MGA DELIKADONG DAHILAN KUNG BAKIT ANG PAGSHOWER ARAW-ARAW AY MAKASASAMA SA IYONG KALUSUGAN

SPONSORED LINKS
Alam natin na ang pinoy ay masyadong maarte pagdating sa personal na kalinisan, marami tayong ginagamit na produkto para dito tulad ng shampoo, sabon, toothbrush, facial wash, feminine soap, body scrub, conditioner at marami pang iba.



Mahilig tayong magshower ng hindi lang isa pero dalawang beses at minsan ay tatlo pa tuwing tag-init, dahil nasa tropiko na bansa tayo, ang makapaligo gamit ang shower ay kailangan ng karamihan sa atin.

Wala masama sa pangangalaga ng sariling katawan o pagiging presentable sa lahat ng oras, pero kung maaari ay tandaan natin na huwag sosobrahan ang paglinis ng ating katawan dahil may ilang mga bakterya din na kailangan ito para mabuhay.

Alam mo ba na ang pagshower bawat araw ay nakakasama sa iyo? Siguro nandidiri ka sa ideya ng hindi pagligo ng madals pero sa baba ay mababasa mo ang dahilan kung bakit ito delikado para sa iyong kalusugan:

ANG HINDI PAGSHOWER AY PROTEKSYON PARA SA KATAWAN MO

Ang sobrang linis ay hindi mabuti sa katawan mo dahil pinupuksa nito ang mga good bacteria sa balat. Ang mga good bacteria na ito ay proteksyon ng katawan laban sa mga toxins, impeksyon at mga kemikal na maaaring makapasok sa katawan.

PATUTUYUIN NITO ANG BALAT MO

Tuwing taglamig at sobrang baba ang temperatura (katulad ng kabuwanan ng pasko) ay naliligo tayo gamit ang shower na mainit ang tubig at hindi natin alam na pinatutuyo pala nito ang ating balat. Kaya kahit malamig, subukan mong hindi maligo gamit ang mainit na tubig.

MASAMA ITO PARA SA BUHOK MO

Ang pagshower o paghugas ng buhok mo araw-araw ay tatanggalin ang kintab nito at patutuyuin ito. Subukan mong palampasin ang ilang araw na hindi hinuhugasan ang buhok mo at mapapansin mo na magiging mas malambot ito, mas makintab at mas masigla kung ikokompara sa dati.

MAKAKATULONG ITO PARA MABAWASAN ANG MGA PROBLEMA SA BALAT


Ang mga tao na nakakaranas ng mga problema sa balat tulad ng eczema o rosacea ay dapat iwasan ang pagshower bawat araw. Kung may iritasyon sa balat mo o pagpapantal, dapat mong iwasan na maligo gamit ang mainit na tubig.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments