MALIGAMGAM NA TUBIG LABAN SA MALAMIG, ANO NGA BA DITO ANG NAKASASAMA SA ATING KALUSUGAN?

SPONSORED LINKS
May milyon-milyong mga katao ang sinisimulan ang kanilang umaga na umiinom ng maligamgam na kape at ang iba ay malamig na tubig ang iniinom.



Parehas itong nakakatulong sa kalusugan dahil ang malamig na tubig ay mabisang inumin para matanggal ang mga toxins sa katawan at ang kape naman ay nagbibigay ng enerhiya sa mga tao sa pagkagising. Pero para mas nakakatulong, nirerekomenda namin na uminom ng maligamgam na tubig. Kung nakaugalian mo na ito ay marami itong magagawa para sa ikabubuti ng iyong kalusugan.

ITO ANG ILAN SA PANGUNAHING MGA PAKINABANG NG PAG-INOM NG MALIGAMGAM NA TUBIG SA UMAGA:

MAKAKATULONG ITO PARA MAKAMIT MO ANG MAGANDANG HUGIS NG KATAWAN

Ang pag-inom sa tubig ay makakatulong kung gusto mong pumayat o magbawas ng timbang at ang paggamit sa maligamgam na tubig ay mas mapapabilis pa lalo ang mga prosesong ito. Ayon sa isang pananaliksik na ginawa sa mga matatabang mga babae, ang maligamgam na tubig ay nagbigay ng mga positibong epekto sa kanilang bigat sa loob lamang ng 8 linggo at binawasan din nito ang kanilang BMI o Body Mass Index at gana sa pagkain.

MAKAKATULONG ITO PARA MAPABUTI ANG BOWEL MOVEMENTS MO

Ayon sa isang pag-aaral, ang pag-inom sa isang tasa ng maligamgam na tubig sa umaga ay makakabuti para sa digestiona at para na rin mapabilis ang pagproseso ng pagkain sa bowels. May at least 58% na mga pasyente sa pag-aaral na ito ang nakararanas ng irregular bowel movements at nabigyan ng lunas sa loob lamang ng isang araw. Makakatulong din ito para makakuha ng mas maraming nutrisyon ang katawan.



PARA SA IKAGIGINHAWA NG KATAWAN AT MAIBSAN ANG PANANAKIT NA NARARAMDAMAN DITO


Ang pag-inom sa maligamgam na tubig ay mabisang gamitn para sa sore throat at para na rin mabawasan ang sakit at pamamaga. Makakatulong ito ng husto kung nahihirapan kang lumunok habang kumakain. Mabisa din ito sa problema sa tiyan dahil mas nagiging relaxed ang mga kalamnan dito.

MAKAKATULONG ITO PARA SA MAAYOS NA PAGDALOY O SIRKULASYON NG DUGO NG KATAWAN

Ang isang maligamgam na tubig sa umaga ay malaki ang maitutulong para mapabuti ng husto ang sirkulasyon ng dugo sa katawan mo. Ayon sa ilang pag-aaral, ang maligamgam na tubig ay pinatataas ang pagdaloy ng dugo sa ating mga balat na nababawasan dahil sa pagkababad nito sa init. Maiinitan din ang buong katawan mo dito kaya magigising lahat ng importanteng bahagi nito.

BAKIT MASAMA ANG UMINOM NG TUBIG?

Ang malamig na tubig sa summer o tag-init ay nakakarelaks ng isip at katawan pero nakasasama pala ito sa iyong kalusugan. Kung ininom mo ito, mas kakailanganin ng katawan mo na pabalikin ang wastong temperatura nito kaya makakaramdam ka ng pagod. Hihigpit din ang mga ugat dahil dito at titigas ang mga taba sa kinain mo kaya mas lalong mapupuwersa ang tiyan para lang matunaw ang mga ito.

Ito ang dahilan kung bakit ang lukewarm o maligamgam na tubig ay mas mabuti para sa ating kalusugan.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments