MGA HEALTH BENEFITS NG DRAGON FRUIT NA DAPAT MALAMAN NG LAHAT NG TAO

SPONSORED LINKS
May isang uri ng dragon fruit na kilala sa tawag na pitahaya o pitaya. Ang madalas na makikita na klase nito ay may makapal, may kulay na deep pinkish red at may magaspang na balat na may berdeng parang apoy na mga tusok-tusok. May mga white at blood red flesh tupes na may maliliit at maiitim na buto at pitaya amarilla na may dilaw na balat na kulay puti ang laman sa loob.



Paano nga ba nakuha ng dragon fruit ang kanyang pangalan? Marahil dahil ito sa parang kaliskis at apoy na berdeng mga tusok-tusok na hindi naman tinik pero kung nakita mo ang bulaklak nito ay maiintindihan mo ang dahilan kung bakit.

Dahil sa sobrang “stylish” na balat at magarbong pangalan nito, ang laman ng dragon fruit ay walang masyadong lasa at parang lemon kung kagatin at ang malutong na buto nito ay parang buto ng prutas na kiwi.

MGA MAIIBIGAY NITO NA NUTRISYON:

Ang dragon fruit ay puno ng phytonutrients. Punong-puno din ito ng antioxidants, vitamin B at C, at polyunsaturated fatty acids, carotene at protein. Marami din itong laman na calcium, iron at phosphorus.

Ang buto ng dragon fruit ay mataas ang taglay na polyunsaturated fats katulad ng Omega-3 at Omega-6 fatty acids.

ITO ANG ILAN SA HEALTH BENEFITS NG DRAGON FRUIT:

ACNE

Ang dragon fruit ay puno ng vitamin C at isang mabisang tropiko na ointment. Ang isang hiwa nito ay maaaring gawin na paste at magagamit sa mga acne sa mukha at balat ng katawan bago hugasan ng mainit na tubig.

ANTI-AGING

Ang pagkain sa dragon fruit ay makakatulong para mapanatili ang batang itsura at elasticity ng balat dahil sa mataas na antioxidant dito.

ANTI-INFLAMMATORY

Dahil marami itong laman na antioxidants at phytonutrient ay mabisa itong gamitin para maibsan ang mga pamamaga dahil sa gout, rayuma at astma.

CANCER


Pinapatibay nito ang immune system dahil sa taglay nito na vitamin C. Binubuo din ito ng carotene na may anti-carcinogenic na katangian na binabawasan ang laki ng mga tumors.

CARDIOVASCULAR HEALTH

Wala itong laman na kahit anong kolesterol o mga nakasasama na kolesterol na gumagawa ng taba. Kung mababa ang antas ng kolesterol sa dugo ay mababa rin tiyansa na mabuo ang plaque sa mga arteries at ugat mo. Ang mga buto nito ay may positibong uri ng fats o HDL na pinapababa ang dami ng LDL o bad cholesterol sa pamamagitan ng pagbawas sa mga receptors na nakakapit sa pader ng mga arteries.


CONSTIPATION

Ang mga tao na hirap sa pagdumi ay matutulungan ng pagkain na kahit kauting dragon fruit araw-araw. Mataas ito sa dietary fiber na mahalaga para mapabuti ang paggalaw ng bowels.

DETOX

May kakayahan itong alising ang mga toxic heavy metals sa katawan.

DIABETES
Hindi ito matamis at mabisang pagkain para sa mga may diabetes. Mataas ito sa fiber kaya mabisa nitong mapapangasiwaan at mababalanse ang antas ng blood sugar at kara rin nitong pigilan ang biglang pagtaas ng sugar sa katawan.

DIGESTIVE HEALTH


Ang dragon fruit ay makakabuti sa digestion dahil marami itong laman na fiber at mainam na gamitin ng mga tao na may mahina na digestion o constipated. Ang laman at buto nito ay puno ng good proteins na magpapalakas at magpapabusog sa katawan. Kung madalas ang pagkunsumo mo ng dietary fiber ay maiiwasan mo ang mga kondisyon tulad ng constipation, irritable bowel syndrome at kahit ang colocteral cancer.

HEART HEALTH

Dahil sa mataas na antioxidant nito ay mabisa nitong nababawasab ang oxidation sa cholesterol. Isa itong magandang mapagkukunan ng mga monounsaturated fats na nakatutulong sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan ng puso.

HEALTH OF THE IMMUNE SYSTEM

Isa sa magandang pakinabang ng dragon fruit ay pinatitibay nito ang immune system ng katawan. Dahil marami itong laman na vitamin C na isa sa nagpapatibay sa immune system ay mas malalabanan ng katawan ang mga sakit o karamdaman na maaaring dumapo dito katulad na lamang ng pagpigil sa pagkasira ng mga cells na dulot ng mga free radicals sa katawan.

RESPIRATORY HEALTH


Dahil sa taglay nito na vitamin C ay mabisa itong panlunas sa mga respiratory na kondisyon katulad ng astma, bronchitis at kahit pagbabahing.

SOOTHE HEARTBURN


Ang mataas na antioxidant at nutrients na makikita sa purtas na ito ay makakatulong para maibsan ang iritasyon na dulot ng sunburn. Ihalo lamang ito sa katas ng cucumber at honey at gamitin sa mga apektadong balat.

Tips sa pagkain: Piliin ang bright red o pink na kulay ng dragon fruit na lubos na hinog, pisilin ang laman nito at kung bumuka ito ng kahit maliit ay maaaring hinog na ito para makain mo. Mas mainam itong kainin ng malamig at hiniwa sa cubes o maaari din itong ilagay sa blender para makagawa ng isang smoothie. Ang isang fruit juice ay madalang gawin gamit ito kasama ang ilang sangkap at masarap inumin sa tag-init.

Tandaan: Masarap itong kainin at walang side effects kahit sa mga buntis o nagpapasuso ng mga nanay.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments