LABIN-DALAWANG (12) DELIKADONG DAHILAN KUNG BAKIT MASAKIT ANG KALIWANG KILIKILI

SPONSORED LINKS
May mga pagkakataon na bigla na lamang may mararamdaman kang kunting sakit sa iyong kilikili na hindi mo maipaliwanag. Madalas ito ay isinasawalang bahala natin dahil saglit lamang ito pero may ilang mga tao din na sobrang nag-aalala dahil sa nararamdaman nilang ito. Maraming paliwanag kung bakit nangyayari ito at mababasa mo ito sa artikulo na ito.



Una, makakaramdam tayo ng sakit sa kilikili, lalo na sa kaliwang bahagi ng katawan at maaaring dahil ito sa impeksyon. Hindi lamang isang ordinaryong impeksyon kung hindi isang fungal infection. Maaari itong mangyari sa karamihang tao pero madalas ito para sa mga magsasaka na palaging nakakahawak ng mga halaman o vegetation. Kung nasa bukid sila, hindi maiiwasan na magkasugat sila kahit maliit lamang at dito nagsisimula ang impeksyon. Kapag hindi ito nabigyang lunas kaagad ay maaaring magresulta ito sa pagkabuo ng isang maliit na nodule na dahilan ng sakit na nararamdaman sa kilikili.

Marami pang mga uri ng impeksyon na magdudulot ng pananakit sa kaliwang kilikili. Para mapangalanan ang ilan dito, may isang kondisyon na kung tawagin ay Shingles, kung saan madali mong mapapansin ang mga linya ng paltos sa balat. Kung meron nito sa kilikili mo ay maaari itong magdulot ng sobrang pagkapagod at lagnat at may kasamang sakit. Maaari itong kumalat sa suso mo pati na rin ang sakit na nararamdaman dito at may posibilidad na magdulot ng pamamaga ng lymph nodes sa ganitong bahagi ng katawan.

Dapat mong pangalagaan ang kalinisan ng kilikili mo. Kung naliligo ka ay huwag kalimutan na hugasan o linisin ito ng maigi. Tiyakin din na gumamit ng mga produkto para malinis ng mabuti ang bahaging ito dahil baka magkaroon ito ng glandular infection. Ang impeksyon na ito ay isa na namang dahilan ng pananakit sa kilikili. Maaari kang gumamit ng deodorants o iba pa pero mag-ingat din sa paggamit ng mga ito dahil ang iba ay nakakasama sa balat at nagdudulot ng iritasyon, pangangati at minsan ay allergic reaction.

Isa rin na posibilidad ng sakit na nararamdaman sa kilikili ay ang heartburn. Nangyayari ito kung nakararanas ng acid reflux ang isang tao o kapag ang stomach acid ay umabot sa esophagus. Ano ang kaugnayan ng kilikili sa kondisyon sa puso? Ito ay dahil ang puso ay nakalagas sa kaliwang bahagi ng katawan kaya kung ito ay may karamdaman at maaaring maapektuhan din ang kaliwang kilikili.


Maaari din itong magyari kung may periphery artery disease ang puso kung saan may nakaharang sa blood vessels na dumadaloy papunta at paalis dito. Ang kondisyon na ito ay madalas na resulta ng high blood pressure at diabetes. Ang periphery artery disease ay isang kondisyon kung saan ang arteries ng mga kamay at paa ay naging makipot dahil sa kulang na daloy ng dugo sa mga bahaging ito.

May ilang pagkakataon din kung saan dahil may nakaharang sa ugat ay ang napuputang dugo sa mga kalamnan at puso ay maliit din. Ang kondisyon na ito ay kilala sa tawag na angina, isang mahirap na karamdaman dahil isa ito sa sintomas ng CAD o Coronary Artery Disease. Kaya maliban sa sakit sa kilikili ay makararanas din ng panghihina, kahirapan sa paghinga at pagkahilo ang isang tao. Pagdating naman sa mga muscles o kalamnan, ang sakit na nararamdaman sa kilikili ay maaaring dahil napuwersa masyado ang mga kalamnan dahil sa sobrang kung saan ang bahagi ng kilikili ay maaapektuhan din.

Nabasa mo kanina ang tungkol sa pamamaga ng lymph nodes at ipapaliwanag namin ito ng lubusan. Ang mga lymph nodes ay maliliit na orgas ng immune system na siyang lumalaban sa iba’t ibang karamdaman o sakit na maaaring dumapo sa katawan. Ang mga organs na ito ay matatagpuan sa buong katawan kahit sa kilikili. Kung nasobrahan ang dami ng bakteria at lumala ang impeksyon sa katawan ay maaaring mamaga ang mga ito. Ang pamamaga ng mga lymph nodes sa kilikili ay magdudulog ng sakit sa mga bahaging ito.

Ang pinakahuli at pinakamalubha na dahilan kung bakit may sakit kang nararamdaman sa kilikili ay maaaring dahil may breast cancer ka. Hindi lamang ito nakakaapekto sa mga babae pero sa mga lalake din. Kapag lumaki na ang tumor sa suso ay maaapektuhan nito ang mga kalapit na parte ng bahagi ng katawan na ito. Kung may bukol kang nararamdaman sa ilalim ng balat na malapit sa kilikili at lumalaki ito at nahihirapan kang humihinga at magpakonsulta agad sa doktor.

Ang doktor ay mabibigyan ka ng wastong diagnoses at mga medikasyon para maibsan ang sakit na nararamdaman mo. Ang pagbisita sa doktor ay babawasan ang sobrang pag-aalala mo dahil malalaman mo na kung ano talaga ang totoong dahilan ng sakit na nararamdaman mo sa katawan mo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments