka ng malakas, mabunga at malaki ang pag-asa na buhay.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments